Chapter 7

322 20 3
                                    

Kinabukasan daig ko pa ang zombie dahil feeling ko ang bigat-bigat ng katawan ko. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa nangyari sa cafeteria kahapon. Pagka-uwi ko sa bahay ay diretso agad ako sa kwarto at hindi na nag-abalang bumaba pa para kumain. Narinig ko lang na kumatok si mama para siguro yayain akong kumain pero dahil hindi ako sumagot baka akala niya ay nakatulog na ako.

Kaya nga ito at dinamihan niya ang baon ko dahil hindi raw ako kumain ng dinner at almusal.

"Ano bang nangyari sayo bakla? Bigla-bigla ka nalang umalis ng cafeteria kahapon, tapos nung uwian naman ni hindi kita maka-usap ng matino. Bat damay ako diyan sa silent treatment mo? Sabunutan kita diyan." Todo dada ni JL habang inilalabas ang mga gamit niya para sa first subject namin.

"Hah? Anong nangyari? Wala naman ah."
"Aysus. Pwede ba Annika Marie Cortez. Huwag ako."
"Wala nga lang yun, napa-paranoid ka lang."
"Wow hah? Ako pa nga ang paranoid, sa ganda kong to?" With matching turo pa sa mukha niya.

Tinawanan ko lang siya pero hindi ko parin sinasagot ang tanong niya.

"Oy ano nga? Ano te? Di ka parin magshi-share?"
"Kasi nga wala--"

"Hello class, good morning!"
Agad na naputol ang sasabihin ko dahil sa pagdating ng prof. namin.

Save by the bell. Or should I say, save by Mr. Reyes.

Natuwa ako dahil natigil ang pagtatanong ni JL pero alam ko naman na hindi parin niya ako tatantanan hanggat di ko sinasabi sa kanya yung real reason ko.

-----
"Odiba. Ayan na ang sinasabi ko sayo 3 years ago palang, na umamin ka na para hindi ka nag-hihintay sa wala. O di tapos ngayon ngangal-ngal ka dahil may kayakap ng iba yung prinsipe mo."

Nandito kami sa hallway ngayon, uwian na kasi ng mga estudyante. Tanging mga may evening class nalang ang mga nasa classroom kaya naman dito na namin napiling mag-usap.

"Hindi naman niya kayakap, yung babae lang naman yung nakayakap." Pag-rarason ko.

"Kesyo yung babae yung nakayakap o siya, wala ka ng magagawa dun. Ang bagal-bagal mo kasi. Annie sa panahon ngayon di na uso yung maria clara. Kumbaga kahit babae ka pa, kapag gusto mo i-push mo. Ayan tuloy naunahan ka."
"E kahit na nag-confess ako sa kanya before, paano kung di naman niya ako gusto?"
"O bat ngayon nagustuhan ka ba niya?"

Natahimik naman ako sa sinabi niya.

"Diba? Ang point ko dito dai, kung triny mo dati palang kahit na ma-reject ka at least nasubukan mo. Kesa naman ngayon na puro ka 'what ifs' diba?"

Tuluyan na akong natahimik sa sinabi nito. Kwinento ko kasi sa kanya na nasaktan ako ng makita ko na mag-kayakap si Joseph at yung babae na di ko sure kung si Chantal kahapon.
Ayun, samut-saring putak lang naman ang natanggap ko.

"Oo nga pala. Nag-chat sa akin si Lance kahapon, friend ko pa pala yun. Tinatanong niya kung yung account mo pa daw ba yung gamit mo kasi hindi ka nagrereply sa mga chat niya. Hinihingi pa nga yung number mo pero di ko nireplayan, nag-offline nalang ako."
"Hayaan mo siya."

"Bat si Lance hindi mo bigyan ng chance? Ever since high school tayo patay na patay na sayo yun e. Iba ka dai, gandang babae oh."
"Ewan ko sayo. Ayoko nga no, alam mo namang hanggang kaibigan lang talaga yung feelings ko dun."
"Bakit naman, sayang din yun ah. Gwapo, mabait, jolly, lahat ibibigay sayo magustuhan mo lang, kahit nga ata saan ka mag-punta susundan ka e. At higit sa lahat, mayaman dai. Madatung yun. Ayaw mo parin? Akin nalang. MUAHAHAHAHA."

Parang nasasapiang tawa nito.

"Ang creepy mo. Para kang timang diyan." Naiiling na sabi ko dito at iniwan na siyang mag-isa dun.

"Seryoso Annie. Ayaw mo talaga?"
"Sayo na te. Bahala ka diyan, nasisiraan ka na ng bait."

Umbrella (MAYWARD FANFIC On-going) Where stories live. Discover now