10⃣

211 8 0
                                    

[Do not forget to vote and follow]

Jungkook 's
(Past)

Binuksan ko ang pinto matapos makarinig ng walang sawang malakas na pagkatok.

"Hyungggg~"
Pag-iinarte ko ng tuloy tuloy siyang pumasok sa pinto na parang hindi man lang ako nakita.

"Diba sabi ko bawal ka dito ngayon?"
Sabi ko habang pinapanood siyang kumuha ng tubig sa ref. Walang alcohol drinks dito kaya magtubig na lang siya. Ayaw naman niya din kasi ng banana milk.

"Bakit ba? Dati naman okay lang sayo kahit dito na ako tumira." Tila walang pakialam na sabi niya.

"Eh kasi Hyung—"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng mapansing nakatitig siya sa likuran ko, kaya napatingin din ako doon at nakita si Jimin-hyung.

"Anong ginagawa niyan dito? Hindi mo naman sinabi sakin na type mo pala yan, psh." Yoongi-hyung snapped.

"Hyuuunggg~"

"Ehem, hindi ka ba mag-ooffer ng pagkain para sakin? Baka naman~" sabi ni Jimin-hyung habang nakahawak sa tiyan niya. Obviously iniiwasan niya si Hyung.

"Ah, oo nga pala. Ramyeon? Yun lang kasi ang meron ako dito." Sabi ko.

"Bakit ka ba nandito?" Yoongi.

"Wag na pala, hindi ako nagugutom. Tsk." Jimin.

Naglakad paalis si Jimin at pumasok sa kwarto niya kanina.

"Yah, anong ginagawa non dito?" Tanong ni Yoongi-hyung.

"Hyung... Feeling ko mali na pina-alis natin siya sa cafe?" Nag-aalangang sabi ko.

"Edi ibalik."
Walang kagana-ganang sagot ni Hyung sa akin. "Doon ako sa kwarto mo, matulog ka sa sahig." Sabi niya ulit bago ako lampasan at pagsarhan ng pinto sa sarili kong kwarto.

Aish~

Sinundan ko siya sa kwarto at tumabi sa kaniya sa kama, hindi naman ako nakarinig ng reklamo kaya hinayaan ko na lang.

"Hyung, papano mo siya ibabalik sa trabaho niya?" Curious na tanong ko.

Nakatalikod siya sa akin habang busy sa pagse-cellphone. Habang nakatitig lang ako sa puting kisame.

"Ewan ko, gawin mo na lang kasambahay mo." Walang kagana-ganang sabi niya.

Napaisip ako.

Sa itsura ni Jimin-hyung ay mukhang wala siyang matitirahan. Kapag nagkaroon siya ng trabaho ay hindi siya kaagad makakahanap ng bahay.

Paano nga kaya kung dito ko na lang muna patirahin si Jimin-hyung?

Madali lang naman palusutan yun kay Mama kapag nalaman niya. Sasabihin ko kaibigan ko ganun.

Tutal, kasalanan ko din naman kung bakit naalis siya sa trabaho, diba?

"Okay, hyung."

"Alilain mo para sulit." Kalmadong sagot ni Yoongi-hyung habang inaayos ang pagkakahiga niya sa kama ko. Malaki naman ito kaya kasya kaming dalawa. Kahit nga lima pa kami, kasya pa din.

"Bakit ka pala andito Hyung?"
Tanong ko ulit, kahit ang sagot lang na matatanggap ko ay—

"Basta." Yoongi-hyung.

I sighed. As always, family problem. Napagalitan na naman siya ng Daddy niya, 100% sure.

Yoongi-hyung is the black sheep in his family. Senator ang Daddy niya kaya ingat na ingat ito sa family niya. Samantalang si Yoongi-hyung ay walang ibang ginawa kundi ipahiya ang buhay nila.

Dahil sa pagiging black sheep ni Yoongi-hyung ay hindi siya kinikilala bilang anak ni Senator Min. Alam ng lahat na isa siyang adopted child, kahit ang totoo ay tunay siyang anak. Pinalabas iyon ng Daddy niya sa publiko para maging malinis ang imahe niya sa kabila ng gulong dulot ni Hyung.

Ang Mommy naman ni Hyung ay dating doctor. Ngayon ay ito na ang nangangailangan ng doctor para maging maayos ang pag-iisip niya.

Na-traumatize and Mommy ni Hyung simula nang malaman niyang isa sa maid nila ang kabit ng Daddy ni Yoongi.
Sa pagkakaalam ko ay napatay ng Mommy ni Hyung ang nasabing maid kaya siya nabaliw.

If I'm not mistaken, nangyari yun almost 2 years ago.

Pati ang pangyayaring yoon ay hindi alam ng publiko, marahil tinago iyon ni Senator Min para hindi marumihan ang pangalan niya sa publiko.

***
Sorry for grammatical and spelling errors. I'm too lazy to edit😂
Thank you! Godbless!
Whatever problem you are facing right now, I know you can get through them!
Fighting!

— ItsKimMiAh —

REVENGE || Yoonmin AU ||Kde žijí příběhy. Začni objevovat