Special Chapter

709 69 20
                                    

After 5 years...

"Mommy can I play po?" A 4-year-old girl came up to me named Kei. "Sure! go play with your Daddy" Sabi ko habang naka ngiti.

Nasa Park kami ngayon nag papahangin.

"Yay!" excited siyang tumakbo papunta kay Huening Kai. "Daddy Daddy! Let's play!" Pilit nya. Tinignan ko lang sila habang iniubos yung tirang pag-kain ni Kei.

"Okay fine." Tumayo agad silang dalawa at simulang nag-laro.

Limang taon na ang lumipas simula ng maging kami ni Kai. Madami kaming natutunan, lalong lumago  ang relasyon namin. Tiwala at Sakripsyo lamang ang lagi kong inaalala pag-dating samin.

Nasa college kami ngayon, iba na ang skwela na pinag-aaralan namin at hindi na kami magkasama lagi. Ngunit, nag hahanap kami ng paraan para magkaroon kami ng oras sa isa't isa. Gaya ng pag hatid at sundo nya sakin bago kami pumasok at bago umuwi. Minsan pag weekends, nag sasama kami sa bahay or kaya gagala kami

Syempre maharot pa ren ako huehue.

Habang tinitignan ko silang nag lalaro, may biglang tumawag sakin sa phone ko. Kinuha ko iyon at tinignan.

Lumabas sa screen ang pangalan ng kaibigan ko, sinagot ko iyon agad. Nanatili pa rin na naka tingin sa kanila na nag-lalaro.

Pagkatapos, binaba ko agad ang telepono.

"Kei!" Tawag ko sa inaanak ko. Napa tingin siya agad at tumakbo patungo sakin.

Oh kala nyo may anak na kami noh? HAHHHA issa prank!

Tawag nya lang samin ni Huening Kai ay "Mommy" at "Daddy" dahil parang anak na din namin siya. Lagi din namin kasi siya inaalagan dahil wala ang Mommy nya parati dahil sa trabaho.

"Yes po mommy?" Sagot nya habang naka kunot. "We're going home na. Your mom is nasa house na daw. Let's go na call your daddy." Sabi ko agad at sinunod nya naman habang naka ngiti.

Habang hinihintay sila, inayos ko muna ang mga gamit namin lalo na yung gamit ni Kei na pa kalat- kalat. Naramdaman ko siyang tumakbo ulit patungo sakin kaya binuhat ko siya at pina upo.

"You look so dirty na hays amoy pawis ka. Mommy might get mad at you mamaya nako." Pananakot ko sa kanya. "Sorry po hihi." Ani Kei. Nginitian ko siya at sinimula ko nang bihisan para maayos naman ang itsura nya pag-uwi.

Habang inaayos siya may naramdaman akong kamay na bumalot sa bewang ko. Hinayaan ko lamang yon ngunit hinigpitan nya ang pag yakap sakin. "Hoy ang landi mo nasa harap tayo ng bata." Ani ko.

"I don't care." Sagot nya.

"I miss you." Dagdag nya. "Di kita na miss." Sagot ko pabalik. Nakita kong kumunot ang noo nya pero tinawanan ko lang siya.

"Hanap na ko iba." Pananakot nya, tinigan ko kaagad siya ng masama at inirapan siya. "Im kidding." Sabi nya at niyakap ulit ako sa likod.

"Mommy faster na please!" sabi ni Kei. "Sorry baby kulit kasi ni Daddy mo eh." Sabi ko at tinawanan naman nya ako.


THE END

Engrish RIP。효닝카이Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon