Chapter 18

332 21 5
                                    

"Seryoso? Nag-apply din talaga siya sa pinagta-trabahuan mo?"
"Oo, nagulat nga rin ako e. Pagdating ko ng shop nandun na siya at naka-uniform na."
"Talaga? Akalain mo nga naman oh. Ah basta Annie, ako na ang nagsasabi sayo, gusto ka rin ni Joseph. Halatang-halata na oh."
"JL."
"Oh ano? Wag mong sabihin na ide-deny mo parin? Alam ko namang napi-feel mo rin, bakit ba nagdadalawang isip ka pa na aminin yang nararamdaman mo? Hello, ilang taon na yung hinintay mo so ito na yung chance para i-push mo na yan. Si Joseph na nga yung gumagawa ng paraan oh, and I believe that action speaks louder than words."
"Buang. Malay mo naman tayo lang ang nagbibigay ng malisya sa mga ginagawa niya. Mahirap ng maging assuming. Sabi nga sa kanta ni Ylona, 'wag kang assuming, baka wala lang talaga'."
"Ewan ko sayo. Bahala ka. Basta ako malakas ang pakiramdam ko."

Sabi pa nito. Gabi na at kaka-uwi ko lang galing sa shop ng tumawag ito para kamustahin ako. Nung una ay pinagki-kwentuhan namin ang mga kanya-kanya naming ginagawa hanggang sa nagtanong ito kung pinuntahan ba ako ni Joseph noong nakaraang gabi kaya naman na-open ang topic namin tungkol dito. Hanggang sa umarangkada na naman ang pagka-chismosa nito.

Basta ayokong ma-pressure. Makipag-titigan palang nga dito di ko na magawa, umamin pa kaya.

------
"Good Morning Annie."
"Ay palaka ka!"
"Oopps. *chuckles* Im sorry, nagulat ata kita."
"Ah-eh paano ba naman bigla ka nalang nangbabati. Tiyaka anong ginagawa mo rito?"
"Hmm. Diba sabi ko last time sabay na tayong papasok at uuwi?"
"Huh? May sinabi ka ba?"
"Oo diba? Nung time na di mo pa alam na nag-apply ako sa coffee shop."
"Hah?"

"Bye Annie. Kitakits nalang bukas."
"Hah? Bukas? Susunduin mo ulit ako?"
"Yep. Sabay na rin tayong papasok sa susunod."

"Ah. Oo nga."
"Diba, sabi ko sayo e. Ano tara na?"
"O-oh sige. Tara."

Habang naglalakad ay wala kaming imikan, pero kahit ganun hindi mo ramdam yung awkwardness. Siguro kasi sanay na kami sa presensiya ng isat-isa.

"By the way, Annie..."
"Hmm?"
"Bakit mo nga pala naisipang mag-part time job?"
"Ah. Naisip ko kasi na tutal bakasyon naman at wala akong gagawin sa amin bakit di ako maghanap ng work, makaka-ipon pa ako habang bakasyon."
"Makaka-ipon? Bakit ano bang pinag-iipunan mo?"
"Wala. Extra ko lang talaga. Ikaw ba bakit mo naisipang mag-apply dun?"
"Wala lang, gusto ko lang ma-try yung ginagawa mo. Wala din naman akong gagawin sa amin and makakasama pa kita."
"Hah?"

Gulat na gulat kong sabi rito.

"Ah-I mean, makakasama kita at least hindi na ako maga-adjust pa kasi kilala na kita."
"Ah. Haha. Akala ko kung ano."

Katahimikan ang sumunod na maririnig habang kami ay tuloy-tuloy na naglakad. Hindi tulad kanina, ngayon ay ramdam mo ang ilangan namin sa isat-isa.

-----
Mabilis na lumipas ang isang buwan naming pagta-trabaho sa coffee shop. Ganun na rin ang naging routine namin ni Joseph sa araw-araw. Sabay papasok at uuwi. Kapag day-off naman namin niyayaya niya akong lumabas. Libre pa niya, kahit ayaw ko hindi rin naman siya papayag, siya daw kasi ang lalaki. Pero dahil sahod namin ngayon pinilit ko siyang ako naman ang manlilibre sa kanya.

"Ano Annie, game?"

Pero mukhang mag-babago ata ang isip ko, okay lang naman na ilibre ko siya kaso dito siya nagyaya.

"Ano kasi Joseph, parang ayoko na pala."
"Hah? Sabi mo kahit saan?"
"Oo nga, wag lang dito."

Dinala ba naman niya ako sa Enchanted Kingdom, kung alam ko lang di na sana ako pumayag. Dahil sa haba ng byahe naka-idlip ako, nagulat nalang ako ng paggising niya sa akin ay nandito na kami.

"Eh takot ako sa mga rides e."
"Please Annie. Kahit ngayon lang, kasama mo naman ako e. Ngayon nalang kasi ako makakasakay sa ganito."

Sabi pa nito na may kasamang pag-papaawa.

"Pero--"
"Please?"

Tinitigan ko naman ito. Hay naku, ano pa nga ba. As if may magagawa pa ako, lalo pa at dinadaan niya ako sa pag-papacute niya.

"Sige na nga."
"Yes! Thank you Annie."

Jusko, bahala ka na lord. Sana buhay pa ako pagkatapos nito.

Hindi ko alam kung sobrang saya lang talaga niya kaya niya ako biglang niyakap.

"Thank you so much!"

Sabay sa pag-yakap niyo sa akin ay ang siyang pag-tigil ng tibok ng puso ko. Kung dati ay parang tinatambol ang puso ko ngayon ay pinatitigil na rin niya. Hindi na talaga ata normal tong nararamdaman ko.

Ng mismong ipi-feel ko na ang moment tiyaka naman nagsi-komentan ang mga tao sa paligid namin.

"Aww. Ang sweet naman."
"Grabe, sana all."
"Babe. Hug me too, ka-inggit sila oh."
"Hug me hug me, dalian mo na at mahaba ang pila sa ticket booth, mamaya dulong-dulo na tayo."
"Mommy look."
"Baby don't look at them, close your eyes."
"Hay nako, wala manlang pakundangan sa mga single. Mahiya naman kayo oy."

Doon naman kami napa-hiwalay sa isat'isa ni Joseph.

"Ahem. S-so tara?"

Pag-aaya nito habang hindi makatingin ng maayos sa akin

"T-tara."

Pareho kaming tumitingin-tingin sa paligid habang nakapila.

Nakakahiya. Si Joseph kasi may pag-yakap pang nalalaman, nakakahiya tuloy.

Sus, gusto mo rin.

Heh! Pwede ba manahimik ka!

"Sino Annie?"
"Hah?"
"Sabi mo manahimik."
"May sinabi ba ako?"
"Oo. Sino yung manahimik?"
"Ah-haha. W-wala. Wala lang yun, wag mo akong pansinin."
"O...kay."

Shoooox. Napalakas pa, lupa lamunin mo na ako.

Umbrella (MAYWARD FANFIC On-going) Where stories live. Discover now