10: Hatid

12.8K 584 106
                                    

"Kung si Ginang Marlene ba ang kasama mo, dito rin kayo magdi-dinner?" Sa wakas ay naisatinig niya ang kanina pang tumatakbo sa isip niya. They were sitting on an airbed at the edge on the yacht. The sea breeze touching her skin felt refreshing. It wasn't too cold, but not warm either.

Nakaharap sila sa resort. The lights coming from the resort and nearby houses looked magnificent from afar.

"Seryoso ka diyan sa tanong mo?" Tumawa ng mahina ang binata. She looked at him, he was still beaming.

"Oo. Bakit? Ano'ng mali sa tanong ko? Curious lang naman ako," seryoso niyang saad. Ayder chuckled again.

"Don't you know a philosopher once said, curiosity-"

"Killed the cat," putol niya sa sinasabi nito. Lalo naman itong natawa.

"Mali," tugon nito. Nagsalubong tuloy ang kilay niya.

"Curiosity is lying in wait for every secret," he said staring at her. Mas lalo tuloy siyang naguluhan.

"What does that mean?" maang niyang tanong. Pakiramdam niya ay na-blangko ang utak niya at nabobo sa sinabi nito. Sino ba kasing philosopher ang nagsabi no'n? Buhay pa ba?

"Secret," he answered with a chuckle.

"Ewan ko sa 'yo!" ingos niya saka tumingin sa ibang direksyon nang hindi ito tumigil sa pagtawa.

"Basta ang alam ko, Curiosity is life. Assumption is death," dugtong niya.

Ayder stopped laughing. Nang sulyapan niya ay nakatitig na ito sa kanya.

"What is there to assume, Jeandy?" he asked. He had a serious tone. The utterance of her made-up name made her quiver.

Jeandy. She recited the name in her head. Then, shrugs all the strain of thought that came after.

There was a long moment of silence. Hinihintay siguro nito ang sagot niya.

Ayder lie down on the airbed. Nang sumulyap siya rito ay nakatingala ito sa kalangitan. Siya naman ay tumunghay na lamang sa mga mumunting mga ilaw na nagmumula sa resort.

There wasn't any sound except the ocean waves and their breathing.

"Why do you prefer looking at the artificial lights?" Napasulyap siya kay Ayder nang magsalita ito.

"Mas magandang tingnan ang mga bituin sa langit kaysa sa mga ilaw na tinitingnan mo diyan," dagdag nito. She inhaled deeply. Perhaps, he had a point.

"Lie here." He tapped the vacant space beside him. It took awhile before she decided to lie down facing up. Nag-iwan siya ng espasyo sa pagitan nila.

"Mas maganda 'di ba?" tanong nito nang nakatingala na siya sa kalangitan. Umoo naman siya. Now, she appreciates what he had been telling her. The vast expanse of the universe and the sparkling lights looked amazing.

Bakit ngayon niya lang naisip na pareho ang gusto ni Ayder at nang kapatid niya? Her sister had always been fascinated by stars and constellations. Kapag nagbabakasyon sila sa mga beaches, lagi itong lumalabas sa gabi para tumingin sa kalangitan. Siya naman ay tumatakas noon para magbar-hopping kasama ng mga pinsan.

Tiningnan niya ang Orion constellation na itinuro ni Ayder. She felt happy when she recognized it. Madali lang palang hanapin. It was very visible.

"No, I won't take Nanay Marlene here for dinner."

Tumingin siya sa binata nang marinig itong magsalita. Her head facing him while her body facing upwards.

"Baka paluin pa ako sa puwet," natatawa nitong sambit.

Breaking His Callous Heart (Part 1 of 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon