❤1❤

2.5K 72 6
                                    

"I'M MARRIED"

❤1❤


   

Napabalikwas ng bangon si Farah sa malakas na tunog ng alarm clock sa kanyang  minie table sa tabi ng kanyang kama.

Pikit mata itong tumakbo papunta sa banyo at mabilis  naligo. She fixed herself faster dahil naririnig na niya ang malakas na busina ng kotse sa labas ng kanyang apartment.
And it was Kurt John de Lucca. Her best of friends.

It's been a year when she left the Island.  Wala na siyang balak bamalik duon dahil ayaw na niyang balikan ang mapait na nakaraan at pilit na kinakalimutan.

"Kurt!  Can you please stop that noise. Masakit sa tainga. Isusumbong kita kay tito kapag nasira ang eardrum ko." Pananakot ni Farah kay kurt na ikinangisi lamang nito.

"Calm down babe." He said.

"And stop calling me babe moron coz I'm not your babe.!" Bulyaw ni Farah sa kaibigan.

"Then,  payagan mona akong ligawan ka,  so i can call you babe." Natatawang wika ni Kurt na nagpainit ng dugo ni Farah.

"Hoy lalaking babaero!  Baka nakakalimutan mong kasal na ako at wag mo nga akong isama sa mga babae mo." Bulyaw ulit ni Farah.

"Kasal pero wala namang asawa. Eh hindi mo nga alam kung ano ang pangalan ng lalaking pinakasalan mo." Kantyaw sa kanya ng kaibigan na ikinatahimik niya.

Kurt is right. Wala siyang kaalam alam sa lalaking pinakasalan niya ng gabing iyon. Only Kurt know what happened that night because she told to him. Makulit si Kurt kaya nalaman niya.

Tahimik siya sa buong byahe papunta sa universiting pinapasukan nilang magkaibigan.

Bubuksan na sana niya ang pintuan ng kotse ng pigilan siya ni Kurt. "Hey,   are you mad at me?" He asked Farah while he's holding her wrist.

Hindi niya ito pinansin at hinila ang kanyang kamay at mabilis lumabas sa kotse.

Mabilis siyang hinabol ni Kurt at hinarang ito. "Farah,  sorry na oh. Promise hindi ko na yun uulitin." Paghingi nito na paumanhin.

Inirapan lamang ni Farah si Kurt nasa kanyang harapan.

"Hindi tayo bati."  She said.

"Farah naman eh. Bati na tayo please. Please, please." Parang bata na asta ni Kurt sa tapat niya.

Lahat ng mga estudyanteng dumadaan sa puwesto nila ay kinikilig. Pinagkakamalan silang magkasintahan sa buong university. 

Iskolar siya sa university at ang magulang naman ni Kurt ang sumusustento sa iba niyang pangangailangan. Mabait ang mag magulang ni Kurt at tinuring na rin siyang anak ng mga ito dahil nag-iisang anak lamang si kurt.

"Libre mo ako lunch in one month." Demand ni Farah sa kaibigan. "Ayaw mo?  Isusumbong nalang kaya kita kay tito sa mga kalukuhan mo." Banta pa nito kay Kurt.

"Oo na,  kahit two months pa basta walang sumbungan kay daddy." Payag na wika ni Kurt sa demand ni Farah.

"Ang bait bait naman ng kuya ko." Masayang wika ni Farah at sabay yakap kay Kurt.

"Oh fucked. We have the same age Farah so don't you dare to call me kuya. Babe nalang." Naiiritang wika ni Kurt. Ayaw niya kasing tinatawag siya ni Farah ng kuya, kaya palaging napapamura yan kapag tinatawag siya nito ng kuya.

"Heh! Ang bad mo. Makakaalis na nga. Baka malate ako dahil sayo. Tabi." Mataray na wika ni Farah.

"Tsk! Sabay na tayo."

I'M MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon