Chapter 16

3.3K 78 1
                                    


"Hi guys, Im back"
Nakangiting bungad niya sa video call ng mga kaibigan.

"Hey, akala ko ba gabi ka pa darating?"

Nakangiting umiling siya.
Actually sinadya talaga niyang tinapos agad ang gawain sa Mindanao para makauwi kaagad dahil hindi siya mapakali sa pag aalala.
Hindi pa kasi kumocontact si Roswell sa kanya simula ng makaalis siya.
Kaya kahit mamayang gabi pa sana ang flight niya ay pinilit talaga niya ang Secretary na bilhan siya ng bagong ticket.

"Bakit parang nagmamadali kang umuwi dito?"

"Siguro may na mimiss nuh?!"
Akusa ng mga ito na ikinatawa niya.

Grabe lakas talaga nang radar ng mga ito.
"Stop being so nosy guys. Wala akong ibang namimiss kundi si Budz lang."

Agad na nagpalagan ang mga kaibigan niya na ikinatawa niya husto.

At ang baliw niyang kaibigan na nasa paris? Ayun tuwang tuwa nanaman.

"I told you guys! Kamisss miss talaga ang Beauty ko!"

"He! Magtigil kang ilusyunada ka!"

Natatawang binaba niya ang kamay dahil nangangawit na siya.

Bahala kayo dyan..

Masayang pinakinggan lang niya ang mga ito na nag uusap.

"Here's your luggage ma'am."

Magiliw na nginitian niya ang airport boy.
"Maraming salamat ah."

"Welcome ma'am. Its my pleasure to meet you too."

She nodded then turn her back to her Secretary.
"Ah Winona, mauna ka na. May dadaanan pa kasi ako.

"Sure ms. Ingat po kayo sa biyahe."

"You too."

"Hoy! Saan ka pupunta?"

"Sinong dadaanan mo?"

Rinig niyang tanong ng mga kaibigan ngunit hindi na niya pinansin pa ang mga ito dahil sinalubong agad siya ng media.

Hanggang dito ba naman...

"Ms. Jamae kamusta po branch nyo sa mindanao?"

"Its pretty good."
Nakangiting sagot niya.

"Ms. Makabaga, What can you say about Catriona joining the TFL models?"

"Any update about Ms. Katherine?"

"...Naglabas ng statement ang Meliza Contour Company tungkol sa sulutang naganap tungkol sa pagitan ninyo.
Ano pong masasabi nyo rito?"

Pilit siyang ngumiti upang pagtakpan ang pagkairita niya sa huling tanong ng mga ito.

Sulutan my face!
Hindi nalang tanggapin ang pagkatalo.
Tsk

"Ok people, I'll answer all of your questions on monday. For now I have to go because i have an important meeting to attend."

Aniya at nagmamadaling pumunta sa  parking lot kung saan niya iniwan ang kotse niya.

#5 TFL: MY PERVERT DOCTOR ( Jamae & Roswell) WATTYS 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon