"I'M MARRIED "
❤5❤
Nang pumasok si Farrah sa loob ng kanyang apartment ay kaagad na naman niyang napansin ang lalaking nakahiga sa kanyang sofa sa sala.Napangiti siya ng makilala niya ang tinutukoy ni Lady K na bisita niya. Dahan dahan niyang inilapag ang mga ipinamili upang hindi magising lalaking natutulog. Napangiti siya ng malawak may biglang pumasok sa kanyang isipan na kalukohan.
Pumunta siya sa kanyang kusina at kinuha ang takip ng dalawa niyang kaldero at bumalik sa sala.
Lumapit siya sa bandang uluhan ng lalaki at malakas niyang ipinaghampas ang dalawang takip ng kaldero na bumuo ng malakas ns tunog.
"What the fuck!!! Fuck!! Fuck!!" Sunod sunod na mura ng lalaki dahil sa gulat. Halos maiihi naman si Farrah sa ginawang kalokohan at sa naging reaksyon ng lalaki.
"The fuck!! Can you please stop laughing at me!" Bulyaw ng lalaki Kay Farrah at napatigil naman ito sa pagtawa.
"Don't shout at me ugly man.!" Pasigaw na pabalik ni Farrah Kay Wynnter Donovan
Wynnter is one of the close friend of Kurt from U.S.A. and also he's good friend of mine. I met him four years ago and we became close to each other. He's an ass most of time but he's good accompany.
"What the.. For your information, I am the most handsome and hot man in America. Habulin ito ng mga babae at never pa akong tinaggihan ng babae. They really love me." Pagmamayabang nito.
"Che! They didn't love you moron, they just only love your money and body. Kaya wag kang magmayabang diyan dahil sigurado akong may darating na isang babae sa buhay mo na magpapabago sayo at hindi mo madadaan diyan sa gandang lalaki mo at pera. Dahil lahat ng tao may katapat at kapag dumating na yung katapat mo, ihanda mona ang iyong sarili dahil tatawanan talaga kita." Saad ni Farrah at inikot ang kanyang mga mata.
"Tsk, alam mo sa tingin ko hindi pa naipapanganak ang sinasabi mong babae na katapat ko at kung naipanganak na siya ay sigurado akong ikaw yun. Lakas kasi ng tibok into kapag kasama ka." Wika nito at sabay kindat Kay Farrah na ikinatalim ng kanyang mga mata.
"Neknek mo. Hindi ako yun. Hindi naman ako magkakagusto sa isang mahangin at babaero. At isa pa, walang pakialam sa damdamin ng iba. Alam mo kapag Hindi kapa magbago, sa impyerno ang bagsak mo."
Naupo si Farrah sa sofa at ipinatong ang dalawang takip ng kaldero sa maliit na mesa sa tapat nila.
"Hindi impyerno ang ang bagsak ko. Alam kung saan? sayo. Kaya nga love kita dahil alam kong sayo ang bagsak ko." Saad nito na may malawak na ngiti sa mga labi.
"Asus, ano ako? Subject? Math? Lukohin mona ang sarili mo at wag ako. Kilala kita Mr. Donovan. Sandali nga lang, bakit biglaan yata ang punta mo dito sa Pilipinas, akala ko ba ay busy ka sa business sa U.S?" Tanong pa ni Farrah Kay Wynnter at hinarap ito.
"Ahmm..ano kasi....ano kasi......."
"Hoy Wynnter! Alam ko na yan. May pinagtataguan ka ba? Babae no? Nabuntis mo ba kaya ka tumatakas? Anong pangalan niya at ilang taon na siya." Sunod sunod na tanong ni Farrah Kay Wynnter dahilan pagpitik nito sa noo ni Farrah.
"Chismosa Karin eh, Hindi porket naparito ako ay may nabuntis na, Hindi ba puwedeng namiss lang kita?" -Wynnter
"Aray! Masakit no. Sapakin kita eh. Ano ? Sabihin mona sa akin at nang matahimik na ako. Promise Hindi ko sasabihin sa iba." Mabilis na saad ni Farrah at itinaas ang kanang kamay.
BINABASA MO ANG
I'M MARRIED
RomanceWARNING: RATED SPG!! MATURED CONTENT SO BE AWARE OF SOME WORDS/SCENES. Isang gabing nagdaan at maraming nangyaring pagbabago sa aking buhay. Mga bagay na hindi inaasahan na maganap ngunit ang kapalaran ang siyang nagpasya na ito'y mangyari. Mahira...