3⃣

291 13 0
                                    

[Do not forget to vote and follow]

Jungkook's
(Past)

Umupo ako sa tabi ni Hyung, kasalukuyang nagrarank ako kanina ng tawagan niya ako at papuntahin dito sa coffee shop na ito.

Ewan ko lang kung anong mismong dahilan,
For sure, family matter yon.

"Oh, Hyung. Ano na naman drama mo at idadamay mo pa ako?" Tanong ko sakaniya. Sa halip na sagutin ang tanong ko ay iniabot niya sa akin ang menu.

"Basta, gusto kong gumastos ng pera. San mo gusto gumala ngayon? Dala ko yung kotse, pagda-drive-in kita." Walang kagana-ganang sabi niya.

Kumislap ang mga mata ko ng marinig na pagda-drive-in niya ako. "Hindi ka ba natatakot mamatay Hyung? Sure ka? Saka pano kung mahuli tayo ng pulis?" Curious na tanong ko.

Binigyan niya ako ng boring look bago bumalik amg tingin sa menu. "Kaya ko silang bayaran."

I just shrugged. As always, pagaganahin niya ang pera niya. Yun lang naman ang tanging pambawi niya sa inis niya e. Ang pag-gastos ng pera ng magulang niya.

"What the fvck! Hindi ka ba nakatingin sa dinadaanan mo? Kakabili ko lang nito! For Pete's sake!"

"S-sorry po.."

Halos sabay kaming napatingin sa babaeng sumigaw at sa isang lalaking naka-school uniform. May suot siyang apron at may hawak na tray, nagta-trabaho siguro siya dito.

"Ow," I gasped. Napansin kong umiyak yung lalaki ng sampalin siya ng babae. Pero yumuko na lang siya at tinanggap lahat ng masasakit na salita.

"You know how much this cost? Kulang pa ang buhay mo! You ruined my day, you fvcking idiot! Poor fvcking idiot! Asaan ang manager niyo?"

Napaka-eskandalosa naman ng babaeng to. Ano ngayon sa gucci na suot niya? Kapal ng mukha, para kaunting tubig lang naman yung natapon e. Psh.

"Excuse me?"

"H-hyung..." Sabi ko ng makitang tumayo si Yoongi-hyung sa upuan niya at lumapit sa dalawa.

"What? Ikaw ba ang manager? Gusto kong alisin mo na sa traba—"

"Here," sabi ni Hyung habang kumukuha ng pera sa wallet niya. "Four years ago ng ilabas ang design ng damit mo. I'm sure sobra pa ang perang to? Kasama na din dito ang bayad ng make-up mo, ng accessories mo, ng pants mo. Now, please kindly took them off and buy new one with this money."

Iwinagayway niya ss harapan ng babae ang panay tag-iisang libo niyang pera bago isampal sa pagmumukha ng babae.

"What's happening here?"

Mas lalo akong kinabahan ng makita ang manager, baka mauwi kami sa presinto ni Hyung, though minor ako.

"This girl, harassed your employee. You should call a police and let them arrest this idiotic creation here."

Tumayo na din ako at lumapit kay Hyung.

"Nawalan na ako ng gana, tara na lang mag-bar." Sabi ni Hyung bago naunang lumabas ng cafe. Nag-bow muna ako sa kanila bago tumakbong sumunod kay Hyung.

Naiwan silang nakanganga lahat.
Sayang yung pera na nakakalat sa sahig. I wonder kung kanino mapupunta yon.

***
Sorry for grammatical and spelling errors. I'm too lazy to edit😂
Thank you! Godbless!
Whatever problem you are facing right now, I know you can get through them!
Fighting!

— ItsKimMiAh —

REVENGE || Yoonmin AU ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon