XIX | Manyak

1.9K 73 0
                                    

Ruben Diced

"RUBEEEN! OMG buti pinayagan ka!!" Sigaw ni Dada nang makita ako mula sa loob ng tricycle na huminto sa tapat ng bahay nila.

Me, Dada, and Marco made up a plan. Mags-sleepover daw kami ni Marco sa bahay nila Dada and we're going to the cinemas tomorrow. Siyempre dahil tila ba'y naging blockbuster ang Avengers: Endgame dito sa Pilipinas, ay edi papanoorin namin 'yon!

Nang makabayad na ako sa tricycle driver ay agad akong inuga-uga ni Dada sa tuwa. Para siyang timang oh.

But honestly? Nae-excite din ako. Kasi I wasn't expecting na agad akong papayagan nila papa na mag-sleepover. Alam niyo naman, bina-baby ako... Tss.

"OMG matutuloy na 'to yiee—aray!" Ayun, binatukan ni Marco si Dada. Hiyaw kasi ng hiyaw.

"Tara na daliii!" Nauna nang pumasok si Dada. Nang makapasok ako ay nandoon sa sofa ang 4 pang kapatid ni Dada na puro babae. Nahihiya naman akong bumati sa kanila.

Funny thing, Dada told his dad na bading ako—although totoo naman 'yon pero konti lang ang nakakaalam na ganun ako. And from the fact na hindi ako ganun kalambot gumalaw, mahihirapan parin ako. Ayaw kasi ng dad ni Dada na lalaki ang makaka-sleepover ni Dada. I appreciate his thought naman. Kasi babae si Dada tapos may lalaki siyang makakasama pag matutulog. May mangyari man o wala, safety is still the key.

Nang makaakyat kami ay nagparty-party kami hanggang sa sumapit ang gabi. Time check, 2:43am.

Ako nalang ngayon yung gising, yung dalawa, tumba na. Nandito lang ako at nagpapatugtog, para sana mawala sa isip ko yung mga panakot ni Dada. Ang laki kasi ng bahay nila tapos yung bintana pa ni Dada dito sa kwarto nila ay puro puno na pag sinilip mo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Ang haba ng pila!" Nagdadabog na si Dada dahil sa pila na nasa harap namin. Eto nga po pala yung pila papunta PALANG sa bilihan ng ticket. Biruin niyo, ticket palang 'yon ah? Pano pa kaya pag nakapila na kami sa mismong panonooran namin? Edi nagkanda-loko-loko na.

"Oy bakit naka-pila pa kayo diyan?! Nakabili na kami ng ticket oh!" Napalingon kami at nakita namin si Nuda na nagtata-talak.

Sinundan nalang namin siya nina Dada at Chris. And voilà, nakabili na nga sila. Thanks to the boyfriend ng friend ng classmate ko. Nagets niyo? Di ko nagets eh. Basta yun na yun.

Ang expect namin ay 2pm kami manonood, kaya ng sinabi nila na 1:30pm na kami makakanood. Natuwa kami, especially si Dada. 1:25pm na kasi and nakakatuwa talaga kasi may maaga pa pala kami makakanood.

And 'yon na nga po, nasa loob na kami ng sinehan at pinapanood ang Avengers: Endgame. Don't worry, hindi ako maglalabas ng spoilers!

Heto't tawa kami ng tawa ni Marco dahil tila ba'y nilalagyan niya ng backgrounf music yung palabas. Yung mga ost ng Ang Probinsyano kasi yung kinakanta niya.

And when the movie ended, umalis na agad kami. Tuwang-tuwa kami at hindi namin mapigilan pag-usapan yung mga nangyari sa pelikula. Kaya yung ibang nakapila ay masama yung tingin samin. Oops, na-spoil sila ng wala sa oras!

So ayun, gumala-gala kami. From Starbucks to Tom's World hanggang sa malito-lito na kami sa mga pinupuntahan namin. Kahit papaano, naenjoy parin namin yung tagpo na iyon.

Habang naglalakad kami, naisipan kong ilabas yung cellphone ko. Dumiretso ako sa Messenger at nang makita ko ang Myday ni Vincent, agad ko iyon pinindot.

"Hala shet!—" agad kong tinakpan ang bibig ko. Paano ba naman kasi, nandito din si Vincent sa mall kung nasaan ako! Oo guys, sobrang rupok ko na. Parang nung kailan lang, galit ako sa kaniya. Tapos ngayon lumalandi nanaman ako!

"Dada! Tignan mo!" Agad kong hinila si Dada at ipinakita yung Myday ni Vincent. Kahit siya, nagulat din.

"Hala weh?! Hanapin natin siya dali!" Hihilain niya dapat ako ngayon ngunit pinigilan siya ni Chris.

"Oops, selos ang jowa. 'De joke lang. Mamaya na! Iihi muna ako!" Para kasing bumigat bigla yung pantog ko. Baka dahil sa ininom ko kanina.

Agad naman akong dumiretso sa public restroom. Agad naman akong naghanap ng cubicle. Hindi kasi ako sanay umihi sa part na nasa labas ka ng cubicle, yung may katabi ka pang mga tao pag iihi, like ew.

Nang makakita ako ng bukas na cubicle, binuksan ko iyon at agad pumasok.

Pero natigil ang pagpasok ko nang makita na may naihi pala. And worst, si Vincent 'yon.

"Ay sorry!" Nagpa-umanhin naman ako at lalabas na sana ngunit may humawak sa kamay ko.

Iniharap ako ni Vincent at idinikit sa pader. Inilapit niya yung mukha niya sakin kaya naamoy ko na yung pabango't hininga niya. Shet, ang bango.

Hindi naman ako makagalaw dahil konti nalang, magdidikit na yung labi namin. Gusto kong mangyari 'yon, pero bawal. Ayoko. Ayoko pa.

"Bakit ka nandito?" Bulong niya.

"Uhhh, kasi iihi ako?"

Nanlaki ang mata ko ng mas lumapit ang mukha niya. Palapit ng palapit. Ipinikit ko nalang ang mata ko at aabangan kung ano mang mangyari sakin.

"Manyak."

Agad akong dumilat ng umalis agad si Vincent. Woah, sabihan ba naman akong manyak.

Ayan, umusog ata yung ihi ko. Ano ba naman yan!

Vincent ✓Where stories live. Discover now