XII | Stuck in the library

1.8K 81 1
                                    

Ruben Diced

"Kung maka-asta ka, parang naghiwalay kayo ah," komento ni Claire habang pinapanood ako na umiiyak at parang tangang nagmumukmok. Oo nga noh? Parang naging kami ni Vincent kung maka-asta ako eh.

Buntong hininga. Press the 'delete' button. All done, na-delete ko na yung mga picture ni Vincent. I was hurt and mad at the same time. Kaya dapat lang na itapon ko na yung pagkadami-daming larawan ni Vincent sa cellphone ko.

Kung may iniingatan ako dito sa mundo—maliban sa mga kaibigan at pamilya ko— ay yung ego ko. I really take care of it kasi napakahirap ibalik nun, just like the word trust that we all have.

"Itago mo na yan, recess na oh," anyaya ni Claire at tumayo na. Nagsabi siyang mauuna muna siya dahil magc-cr din siya.

Kaya pumunta na ako sa gym—what the heck. Andaming tao, I don't know kung namamalik-mata lang ako pero andaming tao. Kahit yung bleachers, puno din.

Narealize ko na nandito pala yung mga freshmens and sophomores. Kaya ang ginawa ko is bumili nalang ako ng pagkain then I head to the library.

Our library is like, a different style—when I mean different, I mean it's the different library that I expected that a good school has. Yun library namin, puro alikabok, sa bintana lang yung source ng hangin, and walang librarian. Record book lang ang nagsisilbing track kung sino yung pumasok doon. But alam ko namang it'll be worthless because pwede naman kaming hindi maglista ng pangngalan namin doon diba?

When I open the door, a figure of the person I didn't want to see, came insight. Hayyy badtrip.

But since wala akong choice, dahil bawal sa classroom kumain, dumiretso ako sa upuan.

"Ba't ka nandito? Alis," pagtataboy ni Vincent habang nagtitipa sa cellphone niya.

"This is our school library, lahat pwedeng pumasok dito, so don't command me to leave kasi hindi mo pagmamay-ari 'to," lintanya ko ngunit hindi na niya pinansin yung sinabi ko.

Agad naman ako kumain at sa kalagitnaan ng paglamon ko ay napatalon ako sa gulat nang humampas ng malakas yung pinto. Sa lakas ng hangin, nagsara na ito ng kusa.

Then Vincent stood up, mukhang aalis na. Finally. He went to reach for the doorknob.

"Shit, nalock tayo," sambit ni Vincent. Napatingin ako sa kaniya na mukhang nai-irita na. Inalog-alog niya 'yon at mukhang mas lalo pa itong nasira.

"Fuck," mura ni Vincent at dumaan sa isa pang pintuan na patungo sa Home Economics Room, ngunit hindi din ito mabuksan. For sure nilock 'yon sa kabilang side.

Kung minamalas ka na nga naman oh. Nalock pa ako sa isang kwarto na kasama yung taong dapat 'kong iniiwasan.

Nandito lang kami ni Vincent at parang tangang nakaupo lang at nakatingin sa kawalan—joke lang, ako lang pala yun. Busy siya sa kaka-type sa cellphone niya. Edi siya na. Duh.

Naramdaman kong may mag-vibrate sa bulsa ko. Ay dala ko pala cellphone ko noh? Inilabas ko ito at napansing kanina pa pala nakabukas yung data ko, at nakita ko sa notifications ay pangngalan ni Finch. binuksan ko ito at nang mabasa ko ang simpleng pagbati and a simple LSM. Well, I don't know kung LSM ba talaga yung ginawa niya, pero kinilig ako. Ang landi ko naman. Ew.

"Tss, landi," dinig kong komento ni Vincent.

I shot him a glare. "Pake mo?" Pagtataray ko.

He just gave me an eye roll and I swear, that looked hot.

Vincent ✓Where stories live. Discover now