Chapter 6

343 25 7
                                    

"Anong oras ka na naman umuwi kagabi Lorenzo?"
"Mga 9 ma."
"Anong mga 9? Ako wag mo akong pinagloloko bata ka. Gising pa ako nun ah. Ni anino mo di ko nakita ng mga oras na yun ah."
"Seryoso ma? Hala hindi kita napansin. Dire-diretso lang kasi ako pa-akyat e."
"E kung binabatukan kita diyan ng malaman mo?"

Agang-aga pag-baba ko nadatnan ko kaagad na nag-aaway si kuya at mama sa hapag-kainan. Though hindi naman talaga away yun, lambingan na nila yan. Tuwing umaga ganyan na sila, mas iisipin ko pa na magka-away sila kapag tahimik lang sila.

"Good Morning."

Bati ko sa mga ito at agad na nag-simulang kumain.

"Ikaw naman nak. Kamusta ang school?"
"Okay naman po. Sunod-sunod lang po yung mga gawain pero kaya naman po."
"Bakit pag si Annie tinatanong mo about sa school, samantalang a--"
"Nako tigil-tigilan mo ang pagda-drama mo Lorenzo. Ang kapatid mo pinag-bubuti ang pag-aaral samantalang ikaw puro lakwatsya ang inaa-tupag."
"Ma. Lorenz po, Lorenzo kayo ng Lorenzo baka may makarinig. Nakakahiya."
"Oh e ano naman? Sa Lorenzo nahihiya ka pero sa grade mo hindi?"
"Ma naman. Blahblahblah..."

Hindi ko na sila pinansin at pinag-patuloy na ang pag-kain ko. Hay nako. Kailan kaya mag-babago ang dalawang ito.

-----

"Annie. Nakapag-review ka ba sa Calculus?"
"Sakto lang. Ikaw ba?"
"Oo, pero di talaga maintindihan. Kalbaryo ko talaga ang subject na yan."
Sabay kamot nito sa ulo niya.

"Ano ka ba dai. Kaya mo yan, ikaw pa ba."
"Jusko. Alam mo namang hate ko ang Math ni elementary algebra ayoko, calculus pa kaya."

"Good Morning class."
Agad naman kaming umayos ng upo ng dumating na si Mr. Reyes.

"Are you ready for the long exam?"
Mangilan-ngilan lang ang sumagot ng 'yes' pero karamihan ay napa-ungol lang.

"*chuckles* why? Kaya niyo yan guys, long exam lang to. Laban."

Natawa naman ako sa tinuran ni Sir. Unlike the other professor kakaiba si Sir, hindi kasi niya sinisindak ang mga students niya para lang matuto. Bagkus ginaguide niya talaga kami na maging matiyaga, siya na nga ata ang pinaka-patient na prof na nakilala ko.

-----

"Ayoko na talaga dai. Huhuhu."
"Ano ka ba JL. Okay lang yan, at least triny mo yung best mo. Bumawi ka nalang sa mga major exam, for sure mahahatak nun yung grade mo quiz mo no." Pang-aalo ko dito. Mababa kasi ang nakuha niyang score sa quiz kanina kaya akala mo ay end of the world na.

"Anong bumawi, quiz nga lang bagsak na ako e. Sa major exams pa kaya."
"Baliw, may pag-asa ka pa no. Don't lose hope ika nga."

Tiningnan lang ako nito sabay Dugmok ng ulo niya sa mesa. Ipinag-patuloy ko naman ang pagkain ko. Akmang kakagatin ko na ang tuna sandwich ko ng mapatingin ako sa entrance ng cafeteria.

*dugdug dugdug*

Parang naging slow motion ang lahat sa paligid ko. Yung tipong nagkaroon ng liwanag sa paligid niya habang dahan-dahan siyang naglalakad patungo sa counter.

*dugdug dugdug*

Tutok na tutok ako sa bawat galaw niya. Ni ultimo pag-ihip ng hangin sa buhok niya kitang kita ko. Ni pag-pikit ng mata niya nabibighanin ako.

Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Nakalimutan ko na ngang kasama ko pala si JL sa iisang mesa. Ni ang mga tao sa loob ng cafeteria hindi ko na pansin.

Pero biglang naputol ang lahat ng may isang babaeng lumapit sa kanya.

"Chantal."

Nag-uusap sila na animoy close na close sila. Kahit nakasimangot si Joseph hindi naman niya itinataboy ang babae. Naka-kawit ito sa mga braso niya pero ni wala akong makitang pagtutol mula sa kanya.

Parang sumisikip ang dibdib ko sa nakikita ko.

"Ay oo nga pala Annie-- oh. Saan ka pupunta?"

Pagtatanong ni JL ng mag-angat na ito ng ulo at makita akong bigla na lang tumayo.

"Sige dai. Nakalimutan ko, may hihiramin pa pala ako na libro sa library."
"Hah? E teka--"

Mabilis akong umalis ng Cafeteria. Sa bilis kong nakaalis doon, singbilis ding tumulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan.

Umbrella (MAYWARD FANFIC On-going) Where stories live. Discover now