"WALA akong maitutulong sa 'yo. But I will be support your decision. This is the least I can do to make you forgive me and your mother for all the wrong things we did to you."
Saglit na huminto sa paglalakad patungo sa pinto ng bahay ng pamilya ni Ava si Cade upang bumaling sa kanyang ama. "I know, Papa. Ayokong masira ang relasyon ninyo kay Senator Vericio pero kailangan ko itong gawin. I can't lie to myself anymore," matatag na sabi niya.
Bumuntong-hininga ito. "You're always hard-headed whenever you decide on something. Ganyang-ganyan din ang tono ng boses mo nang tanggihan mo ang tulong ko sa pag-aaral mo noon."
"It's because I'm the son of a hard-headed former politician."
Ngumiti ito nang matipid bago siya tinapik sa balikat. "Let's get this over and done with. Alam kong gustong-gusto mo nang magpunta sa Amerika."
Tumango siya at muling naglakad. Dalawang linggo na niyang hindi nakikita si Carli. Isang linggo na mula nang malaman niyang nagpunta na ito at ang banda nito sa Amerika. Sinabi ni Ross sa kanya bago pa iyon lumabas sa media. At dahil pinsan ito ng manager ni Carli ay sinabi niya ritong huwag munang tatawagan ang pinsan nito. Sinabi niya rito at kina Jay at Charlie ang napagdesisyunan niya at pagkatapos niyang ipaliwanag sa mga ito ang tunay na nangyari mula pa noon ay naintindihan naman siya ng mga ito.
Matagal na niyang gustong makipag-usap kay Ava pero palagi ay nagagawa siyang iwasan nito. Hindi nito sinasagot ang mga tawag niya sa cell phone man at sa bahay. Kaya pagkalipas ng dalawang linggo nagdesisyon siyang puntahan na ito sa bahay.
May sumalubong sa kanilang katulong nang kumatok siya sa pinto. Dahil kilala na sila roong mag-ama ay agad silang dinala sa living room. Pagkatapos ay umakyat ito sa ikalawang palapag upang tawagin si Ava. Umupo ang ama niya sa sofa pero nanatili siyang nakatayo. Saglit pa ay bumababa na ng hagdan si Ava. Namumutla ito habang nakatingin sa kanya. "C-Cade."
"Ava. Let's talk." Nang hindi ito tuminag sa pagkakatayo nito sa ibaba ng hagdan ay nagsalita siyang muli. "Please."
Kinagat nito ang ibabang labi at may dumaang guilt sa mga mata nito bago lumapit sa kanya. Sumulyap ito sa papa niya. "Tito."
Tumayo ang kanyang ama at hinayaang halikan ito sa pisngi ni Ava. "Where's your father?"
"Nasa study po."
"Pupuntahan ko siya. Mag-usap kayo ni Cade." Lumambong ang ekspresyon sa mukha ng kanyang ama at pinisil ang kamay ni Ava. "I want you to know that my wife and I loved you like our own daughter. Pero may mga bagay na hindi natin maaaring ipilit, hija. I learned that the hard way."
Napayuko si Ava.
Napatiim-bagang si Cade dahil ayaw niyang nakikita itong ganoon ka-vulnerable. Pero kailangan niya iyong gawin. Nagkatinginan sila ng papa niya.
"Ako na ang bahalang kumausap kay Vericio," sabi nito bago umakyat patungo sa ikalawang palapag ng bahay nina Ava.
Naiwan silang dalawa. Hindi pa rin ito tumitingala. Huminga siya ng malalim. "Ava," malumanay na umpisa niya.
"You're breaking off our engagement," sabi nito. Hindi iyon tanong.
Nanikip ang dibdib niya sa garalgal ng tinig nito. Hinawakan niya ang mga kamay nito at pinisil nang marahan. "I'm sorry..."
Tiningnan siya nito. Namamasa na sa luha ang mga mata nito. "Iyan mismo ang mga salitang ayokong marinig mula sa 'yo. Kaya kita iniiwasan. I knew you were going to break up with me."
"I'm sorry, Ava. I just can't do this anymore. Importante ka sa akin. But I love her so much that I cannot go on living without her anymore. At alam ko na kahit ano pa ang sabihin ko hindi n'on mapapagaan ang kasalanan ko sa 'yo. But I'm sorry."
Tumulo ang mga luha nito. "Kapag sinabi kong ayokong makipaghiwalay sa 'yo, ano'ng gagawin mo?"
"Pupuntahan kita araw-araw hanggang sa pumayag ka," mabilis ngunit determinadong sagot niya.
Tinitigan siya nito. Pagkatapos ay umatras at kumalas sa pagkakahawak niya sa kamay nito. "I love you, Cade," bulong nito.
Sumikip ang dibdib niya. "I know, Ava. God, I know."
"Alam ko na hindi mo ako mahal. You never told me you loved me kahit puwede ka namang magsinungaling sa akin. Akala ko, magagawa kong baguhin ang damdamin mo pero hindi ko nagawa. That's because she already has your heart, right? At kahit magpakasal tayo, hindi mo pa rin ako magagawang mahalin na kagaya ng pagmamahal mo sa kanya."
"Yes," usal niya.
Kinagat ni Ava ang ibabang labi, huminga nang malalim at marahas na pinahid ang mga luha nito. Itinaas nito ang noo at sinalubong ang tingin niya. "I don't deserve this," matatag na sabi nito.
Alam ni Cade kung ano ang ginagawa nito. She was trying to save face. Mabait si Ava pero ma-pride din ito. Unti-unting lumuluwag ang pagsisikip ng dibdib niya at sumakay sa gusto nitong mangyari. "No, you don't."
"I deserve someone who loves me. At hindi ikaw iyon."
Tumango si Cade.
Ilang segundo ang lumipas bago nito inalis ang engagement ring na suot nito at inilahad sa kanya. "I don't need this. Ayokong magpakasal sa 'yo. Get out of here."
Kinuha niya ang singsing at ginagap iyon. "Thank you."
Tumalikod ito sa kanya at humalukipkip. "You owe me. Someday, you will pay for this. Just... go. Ako na ang magsasabi kay Tito na nauna ka nang umalis. Mas makabubuti kung hindi ka muna magpapakita kina Daddy. Just don't expect him to support your political career anymore."
Huminga siya nang malalim. "I was prepared for that. Good-bye, Ava."
Tumango ito pero hindi lumingon. Muli siyang huminga nang malalim bago tumalikod at lumabas ng bahay ng mga ito. Nang nasa sasakyan na siya ay bale-walang isinuksok lang niya ang singsing sa bulsa niya. Saka na niya iisipin kung ano ang gagawin niya roon. Pagkatapos ay tinawagan niya si Ross.
"I'm ready to go to the US. Help me."
"Of course, I will. Naayos ko na ang lahat. I'll see you at the airport tomorrow. How was it? Are you okay?"
Ngumiti siya nang maisip na makikita na uli niya si Carli. "Never better."
BINABASA MO ANG
Wildflowers series book 4: A Lover's Second Chance
Romance"Maghihintay ako kahit pumuti pa pareho ang mga buhok natin. Kapag pagod ka na, gusto kong malaman mo na may uuwian ka." Carli married at a very young age. Noong una ay masaya ang pagsasama nila ng asawa niyang si Cade hanggang sa nagtagal ay nakita...