Chapter 7

5 0 0
                                    

Nakalipas ang sem break, christmas break at valentine's day. Lahat kaming magkakaibigan ay pinag-iigihan ang pag-aaral. Lalong-lalo na ako dahil may hinahabol akong grades para hindi matanggal 'yong scholarship at mga financial assistance ko.

Ngayon ay Recognition Day ng College Department. Hindi tulad ng Recognition day sa Elementary at HS, wala kaming kasamang magulang. Kami-kami lang mga College Students ang naroon. Mula 1st year to 3rd year na Dean's Lister, may Leadership, Service, Campus Journalist at Red Cross Awards ay naririto sa School Gym.

Nasa stage ang mga bigatin ng College Department na sina Sir Jonathan, Sir Frank na Head ng College Department, Sir August na Dean ng Political Science, Sir Peter na Dean ng Economics, Ma'am Claudine na Dean ng Education, si Sister Miles na Dean ng Philosophy at ang School Administrator na si Sister Magda. Si Sir Jerry naman ang host.

Tinawag na isa-isa ang mga Dean's Lister ng Education Department mula First Year. Tumayo na kami para pumunta sa stage at kunin ang certificate namin.

"Geoffry Abellana. Dean's Lister."

"Nigel Castillo. Dean's Lister and Service Awardee"

"Harrieta Sy. Dean's Lister, Service Awardee and Red Cross Awardee."

Nakangiti akong kinukuha ang certificate ko.

"Congratulations, Harriet," bati sa'kin ni Sister Magda nang inabot niya sa'kin 'yong certificate ko.

"Thank you, Sister," nagmano ako sa kanya bilang paggalang.

Sunod-sunod na nag-congratulate sa'kin ang mga Professors na kinamayan ko. Kaya nagpasalamat ako sa kanilang lahat.

"Wieee! Congratulations to us!" Inakbayan ni Lester sina Nigel at Geoff pagkababa sa stage.

"Congrats sa 'tin!" Tuwang-tuwang bati ni Nigel. "Sana hanggang pag-graduate may honor tayo!"

Sana nga. Sana kayanin kong magkaroon ng Latin Honor.

Naupo na kami sa aming mga upuan at hinintay na matapos ang Recognition Day.

"Sa'n na tayo?" Tanong ni Lester habang naglalakad na kami palabas ng school gym.

"We will celebrate, syempre," excited na sambit ni Nigel. "Kakain tayo! My treat!"

Sumama ako sa kanila kahit ako lang ang babae. Naalala ko 'yong paglibre ko kay Nigel noong February. Noong Feb lang kasi ako nagkaroon ng extrang pera panlibre sa kanya.

Bago pumasok sa school, tinext ko siyang magkita kami ng alas tres bago pumasok sa school. Nung nagkita kami, naka-white t-shirt lang siya, naka-slacks at black shoes. Mas gumwapo siya sa buhok niya.

"Bagong gupit ka, ah?" Parang gusto kong guluhin ang buhok niya. Pero baka magalit. Karamihan pa naman na lalaki ayaw na ayaw guluhin ang mga buhok nila.

"Syempre, para magmukhang gwapo sa date natin ngayon," kumindat siya.

Tinaas ko isang kilay ko at napangiwi, "Date?"

"Yes, date," grabe naman self-confidence nito. Hindi naman 'to date. Ililibre ko lang siya. "'Wag kang KJ. Basta para sa'kin date na 'to. Valentine's date."

"Ewan ko sa'yo, Nigel, hindi pa naman Valentine's ngayon," pinalo ko siya sa braso.

"Edi Pre-Valentine's date! Tara na nga! Idi-date mo pa ako, eh," inakbayan niya ako. Hindi ko na tinanggal ang kamay niyang nakaakbay sa'kin.

Pumasok na kami sa Resto na ako pumili. Kumain kami dito ng pamilya ko noong October pagkakuha ko ng financial assistance kong umabot ng sampung libo. Kaya sigurado akong masarap dito.

Is that your Best?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon