45 | The Beast In Him

1.2K 33 25
                                    

IKATLONG PERSONA


"Hindi mo lang siya hahayaan na pumunta doon kahit na tiwala tayong wala itong kayang gawin."


Bahagyang nilingon ni Argus ang Reyna na nakatayo doon sa harapan ng bulaklak. Bukas na gaganapin ang pagpapakawala ng katalusan ni Aziel. Kay tagal niya itong hinintay dahil sa wakas, makikita ng lahat kung sino talaga ang dinala nilang babae para magpanggap bilang Sera. Pero ngayon ay tila hindi naman mapakali ang Reyna.


"Wala na dapat tayong gawin, Kamahalan. Hayaan natin na sila mismo ang mahuli sa gagawin nilang 'yon."


"Itatakas nila ang babae! Dadalhin nila muli sa mundo ng tao. Hahayaan mo na lang bang mangyari 'yon?"


"Sisiguraduhin kong hindi 'yon mangyayari, Kamahalan." Nakangising sambit nito.


"Paano ka nakakasigurado?"


"Dahil hindi maaaring basta-basta na lang siyang umalis. Kung aalis man ito, nakabantay ang mga gwardya ng palasyo para pigilan sila. Isa pa, sa tingin mo hahayaan na lang ng babaeng 'yon ang Andros? Malabong mangyari."


Napatiim bagang ang Reyna. Iniisip nitong nagkagusto na ba ang babaeng 'yon para hindi na bumalik pa sa mundo ng mga tao? 'Yon ba ang ibig sabihin ni Argus.


"Kailangan mo pa ring gumawa ng paraan." Ani Reyna. "Hindi man siya ang totoong Sera pero tila tinutulungan siya ng mga Dyos sa lahat ng bagay na mga nangyari sa kanya."


"Anong ibig mong sabihin?"


"Naalala mo ba noong huling masugatan si Aziel? Nawalan ito ng kontrol sa sarili. Ngunit nang makita niya ang babaeng 'yon, nawalan siya ng malay. Kung hindi siya ang totoong Sera, may kakaiba pa rin sa kanyang pagkatao at maaari muli 'yong mangyari. At kapag nangyari 'yon, mas lalo siyang paniniwalaan ng iba na siya nga talaga ang tunay na Sera."


Nadapo ang tingin ni Argus. May punto ang Reyna. Minsan, naiisip rin ni Argus kung sino ba talaga ang babaeng 'yon. Sa ideyang may pareho sila ng mukha ng totoong Sera ay nakakapagtaka na. Ngunit sigurado na siya sa isa, hindi man siya ang totoong Sera, hindi rin naman siya basta ordinaryong tao lamang.


"Nabalitaan kong may dinala ang Punong Babaylan sa Azura. Magugulat ka kapag sinabi ko kung sino 'yon." Ani Reyna na bumasag sa katahimikan. Naghihintay si Argus ng sagot. "Si Adelio, ang dating doktor ng namatay na Hari."


"At anong ginagawa niya dito? Hindi ba't naparusahan na siya?"


"Matatal ng tapos ang kanyang kaparusahan. Tumira siya sa labas ng lungsod ng Arcelia at namuhay para gamutin ang ibang tribo sa malalayong bayan. Kaya malaya na itong kababalik dito. Hindi ko lang inaasahan na ang Punong Babaylan mismo ang magpapapasok sa kanya sa Azura." Bumuntong Hininga ang Reyna. "Nakakapagtaka. Wala mang kahit anong abilidad ang babae na 'yon pero tila may pinaghihirapan silang bagay na makamit. Tulad ng sinasabi ko sa 'yo, hindi lang basta ordinaryong babae si Zamira."


Naiwan na tahimik si Argus, iniisip ang mga sinabi ng Reyna. Naalala niya noong una niyang makita si Zamira, aaminin noyang binalot siya ng takot. Inubos niya na lahat ng  mga Sekhmet. Kung may nabuhay man noon sy ang Ina lamang ni  Aziel na namatay rin naman pagkatapos nitong manganak. Sinisigurado niyang wala nang naiwan. Bawat bangkay nokn ay inipon  at sinunog. Kaya nang makita niya si Zamira ay hindi talaga siya makapaniwala. Kamukhang kamukha nito ang babae sa tela. Walang bahid ng kahit anong pagkakaiba. Lahat pareho. Mula sa mata, ilong, labi at sukat ng mukha. Kung may pagkakaiba lang sa kanilang dalawa ay ang dugo nito.

Blood: Beauty's Antidote Of The BeastWhere stories live. Discover now