31 | My Blood

1.3K 31 6
                                    

Ang mga trabahong ginagawa ko sa palasyo ay siyang gagawin ko na dito. Madadagdagan nga lang dahil mas marami na ang responsibilidad ko. I have no choice but to do all of that. Iyon naman talaga ang gawain ng isang Anushka. Ako ang nasa posisyon ngayon ng totoong Sera kaya walang ibang gagawa nito kundi ako lamang.

Requests from ordinary women vampires who just gave birth have been delivered to me. Itatala na lamang kung kailan ito gaganapin. Gusto nila ng basbas galing sa akin. Pakiramdam ko, kasalanan ang aking gagawin. I have no power. I don’t have the right to bless the new born babies with my words and hands. Pero hindi rin maaaring tumanggi. Ano na lamang ang masasabi nila sa akin?

“Anushka.”  Pumasok si Leysa dala ang may kaliitang tray na naglalaman ng tsaa. Walang kape sa mundo nila. Noong mga naunang araw na pumunta ako dito, parang hindi ko kakayanin kapag walang kape. Mabuti na lang talaga ay nakasanayan ko na. Masarap din naman ang tsaa nila. “Magpapahinga na po ba kayo, pagkatapos nito?”

“Hindi pa.”

Binalot ng pagtataka ang kanyang mukha. Dumako rin ang kanyang paningin sa mga libro na natapos kong basahin. “Ano pa pong gagawin niyo?”

“Gusto kong ipaghanda mo ako ng pinakamagandang damit.”

“May balak na naman po ba kayong umalis ng palasyo?”

Umiling ako sa kanya. “Hindi. Gagamitin ko ‘yon sa oras na magtungo ako sa kwarto ng Andros. Doon ako magpapalipas ng gabi.”

A smile crept into her lips. Natigil ako sa pag-aayos ng mga librong tapos ko nang basahin saka tumingin sa kanya na may pagtataka. “Anong ibig sabihin ng mga tingin na yan?”

“Magkakasama po kayo ng prinsipe Aziel sa iisang kwarto.”

I frown in confusion. Mabuti na lang talaga ay wala dito ngayon si Aziel dahil nakakahiya ang sinabi niya. Isa pa, una pa lang naman ay lagi na kaming magkasama sa iisang kwarto. Hindi naman bago ‘yon.

“Ihahanda ko na po ang damit niyo.”  She chuckled for a second before leaving. Sinundan ko ang pag-alis niya at napatitig lang doon. Napapikit ako dahil sa kanyang iniisip. This is not right.

Matapos ayusin ang aking mga libro ay ang biglaang pagpasok ng prinsipe Asael. Agad siyang yumuko bilang pagbibigay galang bago lumapit. Sa aking mesa ay inilapag niya ang isang white wooden card. Doon ay nakatatak ang ilang letra na hindi ko maintindihan.

“Yan na ang pass mo simula ngayon.”  Aniya. “Ipakita mo lang yan sa mga bantay ng kahit anong papasukan mo ay makakapasok ka.”

Blood: Beauty's Antidote Of The BeastWhere stories live. Discover now