Kabanata 2

2K 28 2
                                    

Kabanata 2

Alarming

“Mukhang biyernes santo ang unang araw ng skwela huh?” panunuya ng kaibigan kong si Kimberly sa aking tabi.

Kanina pa siya usap ng usap at kwento ng kwento ng mga ginawa niya nung summer break at kung paanong natapos niya ang buong season ng mga Anime at Manga na kinahuhumalingan niya. Ngumiwi lamang ako at kumagat sa sandwich na binili namin kanina sa canteen.

Unang araw ng skwela, bilang isang grade 12 student, walang mga teachers na magtuturo sa buong week, kaya lahat kami ay tatambay lang sa kung saan sa school, pakalat kalat, kaming mga 12 graders lang ata ang may ganoong rule ang iba namang nasa lower level ay nasisimula na sa kanilang mga klase. Nakakatamad ang ganito, hindi ako nagiging productive.

“May iniisip lang,” walang ganang tugon ko kay Kimberly. Humalukipkip siya at iwinagayway ang kamay niya sa harap ko, nilingunan ko siya saglit at tinaasan ng kilay.

Wala ba siyang babasahing Manga ngayon at pinepeste niya ang katahimikan ko? Madalas kasi ay nagbabasa basa lang siya pero kung tapos naman niya ay kinukulit kulit niya na ako at panay na ang salita niya sa akin.

“Tungkol ba ‘yan dun sa kliyente ni Gov?” Usisa niya, “Bakit ba kasi sinagot sagot mo iyon? Ayan, napagalitan ka tuloy ng Mama at Papa mo”

Umirap ako sa ere, pinagalitan ako ni Daddy pagkauwing pagka-uwi namin sa bahay, hindi niya daw nagustuhan ang pakikitungo ko sa kanyang kausap na kliyente, at ang pagsabat sabat ko ay hindi niya daw tinuro sa akin kahit kailan. Alam kong mali ang ginawa ko pero hindi ko kayang manahimik sa harapan ng lalaking iyon, ang yabang yabang akala mo naman kung sino, hamak na business man lang naman ang yabang!

“Ang yabang yabang niya kasi!” muling bumabalik ang inis ko sa pag-iisip palang sa kanya.

“Hmmm. Baka naman type mo!” mabilis akong bumaling sa kanya at sinamaan siya ng tingin tumawa lang siya at nag piece sign sa akin. Muli akong umirap.

“Tumigil ka Kimberly ha! Hindi magandang biro, hindi ko kailan man magugustuhan ang barumbadong bastos na ‘yon! Ang yabang! Sobrang yabang!” walang preno kong pagb-badmouth sa kay Aissen.

“Baka naman gusto lang talagang tumulong, para din naman sa ika uunlad ng Asukarera niyo iyon diba?” Nagkunot ang kanyang noo.

Kung hindi ko kaibigan itong si Kimberly ay maiingit na siguro ako sa kanya, ang ganda eh. The color of her skin tone is skin white, delectable lips, mapupungay na mata samahan pa ng magandang kilay at mahahabang pilik mata, mahaba at makurbang buhok, at makurbang katawan. Mas matangkad nga lamang ako sa kanya. Ngumiwi ako dahil sa sinabi ng kaibigan.

Tumulong, really? Pagtulong nga lang ba talaga ang pakay nung mokong na ‘yun? I bet it’s a NO.

Umismid ako, “Alam ko ang galawan ng mga ganoon Kim, kitang kita ko na may ibang pakay siya sa Asukarera namin at hindi ko hahayaang pakialam niya ang pagmamay-ari ng pamilya ko.”
“Paano mo naman nasabi na ganun nga, na may pakay siya sa inyong Asukarera?” Nagtatakang tanong ng aking kabigan, “Bakit tinanong mo ba siya na, Oy may balak ka bang masama sa Asukarera namin? Ganoon ba, Gwynn?” natatawang saad niya.

“Don’t get the wrong idea, it’s just my hunch, and it’s always right” may tiwala ako sa nararamdaman ko.

Alam kong pag nakaramdam ako ng hindi maganda ay alam ko mismo sa sarili ko na ang ganitong bagay ay hahantong sa hindi maganda, alam na alam ko iyon at ni kailan man ay hindi nagkamali ang mga hinala ko, it’s always right kaya naman kapag nakakaramdam ako ng ganitong bagay ay hindi ko hinahayaang lumagpas lamang. Hindi iyon pwede.

Diary of a Rapist (Mercadi Series #3)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora