Prologue

394 42 4
                                    

"Down, down, down into the darkness of the grave."

Judgement Day left everyone unprepared.

Now, blood stained his hands. A dark and disgusting red.

'Kailan ba noong huli akong nakaramdam ng dugo ng tao?'

To be honest, E had almost forgotten what human blood felt like against his rough skin-indeed, this was an unwanted and unexpected experience. Nonetheless, it's safe to say that he will never be a stranger to Death, an old friend who had brushed shoulders with him many times in the past. Sa katunayan, hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang dinaya at dinaanan ni Kamatayan.

Pero ibang-iba pa rin pala ang pakiramdam kung dinadalaw na nito ang taong itinuring mong ama ng limang taon.

"Anak... Nandiyan ka pa ba?"

Narinig niya ang paos nitong boses. Malayong-malayo sa boses na ginagamit nito tuwing nagpapalaganap sila ng mga salita Niya, long before Judgement Day happened. Malayong-malayo sa boses na ginagamit nito tuwing may ie-exorcise silang Cambions (the possessed ones), sa pagbabaka-sakaling may maisasalba pa silang tao sa bayang ito.

"Nandito lang ako, Father."

E didn't need to see Father Joseph to know that he was already weakened by the attack.

'And soon enough, his mission on earth will be cut short, unfinished,' E thought as he knelt besides the old priest, tightening the hold on his hand. 'Wala nang magtutuloy ng Project Salvation.'

Naririnig niya ang malalalim nitong paghinga.

Nararamdaman niya ang unti-unting paglamig ng kanyang katawan.

'Death visits us too soon, too late.'

"A-Alam nating pareho na kailangang humantong sa araw na ito, E... Matagal ko nang tinanggap na hindi ko na masisilayan ang pagwawakas ng delubyong ito sa Eastwood."

"Sigurado ka bang hindi ang 'pagwawakas ng mundo' ang tinutukoy mo, Father?"

Narinig ni E ang mahinang tawa ng pari. Maya-maya pa, sinundan ito ng pag-ubo. From the sound of it, it seems like his lungs were damaged badly. Huminga nang malalim si E at pinilit tatagan ang sarili.

"Ipangako mo sa'kin na ipagpapatuloy mo ang misyon natin, 'nak... I-Ipangako mong aalagaan mo ang natitira nating mga kapanalig."

Another cough.

This time, E heard blood being expelled from the old man's mouth.

Gusto niyang ipaalala na halos ubos na ang bilang nila sa Order dahil sa pag-ambush sa kanila ng mga demonyo noong nakaraang linggo. Gusto niyang ipaalala na ang iba sa mga ito ay matagal nang sumuko at pumanig na sa mga kalaban. Gusto niyang ipaalala na matagal nang nawalan ng kaayusan sa Order mula noong gumuho ang huling simbahan nila sa Eastwood, na ngayon ay naging lungga na ng mga Cambion.

Gusto niyang ipaalala na sila na lang dalawa ang natitirang Exorcists sa Order of the Faithful.

E wanted to remind Father Joseph a lot of things, but he knew that he couldn't.

Not when this man's faith is bigger than his own.

When this man has bigger faith in him, than he does in himself.

"For if we live, we live to the Lord, and if we die, we die to the Lord," Father Joseph said.

E can imagine the priest closing his eyes, a peaceful expression on his face despite the blood and gore around him.

Romans 14:8

"...So then, whether we live or whether we die, we are the Lord's," E finished. Maya-maya pa, naramdaman na niya ang paglagay nito ng rosaryo sa kanyang kamay. Simbolo ng pagpapaubaya ng mga pangarap ng Order of the Faithful sa mga buhay pa nitong kasapi-ng pagtanggap sa tadhana at pagpapasa ng lampara ng pag-asa.

Huli na noong naramdaman niya ang paglandas ng luha sa kanyang pisngi.

"Ipangako mo sa'king tatapusin mo ang misyon natin, E. Hanggang sa muli nating pagkikita sa Paraiso, anak."

Maya-maya pa, hindi na niya ulit narinig ang boses o ang paghinga ng matanda. Death doesn't have any mercy, indeed.

Now E is the last Exorcist alive.

And the weight of this cross felt heavier than it should be.

---

WARNING: sensitive topics (e.g. religion, mental health) are discussed throughout the novel. Some characters' perspectives and opinions do not reflect the author's principles. Enjoy reading and I hope we both learn something from Project Salvation. Updates every Sunday.

✔ Project Salvation: The Last ExorcistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon