❤3❤

2.1K 67 19
                                    

"I'M MARRIED"

❤3❤


Kausap ni Connor ang kaibigan niyang may ari ng paaralan dahil may hiningi siyang pabor dito.

"Don't worry dude, inayos na ng mga tauhan ko kahapon ang rooftop at may pagtambayan kana kapag wala kang gingawa. You can relax there dahil walang mang-iiatorbo sayo doon dahil mahipig pinagbabawalan ang mga estudyante na pumunta o tumambay sa rooftop ng main building. Just check it if you have a time."

Wika ng NASA kabilang linya.

"Thanks. By the way papunta ako doon ngayon. Mamaya pa ang klase ko around 3:pm. Bye dude."

Ibinaba na ni Connor ang kanyang cellphone at nagpunta nasa rooftop. Madali siyang nakarating sa rooftop dahil gumamit ito ng elevator.

Nagtataka si  Connor dahil Hindi nakandado ang pintuan.  Ibinalik niya sa kanyang bulsa ang susi at ang nasa  isip na Connor ay baka nakalimutang ikandado ng mga tauhan ng kaibigan niya kahapon kaya bukas ito.

Napangiti siya ng malawak ng buksan niya ang pintuan at sinlubong siya ng hangin. Kaagad niyang napansin ang mga bulaklak at maliit na purok sa gitna at maliit na mesa na may upuan na pwedeng mong mapagpahingahan.

Napakaganda kaya mas lalong siyang napangiti ngunit biglang naglaho ang kanyang mga ngiti ng napansin niya na may anino ng tao siyang nakita malapit sa may pader.

"Akala ko ba pinagbabawalan ni King na may ibang tumambay dito." Wika ng NASA isip ni Connor. Nakaramdam siya bigla ng galit sa kung sino mang tresspasing.

Dahan-dahan siyang lumapit sa dito at nakita niya ang babaeng mahimbing ang tulog.  May inilapag itong tela aa kapag at doon ito nahiga.

Ang kaninang galit na kanyang naramdaman ay biglang naglaho dahil sa kanyang nakita. Napatawa na lamang siya sa kanyang isipan. Mukha kasing nahihirapan ang babae sa kanyang position.

Matagal niyang pinagmasdan ang mukha ng babae at bigla niyang naala-ala. Isa ito sa mga estudyante niya kaninag umaga at ito ang babaeng kakaiba ang reaksyon ng makita siya.

"Hindi talaga maiwasang may hindi susunod sa patakaran sa paaralan at isa na babaeng ito."
Aniya sa kanyang isipan.

Gusto niyang ilipat ang babae may upuan ngunit hindi  na niya ito ginawa dahil baka magigising lamang ito. Napailing na lamang siya at hinayaan ang babae na natutulog at bumalik na rin siya sa kanyang puwesto  at nahiga may upuan.  Dawang purpose kasi ang upuang inilagay dito, pwedeng  normal lang na upuan at puwedeng mong gawing mini bed.

Inilabas ni Connor ang kanyang cellphone at may biglang sumagi sa kanyang ispan. Mabilis itong tumayo at bumalik sa puwesto ng babae. Kinuhaan niya ng larawang ang maamong mukha ng babae at napangiti siya sa kanyang ginawa.

I'M MARRIEDWhere stories live. Discover now