Chapter 1

17 2 0
                                    

NAIINIP NA AKO DITO SA PILA. Para sa scholarship at financial assistance, titiisin ko 'to.

Malaking tulong na pinansyal 'tong ina-apply-an ko. Tatlong libo isang buwan ang makukuha ko mula sa gobyerno. Ang kapalit lang ay ang matataas kong grado.

Pati scholarship, para hindi na ako magbayad ng tuition.

Matutuwa nito si Mama. Wala na siyang ibang aalalahanin kundi ang gastos para sa mga kapatid ko. Hindi na siya mamomroblema sa'kin.

Ako na pala ang i-interview-hin.

"Good morning po," ngumiti ako sa Congressman.

"Good morning," ngumiti rin siya sa'kin. "Maupo ka."

"Salamat po."

"Ikaw si Harrieta Sy?" Tumingin siya sa'kin at tumango ako nang nakangiti. "Anong trabaho ng Tatay mo?"


"Nagta-trabaho po siya sa Solid Waste Management sa Local Government Unit."


"How about your Nanay?"


"Housewife lang po."


"Nag-aaral ka sa private school?"


"Opo. Ayaw po kasi ni Mama na sa public school ako mag-aral. Dalawa po kaming kapatid ko na nag-aaral sa private school at 'yong dalawa po sa public school nag-aaral."


"Ano bang pinagkaiba nun? Ayaw mo ba sa public school?"


"Gusto ko po. Para mabawasan po ang gastusin namin. Pero nakakaahon naman po dahil sa mga sponsors naming magkapatid."


"Consistent honor student ka pa," natutuwa siya habang binabasa ang form ko. "Magaling, magaling."


"Salamat po, Cong. Lahat kaming magkakapatid ay consistent honor student."


"Pakikumusta ako sa tatay mo, ah? Hintayin mo na lang ang text namin para malaman mo kung kailan mo makukuha ang financial assistance," nilahad niya ang kamay niya.

Nakipag-shake hands ako sa kanya.

One financial assistance, check.

Dalawa pa.

Buong araw akong naghanap ng pwedeng makuhanan ng financial assistance.

May makukuha ako kay Cong na tatlong libo isang buwan, apat na libo naman sa Provincial Governor at fifteen thousand sa CHED per sem. Scholar pa ako sa Barcelona College. Buti na lang naging scholar ako kahit Salutatorian lang akong grumaduate noong High School.

Gusto ko sanang maging Chemical Engineer at makapag-aral sa sikat na University kaso hindi ako pinayagan ni Mama kasi Salutatorian lang ako. Isa pa, wala silang maibibigay na pantustos ko sa araw-araw. Ayaw naman ni Mama na lumipat ako sa isang community college kasi hindi daw ako bagay doon. Baka kung anu-anong kalokohan lang ang matutunan ko. Ang hindi niya alam, kahit sa private schools, marunong akong gumawa ng kalokohan nang hindi niya nalalaman.

Matapos kong asikasuhin lahat ng requirements para makaenroll na sa college, nahiga na ako sa kama.

It's been a long tiring day. Buti na lang lahat ng in-apply-an ko ng financial assistance ay bibigyan talaga ako. Kung hindi, masasayang lang ang pagpila ko.

Napatingin ako sa mga medals, trophies, ribbons at certificate na nasa wall ng kwarto ko. Ang sarap tignan na lahat ng pinagpaguran ko, nakikita ko.

Pero masaya ba ako? Ito ba talaga ang gusto ko?

Is that your Best?Where stories live. Discover now