20: Broken

20.2K 683 232
                                    

Nagpatulong si Aisha kay Desiry para magkausap ang mga kapatid nila. Sa isang private resort ng pamilya Filan sila pinapunta ng dalaga.

Ayder looked angry when she saw her walking out of the car. Nakatayo ito sa bukana ng resort house. Nag-iba lang ang ekspresyon nito nang sumunod na bumaba mula sa sasakyan si Aira. At that instant, she fully understood what Desiry was talking about. May pait man sa mga titig nito pagtunghay sa kapatid niya pero kitang-kita ang masidhing pagmamahal.

Iyon na siguro ang pinakang masakit na naramdaman niya sa tana ng buhay niya. Seeing the man she learned to love stare at someone else with so much love and admiration. Worst, she must have to see it for the rest of her life because that someone happens to be her sister.

Ayder was silent when they went near him. Hindi nawala ang titig nito kay Aira. Parang ayaw nitong lumagpas ang isang segundo na hindi natititigan ang kapatid niya. It damn hurts. So much.

"My sister did not send me to avenge against you," umpisa niya. Hawak niya ang envelope na naglalaman ng medical records ng kapatid niya kung sakaling hindi ito maniniwala sa paliwanag niya.

Aira was silently standing beside her. Tahimik itong nakayuko.

"It was my own decision," she swallowed hard before continuing. Doon lang tumingin sa kanya si Ayder.

"My sister committed suicide when you broke up with her--"

"Aira, is that true?" agad na salo ni Ayder sa pangungusap niya. Tumingin ito sa kapatid niya. Worry immediately registered on his face. Aira lifted her face. A tear escaped her eye.

The moment Aira nodded, Ayder immediately grabbed her and hugged her tight.

"Bakit mo ginawa 'yon?" he asked kissing her hair, eyes closed.

She felt like her heart was being gripped tightly at the sight. Alam niyang hindi na kailangan ni Ayder ang paliwanag niya. Her eyes watered as she stared at them. Her lips quivered. She immediately went back to her car.

She was crying while driving her car away. She lost track of the time and place until she found herself cuddling a pillow inside her room trying so hard to stop herself from crying some more. Kung paano siyang nakauwi, hindi niya alam. Kung nakita ba siya ng mommy niya at mga kasambahay, hindi niya rin alam.

She only got back to her senses when someone knocked on her door loudly. It was her mom. Agad siyang tumayo at inayos ang sarili. Para siyang nahimasmasan mula sa mahabang pagkawala sa sarili. She calmed herself down and went to the door making sure it was locked.

"Aisha, baba ka na, hapunan na, inaantay ka ng kapatid mo," malakas na sabi ng mommy niya mula sa labas ng pintuan.

Wala akong gana.

Busog pa ako.

Kakain na lang ako mamaya.

She inhaled deeply as she thought of what alibi she would say to skip dinner, but she was too tired to speak.

"Hintayin ka namin sa baba, sunod ka na," saad ng mommy niya nang walang marinig mula sa kanya.

"Aisha?" her mom uttered knocking on her door once more.

"Po?" sambit niya nang mahimigan ang pag-aalala mula sa boses ng ina.

"Are you okay?" tanong nito. She wiped her eyes as she calmed herself. Ayaw niyang pag-alalahin ang ina.

"Okay lang, ma. Sunod na po ako," sambit niya.

"Sige," tugon naman nito.

Mabigat ang paa niyang inayos ang sarili at bumaba. She can hear her mother talking as she approached the dining area.

Breaking His Callous Heart (Part 1 of 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon