Kabanata 26

672 17 6
                                    

Kabanata 26

The Truth

Mabilis kaming nakarating sa Resort nakita ko sa di kalayuan sina Kim, tumingin ako kay Aissen, i'm wondering kung may balak ba talaga siyang hayaan akong makipagbonding sa mga dating kaibigan. He smirked when we passed through them.

"Mauna na kami, pagod si Gwynn..." aniya at hinagilap ang siko ko.

Naiilang akong ngumiti sa kanila ng makita ko ang pagsunod ng tingin ni Jolainne at ni Tatiana sa kamay ni Aissen tumikhim si Tatiana at bumaling kay Raze. Hindi ko makita si Erica at Ace gayon din si Deus. I sighed.

"Raze, nakalimot kang ipakilala kami sa kaibigan ni Gwynn..." Tatiana said sweetly to her cousin.

Mataman lamang siyang tinignan ni Raze at tumango bago bumaling samin, kitang kita ko ang saya sa mga mata ni Tatiana ng hindi umalma si Raze sa sinabi niya. I guess i have to say that i don't like her that much, she have a pretty face but not a pretty attitude.

And for her information! Hindi ako basta bastang kaibigan lang! I am his fiancee! Ang pinakamamahal ni Aissen! Ang nag-iisang Gwynn Atanasha Altameo Deocades, the girl who stole Ced Aissen Mercadi's heart and mind, baka pag nakita niya kung gaano kabaliw ang lalaking ito sa akin ay mangamba siya at mainggit! Hmp!

"Gwynn gusto mo bang tulungan na kita paakyat ng kwarto?" tanong ni Kim sa akin ng makalapit siya.

"I'm Tatiana, Raze' cousin..."

Ngumiti ako kay Kim at tinanguhan siya, bumaling ako ngayon kay Aissen habang nakalahad ang kamay ni Tatiana sa ere, he shook her hands briefly bago matipid na sumagot.

"Aissen Mercadi.." he said courtly

"Saan ba ang room niyo?" medyo malakas na tanong ni Kim.

Agad akong bumaling sa kanya at nagtaas ng kilay, nang ibalik kong muli ang mata ko kay Aissen ay si Jolainne naman ang ka kamayan niya, umikop ang mata ko sa ere ano ba siya congressman at kailangang makipagkamayan talaga?

"I should ask Aissen, hindi ko kasi alam..." ani ko at pupuntahan na sana si Aissen pero hinawakan ni Kim ang braso ko at umiling siya

"Itanong nalang natin sa front desk, kakausapin din siya ni Raze mukhang hindi kasi papayag si Aissen na isama ka sa bar..." maingat niyang saad.

Hindi na ako nakapag paalam pa kay Aissen at agad na dumiretso kami ni Kim sa front desk, ngumiti ang isang babae sa akin ganon din kay Kim. She's wearing a seemingly beige corporate fitted dress.

"Good afternoon Ma'am, how may I help you?" magana niyang tanong sa akin.

"Room reservation under Aissen Mercadi?" kabadong saad ko.

"Sandali lang po ah? I'll check on our system.." aniya

Tahimik lamang ako at tila lumilipad ang utak dahil hindi manlang ako nakapagpaalam kay Aissen at bakit ba ang tagal tagal niya doon? Ano pa bang gagawin nila ni Tatiana at Jolainne? Muli akong umirap bago nakaramdam na may nakatitig sa akin, it was Kim eyeing me intently.

Ngumiwi ako sa kanya at medyo nailang.

"Presidential Suite reservation by Mr. and Mrs. Mercadi ma'am here's your room key..." naestatwa ako sa sinabi niya.

Ang siraulong 'yon! Hindi pa kami kasal ay Misis na agad ako? Pinamulahan ako ng kuhain ang room key namin, nagpasalamat ako at tahimik kami ni Kim na tinahak ang hallway papunta sa east wing. Sobrang kalmado ng lugar, the resort is made with combination of marbles and thick woods, halatang bakasyunan talaga but it screams luxury, i gasped when we passed by a huge pool, i would definitely take a dip there later!

Diary of a Rapist (Mercadi Series #3)Where stories live. Discover now