Epilouge

887 18 1
                                    

WARNING
VIOLENCE AHEAD

Steffi Perez's PoV

"Steffi let's break up..."

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi ni Mason... He called me 4 Am ng umaga just to break my heart?

Tumayo ako at naglakad papalayo ng hindi sya binibigyan ng kahit anong sagot.

"Steffi! Wait! I said let's-"

"NO!" Bulyaw ko na nag paatras sakanya. Tears found their way down on my cheeks and I probably has a pathetic face right now.

"Bakit ba ayaw mong hiwalayan ako!?" Bakas sa boses nya ang pagka irita kaya nainis na din ako.

"Bakit ba gustong gusto mo na akong hiwalayan ha!? May babae ka ba!? Pinagtataksilan mo ba ako!? May mahal ka na bang iba-"

"Oo! May mahal na akong iba! So let's break up!" He said and turned away getting in, in his car and I was left alone.

I hug myself and cried, scream, lahat ng kabaliwan ginawa ko sa lugar na iyon. As in lahat...

Luhaan akong umuwi ng mansion. Mamaya pa ang grad ball namin and I dont feel coming...

Ayokong bumigay uli dahil alam kong nandoon si Mason... Pero sabi ng utak ko baka may chance pa. Sabi naman ng Puso ko ay tama na... You had enough.

Gusto ko syang makalimutan pero paano kung sa bawat sulok ako ng mundo tumingin ay alaala namin ang palagi kong naaalala.

Yung panahon na sobrang saya ko... Namin.. Yung panahon na walang araw ay hindi kami mapag hiwalay. Yung panahon na ang tanga ko...

Yung panahon na ginawa ko ang lahat dahil ang tanga ko. Yung panahon na nagpakabaliw ako sa pag ibig dahil tanga ako.

Pero okay lang saakin na tanga ako kung dahil naman sakanya yun... Okay lang. Kasi mahal ko sya eh.

Tao lang naman ako. Nag kakamali at naging biktima ng pag ibig. Kung sa iba ay love is sacrificing. Ma iba ako. Love is worth to fight.

So kahit na gaano kasakit ang pang gagago saakin ni mason ay ipaglalaban ko parin ang pag mamahalan namin.

I freshen up myself at naligo. Nag suot ako ng tube sa pang itaas na kulay itim at fitted skirt na itim at hanggang taas ng tuhod ko.

Hindi ko na inabalang magsuot ng blazer or cardigan dahil baka alisin ko din naman, baka mag bitbit pa ako ng gamit sa loob ng mall.

Mga ilang oras ako nag mukmok sa mansion at kumilos lang ako nung 8 am na.

Nang makarating ako sa mall ay dumaretso ako sa spa. Nag relax ako dun ng 1 hour at pumunta naman sa salon. Pag katapos nun ay nag pa make up na ako.

Papalabas na ako ng mall nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko yung tumawag at yung mga girls ko lang pala yun.

"What's the problem?" Mataray kong sabi. Parang napansin kong inirapan ako ni rikka. Hindi ako sure kaya isinawalang bahala ko nalamang.

"Steffi, ito oh. Gift namin sayo, sana yan ang suotin mo mamaya sa grad ball. Thankgift namin sayo yan dahil naging kaibigan ka namin."

Iniabot nila saakin ang isang box at tinanggap ko naman iyon. Kaya kong bumili ng sarili kong gown pero nakakahiya naman kung hindi ko susuotin ang binili nila saakin.

"Thanks." Ang tanging sabi ko at umalis na sa mall.

Mamayang 7 pa ang grad ball pero kailangan ay 12 nasa venue na. 11 n ngayon at salamat naman ay walang traffic papunta sa mansion kaya mabilis kong naisuot ang gown na ibinigay saakin nina rikka.

The Girl That He Used [COMPLETED-2019]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon