Four

737 17 1
                                    

〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰
Waaaaaahhhhh wala pa akong maisip na special chapter para sa book kong The Pain Of Choosing. Pramis! Gagawin kong maganda yung mga special chapter nun!💕
〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰
Steffi Perez's PoV

"Wake up you sleepy head! Papasok ka pa!" Sigaw ni Stacey habang niyu yugyog ang balikat ko.

Kainis naman! Pupuyatin nya ako nung gabi tapos mam bubulabog ng umaga!

"Stace naman! Natutulog pa ako eh!" Naiinis na maktol ko sa kaibigan kong nambubulabog ng tulog ko.

"Steffi... Ikaw ang mawawalan ng kung ano man sa buhay mo hindi ako kapag hindi ka ngayon pumasok..." Paliwanag nya.

Tinignan ko ang relo ko sa kamay ko at nakitang medyo maaga pa. Mga may time pa ako para mag ayos.

Tamad na bumangon ako at pumunta sa banyo ng kwarto na ipinahiram saakin ni Stacey.

Nang tumingin ako sa salamin ay hindi ko talaga akalain na... Ako yung babae na naka tayo sa harapan ng salamin.

Hindi sa nag mamayabang pero iba pala ako kapag naayusan... Walang bahid ng pagka nerd at pagka amazona.

Parang wala nang maipipintas saakin yung ibang tao...

Matapos kong maligo. Mag mumog. Mag toothbrush. At kung ano ano pang daily routine ay umalis na ako sa banyo at nakitang naka handa na ang susuutin ko sa pag pasok.

Hindi ako ngayon mag uuniform dahil hindi ako nakapag dala dahil kay Stacey na ubod ng kakulitan kahapon...

So ang iniwan na damit saakin ni Stacey ay ito...

Sinuot ko ito kahit hiyang hiya ako dahil sa short

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Sinuot ko ito kahit hiyang hiya ako dahil sa short. Pano ba naman kasi! Sobrang ikli at dikit na dikit sa hiyas ko yung tela sa pagitan!

Nag suklay ako at bumaba na.

"Stacey Canaria Gil... Ano tong damit ang pina suot mo saakin?" Naiinis na tanong ko pagka baba ko sa mansion nila.

"Ah ayan? An off shoulder summer crop top at maikling pekpek short bakit?" Inosenteng sabi nya.

Napa hilod nalang tuloy ako sa sinabi nya...

"You look good in that so don't be conscious about yourself okay? Mas maganda ka na sa pokpok na Britney na yun..."

Napa ngiti tuloy ako sa sinabi ng best prend ko. Kahit minsan mahilig syang mang yamot. Meron din namang pag kakataon na may filter ang bunganga nyan.

"Oh! And that brace... I doesnt look good in your outfit..."

"Ah ito?" Sabi ko sabay turo sa ngipin ko.

"Ay hindi! Ayun!" Sarkastiko nyang sabi na ikina irap ko.

"To naman di mabiro! Sino naman kasi saatin dalawa ang may brace? Diba ikaw lang?"

Kinuha ko yung retainer ko at inilagay sa isang maliit na pouch.

The Girl That He Used [COMPLETED-2019]Where stories live. Discover now