47 | Apple Lips

864 23 13
                                    

Mabilis na napuntahan ni Aziel ang kwarto kung saan namamalagi si Sera. Sumunod din ang Hari, Reyna at ang Prinsipe Asael. Gusto nilang malaman kung ano ba ang ibig sabihin ni General Zandro ngunit nang marating naman nila ang kwarto ay pareho pa rin ng estado ng katawan ni Sera.

Ngumiti si Nefeli at idinikit ang daliri sa labi nito tila ba sinasabi na hwag silang maingay. Wala na ang ibang bisita. Kung dati ay punong – puno ng bampira ang kwarto para magbigay dasal, ngayon ay wala na. They also have to step outside to explain what was happening now as if in that way, they wouldn’t wake up whoever’s sleeping there.

 

“Hindi ko nasabi noon ang mga naiisip ko pero…” Paninimula ni Nefeli. “Sa tingin ko ay hindi tuluyang nawala ang Anushka.”

Pare-pareho silang nagulat sa ibinalitang ‘yon ng Punong Babaylan.

“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ng Reyna.

“Nararamdaman ko pa rin ang kanyang enerhiya kahit noong namatay ito. Alam kong walang pagbabago sa kanya ngayon pero nakikiusap ako na h’wag na muna nating itutuloy ang gagawing pagsunog sa kanya. Sa tingin ko kasi…  ay babalik pa siya.”

“S-Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo, Nefeli?” Hindi makapaniwalang tanong ng Hari.

“H-Hindi pa ako ganoon kasigurado pero… may isang bagay pa akong napagtanto.” Sagot nito at tiningala ang Prinsipe Aziel. “Ngayon ko lang nakita ang suot-suot nitong kwintas. Isang bituin na bato sa gitna katulad ng nakita namin sa tela. Kulay esmeralda ang kwintas na ‘yon ngunit sa loob ng isang linggong pagkakahimlay nito, kalahati sa palawit ng kwintas nito ay kulay itim na.”

“Anong ibig sabihin non?” Ngayon lang nagsalita si Aziel.

“Sa tinging ko’y… doon namamalagi ang tunay niyang pagkakakilanlan. Ang kanyang dugo at ang kanyang amoy.”

They all heave a deep sigh. Nagpatuloy si Nefeli sa pagpapaliwanag. “Bawat araw ay mas umiitim pa lalo ang palawit ng kanyang kwintas tila inuubos ang laman non. Sa pagkaka-alam ko, bagong buhay ang ibinubuhos nito sa kanya.”

Napangiti ang Hari sa ibinalitang ‘yon ni Nefeli. “Kung ganoon, sinasabi mo bang kapag tuluyang naging itim ang kanyang kwintas ay mabubuhay ito?”

“Hindi ako sigurado pero maghihitay tayo. Ipinatawag ko na rin si Adelio at Esmeray para tignan ang esmeraldang palawit na suot ng Anushka. Ngayon ko lang nakita ang batong ‘yon kaya wala akong ideya.”

“Mabuti.” 

Blood: Beauty's Antidote Of The BeastWhere stories live. Discover now