Part 7

13.6K 408 2
                                    

Nasa falls na naman sila nang araw na iyon, ang bahagi ng San Jose na naging paborito na ni Cade. Naglalaro sila sa tubig at umaalingawngaw sa paligid ang tawanan nila. Nakaupo siya sa batuhan sa tabi ng T-shirt at pantalon niyang hinubad niya kanina at ekstrang damit ni Carli na dinala nitong pamalit. Nasa tubig pa ito at tumatawa nang malakas. Katatalon lang kasi nito mula sa cliff. Kahit siya ay natatawa. Not because he found something amusing but because he always felt laughter bubbling in his chest whenever he was with her.

Gustong-gusto niya ang tunog ng tawa ni Carli. He loved staring at her sparkling eyes whenever she was happy. He loved listening to her whenever she sang. At tuwing tumitingala at ngumingiti ito sa kanya, pakiramdam niya ay natutunaw siya.

He also loved it when their hands accidentally touched the first week they met. Kaya nang sumunod na linggo na hindi na siya nakatiis ay hinahawakan na niya ang kamay nito tuwing magkaagapay silang naglalakad. Nang malaman niya ang tungkol sa kabataan nito, tungkol sa ina nito at sa iniisip ng mga tao rito, gustong-gusto niya itong ikulong sa mga bisig niya at protektahan laban sa mundo.

Sa tagong bahagi ng isip niya alam niya kung ano ang nangyayari sa kanya. Kung ano ang damdaming umuusbong sa loob niya. It was the first time it ever happened to him. And he realized it felt exhilarating—to feel something this strong for someone.

Tinitigan niya ito nang umahon ito sa tubig. Her plain T-shirt and shorts were hugging her body. Nawala ang ngiti niya at napaderetso siya ng upo. Ang tawang nasa dibdib niya ay napalitan ng mas matinding reaksiyon. He was turned on.

Lumapit si Carli sa kanya at nakangiting tiningnan siya. Nang magtama ang mga mata nila ay ikinuyom niya ang mga kamay sa pagpipigil na hablutin ito at paglapitin ang mga katawan nila. Paulit-ulit niyang ipinapaalala sa sarili na hindi pa handa si Carli sa tumatakbo ngayon sa isip niya habang nakatingin siya rito. Na espesyal ito sa kanya at ayaw niyang takutin ito.

Huminga nang malalim si Cade, pilit kinakalma ang malakas na kabog ng dibdib niya at init na kumakalat sa buong katawan niya. Pagkatapos ay pilit siyang ngumiti. "Napagod ka na ba sa wakas?" pabirong tanong niya kahit pa biglang nanuyo ang lalamunan niya.

Tumawa si Carli at umupo sa tabi niya. Nagtama ang mga tagiliran nila at halos mapaigtad siya sa dulot niyon sa ngayon ay sensitibo na niyang balat. He gritted his teeth when he felt a part of him twitch. Relax, Cade. Relax.

"Oo, okay na ako. Mas gusto kong umupo na lang dito katabi ka," nakangiting sagot ni Carli. Muling nagtama ang mga mata nila. "Sana palagi tayong ganito, Cade," sabi pa nito sa mas mahinang tinig.

Parang may lumamutak sa puso niya sa sinabi nito. Bumagsak ang mga balikat niya at pinakatitigan ito. Kailangan na niyang sabihin dito na babalik na siya sa Maynila. Lumuwag ang pagkakakuyom ng mga kamay niya. Pagkatapos ay iniangat niya ang mga iyon at hinawi ang ilang hibla ng buhok nitong tumabing sa mukha nito. And then he let his hands settle on her cheeks. Pumikit ito nang bahagya na para bang gusto nito ang pakiramdam ng mga kamay niya sa mga pisngi nito. He could relate to it. He loved how her skin felt against his hands. Pero hindi siya maaaring ma-distract. Kailangan niyang sabihin dito ang totoo.

"Carli, may gusto akong sabihin sa 'yo," malumanay na umpisa niya.

"Ano iyon?" tanong nito na may munting ngiti sa mga labi.

Huminga siya nang malalim at tinitigan ito sa mga mata. "Kailangan ko nang bumalik sa Maynila."

Para siyang sinuntok nang makita niyang namatay ang kislap ng tuwa sa mga mata nito at mawala ang ngiti sa mga labi nito. Bumagsak din ang mga balikat nito. Nang yumuko ito, gusto niyang bawiin ang sinabi niya. Ang sabihin ditong hindi na siya aalis para lang mawala ang lungkot nito. Pero alam niyang wala iyong silbi.

Wildflowers series book 4: A Lover's Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon