Chapter 4

6 0 0
                                    

"CONGRATULATIONS, HARRIET!" Bati sa'kin ng mga kaklase ko.

Pilit akong ngumiti sa kanila, "Thank you, guys."

Hindi ko pa rin matanggap ang resulta ng boto namin ni Geoff. Tuwing binabati nila ako, pinipilit ko lang na magmukhang okay sa kanilang lahat pero sa loob-loob ko, hindi talaga ako masaya.

Kanina, pagkapasok ko ng conference room, naroon na ang mga CSC Candidates, Party Advisers, CSEB, mga dating CSC Officers at si Sir Jonathan.

Nasa unahan ang mga CSEB na abala sa pagfinalize ng mga boto. Gulat na gulat ako nang makita ko sa projector ang resulta ng boto namin ni Geoff.

1st Year Representative (Education Department)
Geoff Abellana (SHARE) - 114
Harriet Sy (USAD) - 114

Napangisi ang member ng CSEB na putok na putok ang blush on nang makita ang result. Sandali silang nag-usap ng katabi niya at humalakhak sila ng pagkalakas-lakas kaya napatingin sa kanila ang karamihang nasa conference room.

Sinuway sila ni Ate Erica kaya tumigil na sila.

"Sorry po," nag-peace sign pa silang dalawa at nagkwentuhan na naman sila.

Hinintay pa naming ipakita ng CSEB ang huling resulta na galing sa Philosophy Department.

"Sir, anong gagawin nila sa resulta ng boto namin?" Kinakabahan ako nung tinanong ko si Sir Melgar.

Kumunot ang noo ni Sir. Mukhang pati siya ay nai-stress dahil sa resulta.

Kausap na ni Ma'am Venus si Sir Jonathan kaya tinuro ni Sir Jonathan si Ate Erica. Tumango-tango pa si Ma'am Venus habang kausap si Ate Erica at ang kasama nito.

Napatingin ako kay Geoff na nakaupo lang at nakatingin sa mga CSEB na nagtatawanan habang may pinipirmahang mga papel.

"Miss Erica," tawag ni Sir Melgar

"Po?"

"Pwede bang ipakita ang resulta ng boto sa bawat 1st year Educ Department?"

"Sure, Sir," tumingin siya kay Theresa, "Ipakita niyo."

Pinakita nila ang resulta ng mga boto sa bawat blocks ng 1st year from Education.

BSEd 1-A
Harriet Sy (USAD) - 31
Geoffry Abellana (SHARE) - 14
BSEd 1-B
Harriet Sy (USAD) - 27
Geoffry Abellana (SHARE) - 13
BSEd 1-C
Harriet Sy (USAD) - 13
Geoffry Abellana (SHARE) - 28
BEEd 1-A
Harriet Sy (USAD) -28
Geoffry Abellana (SHARE) - 22
BEEd 1-B
Harriet Sy (USAD) - 15
Geoffry Abellana (SHARE) - 37

Overall:
Harriet Sy (USAD) - 114
Geoffry Abellana (SHARE) - 114

What the hell. Hindi ko inaasahan na may mangyayaring ganito. Imagine, limang blocks na 'yon, nag-tie pa kami?! Nakakaasar.

"Hello, hello," pagma-mic test ni Ateng putok ang blush on at binigay niya sa kasama niya ang mic.

"Okay, good afternoon po," bati ni Ateng may hawak ng microphone, "Since nagkaroon tayo ng konting aberya, ahm nasa'n po 'yong dalawang CSC Candidates na tumakbo for 1st year representative sa educ department? Please come forward."

Kinabahan ako. Anong gagawin? Papakiusapan ba nila akong umatras na lang tapos si Geoff na ang lalabas na nanalo?

Sabay kaming tumayo ni Geoff at pumunta sa unahan.

Is that your Best?Where stories live. Discover now