Kabanata 30

705 15 1
                                    

Kabanata 30

Tragic

I wake up with a distant voice around me, agad kong minulat ang aking mga mata. There I saw a white ceiling with combination of furniture’s. Mommy’s talking to a guy, agad akong napabalikwas ng makita kung sino ang kausap niya.

It was a doctor, nasa hospital ako ngayon. Natigilan silang dalawa sapag-uusap ng makita akong nakatingin sa kanila at hinahabol ang aking paghinga. Agad na dinaluhan ako ni Mommy habang ang doctor naman ay naiwan sa pwesto niya nakatingin sa amin. Agad na yumakap si Mommy sa akin.

“Oh my goodness!” histerya niyang saad. “May masakit ba sayo? Nagugutom ka na ba? Are you alright?” sunod sunod niyang tanong sa akin.

Marahan akong tumango sa kanya.

“Anong oras na mommy?”

Tinitigan niya akong mabuti, binabasa ang ekspresyon ko sa mukha. Masyado akong pagod at gusto kong kumain pero hindi ko mapagtanto kung ano ba ang gusto kong kainin. Si Aissen kaya?

“Nasaan ang cellphone ko Mommy? Si Yana nasaan?”

Tumikhim siya bago bumaling sa Doctor na tahimik na nakatingin pa din sa amin. May ibinaba siyang folder at tinanguhan si Mommy bago lumabas ng aking kwarto. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa doctor na kalalabas palang at kay Mommy. She seems hesitant.

“Ang cellphone mo ay naiwan sa Mansion ng Tito Lucas mo. Si Yana ay nag-aasikaso nang mga gamit natin,” tugon niya sa akin. “Gusto mo ba ng tubig?”

Tumango ako sa kanya, agad siyang tumayo at kumuha ng maiinom ko sa dispenser.

“Bakit nag-aayos na naman siya ng gamit? Aalis na naman ba tayo?” tanong kong muli.

“Oo, tutulak tayo pa Batangas mamayang gabi…” ani Mommy bago iabot sa akin ang baso ng tubig.

Agad na nagkunot ako ng noo sa kanya, ano ang ibig sabihing tutulak kami papuntang Batangas? Kadarating lang namin dito sa Manila ay aalis na agad kami? Bakit, delikado na naman ba at kailangan naming tumakbo sa mga Gatchalian?

“Mommy, kadarating lang natin dito sa Manila, aalis na naman tayo?” naguguluhan kong tanong sa kanya.

Umupo siya sa tabi ko at marahang hinawakan ang kamay ko, malamyos na haplos ang iginawad niya doon. Binasa niya ang labi niya at marahang pumikit bago bumuntong hininga, she looks very problematic, masyadong namayat si Mommy halatang sobrang stress na siya. Ngumiti siya sa akin, assuring that everything seems fine but I know for sure it’s not.

“Gwynn, tatlong araw ka nang tulog—”

“Ano?” I cut her off.

Magsasalita na sana si Mommy pero agad na bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Tito Lucas, Yana, Caela at Daddy. Gulantang ay agad na niyakap ako ni Yana at Caela habang si Daddy naman ay sinalubong ng yakap si Mommy. Tito Lucas gave me a warm smile.

“Ate! Okay ka na ba?” kabadong saad ni Yana.

Tumango ako at muling niyakap siya. Caela seems weird kasi umiiyak na siya umupo sila sa magkabilang tabi ko leaving Mommy standing next to Daddy habang si Tito Lucas ay tahimik lang at nagmamasid sa amin.

“Yana, you should not stress your Ate…” Mommy warned her.

Agad naman na tumango ang kapatid ko kay Mommy.

“Mabuti naman at nagising ka na. The Media is looking for you all over Manila.” Tito said bluntly.

Sumimsim ako sa baso ng tubig na ibinigay ni Mommy at agad na inabot ko na iyon sa kanya. Napalunok ako dahil sa kaba, tatlong araw na akong tulog? Ano ang nagyari sa akin?

Diary of a Rapist (Mercadi Series #3)Where stories live. Discover now