33 | The Hunt

1.2K 40 0
                                    

IKATLONG PERSONA


Sa malamig na bahagi ng Kahru kung saan nagkukubli ang mga mababangis na hayop at silakbo ng malamig na klima ay nakatira ang mga tribo ng Haleth. Dalawang daan na ang lumilipas simula nang magkaroon ng sikretong komunidad malayo sa anomang bayan sa sentro ng Kahru upang itago ang kanilang natitirang tribo. Tatlong babae at apat na lalaki lamang ang naiwan sa kanila ngunit sa loob ng dalawang daang taon na 'yon ay kahit papaano'y dumami ang kanilang lahi, paraan para sila'y maging handa sa planong matagal na nilang gustong gawin.


Ngunit hindi naging madali para sa kanila ang ginagawang pagtatago. The kids do not have access for proper education. Ang mga bata sa kanilang tribo na dapat ay naglalaro sa ganoong edad ay kailangan turuan kung paano humawak ng espada. Hindi sila kasinglakas ng mga Saija o ng Sekhmet para ipatanggol ang sarili kaya ganito na lamang ang kanilang pag-iingat.


Ngunit hindi naging hadlang ang kanilang pagtatago para malaman ang lahat ng mga pangyayari at pagbabago sa kaharian at sentro ng Kahru.


Bumuntong hininga ang binatang nasa malayo ang isip. Sa bawat hampas niya ng kanyang maliit na kutsilyo sa hangin ay nagkulubli ang galit sa kanyang puso na dati pang nakatanim.


"Kallias!"


Lumingon ang lalaking nag-eensayo gamit ang kanyang maliit na kutsilyo kay Rohan, ang pinuno ng Haleth. Si Kallias ang kanyang panganay na anak at siyang patuloy na nag-iimbestiga sa paghahanap ng totoong babae sa propesiya. May katandaan na si Rohan kaya todo ensayo ang ginagawa ni Kallias nang sa ganoon ay may kakayahan itong ipagtanggol ang kanilang lahi kapag siya na ang susunod na mamumuno. Ngunit hindi siya kasing talino at kalmado ng kanyang Ama. Madalas siyang pinangungunahan ng kanyang galit.


They never thought someone like her could pretend. Paano nila nagagawa ang bagay na 'yon? Lalo pa't kasalanan sa mga Dyos ang itago ang katotohanan patungkol sa Anushka.


"Ama." Sagot niya na itinago ang kutsilyo at tumayo ng tawid sa harap ng matanda.


"Alam kong pinaghahanap na tayo ng Andros at anomang oras, makakarating din siya dito dahil sa ginawa mong panghihimasok sa kwarto ng nagpapanggap na Sera. Nawala mo pa ang iyong kwintas. Sa lalo't madaling panahon ay kailangan nating lumipat ng matitirhan para sa kaligtasan ng ating mga kasama."


Si Kallias ay isa lamang simpleng lalaki na nangangarap ng hustisya para sa pagkamatay ng mga Sekhmet. Ang kanyang matalik na kaibigan ay napatay habang siya ang inililigtas nito ganoon din ng kanyang Ina. Simula noon ay nagplano itong pabagsakin ang lahat ng mga nagpapatakbo ng palasyo dahil wala silang ginawa para mapigilan ang mga pangyayaring 'yon at syempre ang hanapin kung sino man ang mga umubos ng tribong Sekhmet. Ang ibang tribong kasama katulad ng Matias at Lunette ay dati nang nagtulong tulong upang patayin ang mga pumatay sa mga Sekhmet ngunit naging bigo sila at napatay din. Silang Haleth na lamang ang natitirang tirador ng mga walang awang pumatay sa mga tribong ito. Wala silang ideya kung sino ang mga 'to kaya hanggang ngayon ay hirap silang makakuha ng impormasyon.


"Alam ko ang 'yong iniisip, Kallias. Napanghihinaan ka na naman ng loob."


Umiling ang binata. "Kapag nagpatuloy ang pagpapanggap ng babaeng 'yon ay muling lalakas ang kapangyarihan nila. Paniniwalaan siya ng lahat. Malamang ay tinutulungan siya ng mga namumuno ng palasyo para itago 'to. Kung ganoon sila ang pumatay sa mga Sekhmet at ibang tribo, ama. Mababalewala ang nangyari sa nakaraan."

Blood: Beauty's Antidote Of The BeastWhere stories live. Discover now