One

1.5K 24 2
                                    

〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰
As promise ko ay mag-aupdate ako in three days at ito na nga yun! Sana magustuhan nyo first chapter!
〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰

Steffi Perez's PoV

"Bitch"

"Nerd"

"Slut"

"Weird"

"Hilarious"

Ang mga salitang lumalabas sa bibig ng mga taong nadadaanan ko. Sanay na naman ako kaya okay lang yan para saakin.

"Hoy panget!" Sigaw ng babae, lumingon ako at nakitang si Britney pala ang sumigaw saakin.

"I heard you're interested sa boyfriend ko?" Tanong nya habang naka ngisi at naka taas ang kanang kilay.

Sya si Britney, ang girlfriend ng crush-- no mali... Ang girlfriend ng mahal ko. Girlfriend ni Mason...

"What?" Pag papanggap ko. Alam ko kasing bubully-hin ako ng mga kaibigan nya kasama sya.

"Don't pretend that you really dont have a crush on my boyfriend. He's every woman's dream! He's handsome, smart and a beast in bed..." Sabi nya habang inaalala ata ang mga bed scene moments nilang dalawa ni Mason.

"That's just a puppy love, hindi ko sya aagawin sayo..."

"Eh hindi mo naman talaga sya kayang agawin eh! Ampangit mo kaya! Manang manamit, naka brace at buhaghag ang buhok! Mukha kang mangkukulam! Don ka na nga sa bundok kasama ng mga kapatid mong unggoy!" Sabi nya at nag tawanan sila ng mga kaibigan nya kaya nag tawanan din yung ibang mga nakapaligid saamin.

Madali akong tumakbo pero bigla akong nauntog sa pader kaya natumba ako.

"What the hell?" Inis na sabi ng kilala kong boses... Mason...

"Watch out ugly!" Naiinis nyang sabi at nilagpasan ako at dumiretso kay britney sabay halik dito.

Tinignan ako ni britney ng told you... You are nothing to him because YOU ARE UGLY.

Kinuha ko ang mga nag kalat kong gamit at tumakbo na paalis. Tutal ay wala na naman akong klase ngayon ay dumiretso nalang ako sa apartment ko.

Mag isa nalang ako sa buhay. Iniwan na kasi ako ng mama ko. As in literal... Iniwan nya ako para sa pera at lalaki.

Ang tatay ko naman ay may pamilya na talaga simula pa nung una at pinili nya ang una nyang asawa.

Hindi nila alam na ulila na ako. Ayoko kasing kinaaawaan ako ng ibang tao bukod sa sarili ko. Nakaka baba ng pride.

Meron akong part time job bilang waitress sa isang bar kahit alam kong under age pa ako para mag trabaho.

Feeling ko wala ako sa mood para pumasok sa trabaho ngayon dahil sa nasaksihan ko kanina sa school.

Alam kong wala akong pag asa kay Mason, so I'll just watch him from afar.

Natigilan ako sa pag iisip nung pumasok ang kaisa isa kong kaibigan na si Stacey.

Sya lang ang kaibigan kong nag ta-tyaga sa katulad ko. Kapag dumikit ako dito sa kaibigan kong to napag kakamalan akong basura.

Pano ba naman ay sa ubod ng yaman at ganda nitong baklang to ay mapag kakamalan mong apo ng presidente sa sobrang higpit ng security...

"Hey, what's up!" Masigla nyang sabi at umupo sa sofa na binili nya saakin. Sabi advance birthday gift nya kasama yung apartment.

"Okay lang naman..." Tinignan ko sya at naka tingin sya saakin with her bored look.

She knew me too well....

"That bitch britney did something to you again..." Naiinis na wika nya.

"Hayaan mo na... Thats what a bully does, they bully people..."

"Pero habang pinapatagal mo na bully-hin ka nila ay mas lalong lumalala ang ginagawa nila sayo! So please Steffi! Let me help just this once para maitikom na nung mga pokpok na yun ang mga bunganga nila!"

Malakas ang impluwensya ni Stacey sa buong pilipinas. Isang bigkas mo lang ng pangalan nya ay nakakatindig na ng balahibo.

She's a daughter of a mafia boss and the next heiress of their influential company.

She was trained to be tough. So I assumed she can kill and do anything she wants.

Pero pag dating saakin ay wala syang magawa. Dahil parehas kami... Everyone wanted to befriends with her because of her fame. Habang ako naman ay loner and a thrash who wanted a normal life and a friend.

And nagkataon na gusto nya din ng normal na buhay at ng kaibigan na hindi fame at pera ang habol sakanya kaya kung tratuhin nya ako ay parang prinsesa na katulad nya.

"Stace... Alam mo naman na ayokong humingi ng tulong mo diba? Ang dami mo nang naitulong... Libreng patira dito sa apartment at infinite supply of foods are enough for me. Ayokong pati kaligtasan ko ay hingin ko pa sayo. Nakaka baba ng pride." Mahabang litanya ko.

"Haaaay... Ano pa nga ba ang magagawa ko eh sintigas ng obsidian sa minecraft yang ulo mo..."

Matapos naming mag bonding ay umuwi na din sya sa mansion nila. Pinapatawag na daw kasi sya ng heneral nyang lolo.

Buti hindi pa nasa kulungan ang papa ni stacey. Mafia yun diba?

Kerengkeng ka talaga. Hindi lahat ng mafia masama! Racist mong babae ka!

Sita ng isang bahagi ng utak ko.

Habang nag liligpit ay biglang may kumatok sa pintuan. Malamang naman sa bintana eh wala namang bintana tong apartment bukod dun sa terrace nito...

Tinungo ko ang pintuan at binuksan ito para makita kung sino ang himalang tao na dumadalaw saakin.

Mamaya mo si kamatayan dahil kaarawan ko na para matigok. Hay jusko hindi ako mag dadalawang isip na sumama sakanya.

"Sino ho kayo?" Tanong ko sa lalaking mag suit case at naka corporate suit. Mukha syang mafia...

Nyemas na mafia na yan! Tama na nga! Sumasakit na ang ulo ko dahil sa mafia na yan.

"Steffi Perez... We have something to talk about..."

Seryosong sabi nung lalaki. Napaka walang galang ko naman kung hindi ko sya papapasukin kaya niluwagan ko ang pag kaka bukas ng pintuan para maka pasok sya.

Habang nag titimpla ng kape ay nasa sala lang yung lalaki. Pernes guwapo pero hindi ako type eh...

Sa mukha palang yan nako! Hindi yan papatol sa katulad kong nerd na nga may lahing amazona pa.

Nang matapos ko ang pag titimpla ay inilagay ko to sa harapan nya. Sumimsim muna sya at tinignan ako.

"You're the rightful heir of Samantha Perez." Kilala ko yung babaeng yun... Sya ang step sister ko pero... Anong rightful heir eh anak lang naman ako sa labas...

"Maybe you're confused but..."

But?

Pabitin naman to si kuya nakakainis...

"Your step sister is dead..."

...

No way...

End of Chapter One
Sana Nagustuhan Nyo

Vote
Comment
And
Add To Your Reading List


DangerousDamsel

The Girl That He Used [COMPLETED-2019]Where stories live. Discover now