Chapter 5

319 22 2
                                    

Pagbalik ko galing sa library nagulat ako ng makita ko si Joseph sa tapat ng classroom ko.

*dugdug dugdug*

Halos tumigil yung mundo ko ng makita ko siya ng malapitan. Yung salubong niyang kilay, yung matangos niyang ilong, mahahabang pilik-mata, mapupulang mga la-- okay tama na. Parang nagwawala ang mga paru-paro sa tiyan ko, pati ata braincells at blood cells ko nagpa-party-party na e.

"Stop doing that."
"Ayoko nga. Bleeh!"
"Tsk."

Agad naman bumalik sa katinuan ang pag-iisip ko ng mag-salita ito. Tiyaka ko lang napansin na may kasama pala siyang babae. Tumatawa ito habang nakapulupot ang mga braso nito sa kanya. Siya kaya yung Chantal na sinasabi nung mga babae sa CR? Ano siya ni Joseph? Girlfriend? Pero paano? Fina-follow ko siya sa IG, friend ko siya sa FB, sa Twitter lang hindi kasi wala siya nun e. Wala naman siyang naipo-post na may girlfriend na siya. And it is my first time to see this girl. Maputi, medyo curly yung buhok, matangos ang ilong, halos matangkad lang ako ng ilang cm dito. Di mo maika-kaila na maganda talaga siya. Kung talagang girlfriend siya ni Joseph, ang swerte niya. Ramdam kong kumirot ang puso ko, may parte sa isip ko na hinihiling na sana mali yung iniisip ko. Na hindi niya girlfriend ang babaeng ito.

Pero ano namang ginagawa nila dito? Ang alam ko sa kabilang building si Joseph ah? Maling building ba ang napuntahan ko? Or dito rin ang building nung babaeng kasama niya?

"Annie!"
"Ay bushak ka!"

Halos mabitawan ko ang hawak kong mga libro dahil sa sigaw ni JL.

Sinamaan ko naman ng tingin ito ng makaharap ko na ito.

"Alam mo ikaw kailan kaya mangyayari na hindi pasigaw mo akong tatawagin?"
"Ay sorry naman na. Nasanay lang ako sa cheering squad no."
"Ewan ko sayo. Pero teka ano ba yun? Bakit parang nakakita ka ng multo?"
"Ay oo nga, buti pina-alala mo. Okay. Hingang malalim. Wag kang mabibigla. Inhale. Exhale."
"Para kang tanga. Ano nga yun? Damia mo at mabigat itong mga librong dala--"

"NANDITO SI LANCE SA SCHOOL KAYA DALIAN MO NA AT MAG-TAGO KA!"
"Ay anak ng-- ano?! Pano mo nasabi?"
"Nakita ko siya kanina habang kasama ko yung mga team members ko sa editorial club. Nagulat nga ako e. Kasi di ko siya nakilala agad, at in fairness ang gwapo niya lalo ah."
"Hala paano yun? Dapat di niya ako makita dito, anong gagawin ko dai?"
"Ay halika na at magtago ka at baka makita pa tayo ng ulupong na yun dito."

Ani nito sabay hila sa akin sa kung saan."

-----

"Joseph Bro!"

Napalingon ako sa taong tumawag sa akin.

"Oh! Lance!" Sabi  ni Chantal sabay alis ng pagkakapulupot ng braso sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko naman dito habang ina-ayos ang nagusot kong polo dahil sa kalikutan ni Chantal.

"Ah may dadalawin lang talaga ako dito. Kayo? Dito ba yung building niyo? Management building to diba?"

"Ah. Kasi itong si Joseph may--"
Agad ko namang tanakpan ang bibig nito na kahit kailan ay napaka-daldal.

"Wala, nag-lilibot lang kami. Puntahan mo na yung sadya mo. Mauna na kami."
"Sige bro, kita tayo mamaya. Daan ako sa inyo."

Tinanguan ko lang ito at hinila na si Chantal.

"Hala. Aalis na tayo? Paano na yung--"
"Hayaan mo na muna yun. May ibang araw pa naman." Pag-putol ko sa sasabihin nito.

"Hmmp. Bahala ka."

Umbrella (MAYWARD FANFIC On-going) Where stories live. Discover now