❤PROLOGUE❤

5.3K 64 5
                                    

Happy Reading!!


Votes and comments❤


"I'M MARRIED "

❤PROLOGUE❤

Masayang naglalakad si Farrah pauwi sa kanilang bahay galing sa paaralang pinapasukan. Araw niya itong nilalakad dahil nais niyang makaipon sa pamamagitan pagtitipid. Marami din namang mga estudyante ang naglalakad kaya hindi siya nakakaramdam ng kahit ano mang takot. Gusto niyang magtipid dahil naawa siya sa kanyang ina na nag-iisang tumataguyod sa kanya.

Lumaki siya ng walang kinikilalang ama dahil matagal na raw itong pumanaw ayon sa kanyang ina subalit sa tuwing tinatanong niya ang kanyang ina kung ano ang panglan ng kanyang ama at kung saan ito nakalibing ay iniiba ng kanyang ina ang usapan. Hindi na niya daw kailangan pang malaman ang tungkol sa kanyang ama dahil hindi naman ito babangon sa hukay at masasaktan lamang daw siya. Wala siyang kaalam alam tungkol sa kanyang ama dahil wala pa siyang kamuwang muwang sa mudo ng pumanaw daw ito. Nasa loob pa lamang siya ng sinapupunan ng kanyang ina.

Sakit at lungkot ang nakikita niya sa mga mata ng ina sa tuwing nababanggit niya ang kanyang ama kaya mas pinili na lamang niyang hindi na ulit tatanungin ang kanyang ina dahil ayaw niya nakikitang nasasktan dahil nasasktan rin siya. Siguro nga hindi pa talaga nakapag move on ang kanyang ina sa pagpanaw ng kanyang ama kaya naiintindihna niya ito.

"Magandang hapon po Aling Gemma.!" Masiglang bati ni Farrah kay aling Gemma nagpapaypay ng mga binabarbikyung isaw, batikulon, ulo ng manok, Ruben at paa ng manok.

"Oh Ikaw pala Farrah , mukhang Napa aga ang uwi mo ngayon?"
Tanong naman ng ale sa kanya.

"Ahm... Ano po kasi, maaga kaming pinauwi dahil may meeting daw ang mga guro."
Sagot ni Farrah. "Sige po along Gemma tutuloy na po ako."

"Oh siya, Ito, kainin mo muna itong dalawang isaw na luto na luto." Alok sa kanya ng Ale.

"Wag na po." Tanggi naman ni Farrah.

"Asus! Nahiya ka pang bata ka, kainin mona bago pa lumamig. At saka kulang pa nga ito sa kabaitan mo sa akin kaya kunin mona."

Mabait si Farrah kaya halos lahat ng tao sa kanilang lugar nila ay kasundo niya at palagi niyang tinutulungan si Aling Gemma
Kung namamalenke ito sa bayan.

"Sige na nga po, baka magtatampo pa kayo sa akin." Wika ni Farrah at kinuha ang dalawang isaw.

"Eh talagang magtatampo talaga akong bata ka." Natatawang turan naman ng matanda sa kanya.

"Hi ma.!" Bati ni Farrah sa ina at
sabay mano dito.

"Magbihis kana at nang makamag meryenda ka. Alam Kong gutom kana."

"Paano mo nahulaan ma." Nakangiting tanong niya sa ina.

"Hay nakung bata ka, binibigyan din naman kita ng pera para sa pamasahe pero mas pinili mong maglakad papunta sa eskwela pati sa pag-uwi kaya wag ka ng magtaka kung bakit alam Kong nagugutom ka dahil sigurado akong naglakad ka lang pauwi. "
Wika ng kanyang ina na si Martha.

"Nagtitipid lang po nay." Nakangitibg sagot niya sa ina.

Maingay ang buong classroom
nila Farrah dahil sinabi ng kanilang guro na wala silang pasok buong isang linggo dahil may seminars lahat ng kanilang guro.

I'M MARRIEDWhere stories live. Discover now