XXXIV | New Students

1.4K 61 10
                                    

Ruben Diced

"Ingat kayo!" Dinig kong sigaw ni ate Bailey bago kami sumakay sa eroplano. This is it, we're leaving. Ayoko na dito sa bansang ito.

It's been a week since that incident happened. I've mourned my heart out. Naiinis ako sa sarili ko kasi naloko niya ako. Na-fall nanaman ako.

Nang makatungtong kami sa eroplano ay agad muna akong natulog. Ilang araw na kasi akong hindi nakakatulog. Lagi ko kasing naa-alala ang ginawa ni—I don't wanna say his name anymore. Napaka-gago niya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nang makauwi ako ay agad naman akong sinalubong nila nanay. I miss them too. Ilang araw nalang kasi ay may pasok na din kami.

Sana matino na ako sa pagpasok sa school.

But—I know I'll be alright. I knoe he won't be in that school anymore. So I can pretty much forget him, by just focusing more on my studies. Aral muna bago landi. Wag niyo akong gayahin. Tignan niyo, nasawi din agad.

Umakyat ako at dumiretso sa kwarto. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang maalikabok kong kwarto. I missed this.

Agad naman akong naglinis nang kwarto kahit na may pasok kami bukas. Since first day naman bukas ay malakas loob ko kahit ma-late ako.

Walis dito, walis doon. Punas dito, punas doon. And vòila, the room is now clean. Napahiga ako sa kama ko dahil sa pagod. Nagpahinga muna ako saglit at agad na akong naligo.

After taking a bath ay natulog na din ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"UBE! GUMISING KA NA!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw ni nanay. Si nanay napapraning nanaman, ako nga pa-chill chill lang eh.

Napangiti ako nang napansin kong nakatulog ako nang mahimbing kagabi. Akala ko may insomnia na ako, hindi pala. Na-trauma lang. Na-trauma sa ginawa ni—ang taas na pala ng sikat ng araw noh?

Dumiretso naman ako sa banyo at nagsimula nang maligo. After taking a bath ay nagsuot naman ako ng plain white tshirt at skinny jeans. Pwede naman daw na mag casual attire kami sa first day ng class kaya ito nalang ang sinuot ko. Kaysa naman mag sweatshirt ako, baka hindi pa ako nakakarating sa school ay parang lantang gulay na agad ako.

Agad naman akong bumaba after kong mag-ayos ng sarili. Kumain na din agad ako ng almusal at dumiretso na sa school.

When I reached school may mga bumati sa 'kin na mga kakilala ko since last school year. Taray, akala mo famous eh.

Nagtanong-tanong muna ako kung saan ang room namin. Second floor daw, Left Wing 4B. Agad naman akong umakyat at pagpasok ko ay nandoon na ang mga dati kong kaklase. Nangamusta naman kami sa isa't-isa at yung ibang mga kababaihan ay tumitili dahil daw nalaman nila na may tatlong transferees dito sa amin na puro lalaki daw. Sana naman matino yung mga lalaking iyon.

Maya-maya ay pumasok na ang adviser namin at nag-introduce naman siya. Sumunod naman ay kaming lahat ay isa-isang magi-introduce nang sarili sa harapan. Ano 'to? Tradition? Kada school year may pa-"introduce yourself?"

Habang nagchi-chikahan kami dito since first day palang naman, biglang bumukas yung pinto. Napasinghap ang mga kababaihan, pati na din ako.

Vincent ✓Where stories live. Discover now