CHAPTER 2

8 2 0
                                    


CASSIE'S POV:

Kakagising ko lang, sinubukan kong dumilat pero madilim pa rin.

Brown out ba?

Sinubukan kong buksan ang bintana ng bahay namin, syempre nangapa-ngapa pa ako para mapuntahan ko pa yon.

Wala din akong makitang liwanag.

"Hala, anong nangyayari?" tanong ko sa sarili

Sinubukan kong kapain ang electric fan at ng mapindot ko iyon ay gumawa sya.

Nahawi ang magulong buhok ko at napunta sa likuran, pero wala pa rin akong nakikitang ilaw?

Anong nangyayari sakin?

"Mama! Mama!" sigaw ko sa napakaganda kong mama, si mama Venus!

"Mama, tulong!" panic ko habang nakasalampak sa sahig.

Agad ko namang narinig ang yapak ni mama patungo sa kwarto ko.

"Ano- i-yon? " hinihingal nyang tanong sa akin

"Mama, may problema ako!"

"Ano ba yon?!" panic nya.

"Wala akong makita, ma!" nakaluhod akong pumunta sa kanya, hinawakan ang kamay at ginaya ang boses ni Toni Gonzaga.

"Hala, sandali baka nabulag ka n-----?" sandali itong napatigil sa pagsasalita at natahimik

Tawa naman ako ng malakas at tumayo sa harapan nya.

"PATOLA! sigaw ko kay mama Ikaw ha, nakalimutan mo pang bulag ang anak mo." dagdag ko pa

"Haay naku, ang kulit mo talaga. O sya, papalabasin ko pang si Shalily at mukhang natatae na."

"Ako nang magdadala sa kanya mama. " masayang wika ko sa kanya

"Sure ka ba dyan anak?" pag-aalalang wika nito na ikinatawa ko

"Mama, ano ka ba parang hindi ko naman ginagawa to araw-araw." sabi ko sa kanya

"O sige ikaw bahala."

Si Shalily nga pala ang alaga naming aso, gala lang sya dati.

Kinupkop ko sya nung mabundol ako, nilapitan nya ako noon at kahit di nya ko kilala, dinilaan nya ako at tumahol sya para lang masagip ang nakahandusay kong katawan sa kalye.

Hindi nya ako iniwan at dahil don. Napamahal na ako sa kanya.

Minsan sya ang nagiging mata ko sa kalye, tinatalian ko lang sya at sya ang nagdadala sakin sa daan na madalas namin tahakin.

Ang puno ng mangga ni ka Julia.

"Halika na dito, Shalily."

"Aw-aw-aw!!!" masayang tugon nya sakin

Tinalian ko na sya at naglakad na kami papalabas. Dinala nya ako sa tambayan namin.

"Galing naman ng baby ko." niyakap ko sya ng mahigpit at hinalikan sa ulo

"Nandito na naman kayong mag-ate." narinig kong sabi ng pamilyar na boses

"Hoy lande! Hahahah!" sigaw ko sa kanya at akmnag yayakapin ko sya, pero wala akong nayakap

"Nandito kasi ako sa kaliwa. Hahahah!"

Pumunta ako sa kaliwa pero wala pa rin sya.

"Tasha, nangti-trip ka na naman ha."

Tumawa sya ng malakas at niyakap ako mula sa likuran.

"Sorry na beks. Hahahah!"

Nagkagalit kasi kami kagabi, paano kasi uminom sya.

"Naiinis ako sayo. Nag-alala ako kagabi ha." sabi ko sa kanya

"Bakla naman, knows mo naman na party girl ang beshy mo. Hayaan mo na kong magwalwal." humarap ako sa kanya at pumameywang

"Kasama mga lalaki? Paano kung narape ka don?"

"Sa true ba mamsh? Ede Gow! Sherep keye."

"Ah, sherep pala ha."

Hinabol ko sya para kilitiin pero sadly, bulag ako so talo pa rin ako.

Nagtatatakbo pa ko hanggang sa may nabangga akong lalaki.

"Ay!!!!" sabay naming sabi

Na-out of balance kami pareho kaya nadapa kami at napaibabaw ako sa kanya.

"So----" hindi ako nakapagsalita ng maramdaman ko ang hininga nya sa mga labi ko.

Napakalapit lang namin sa isa't-isa, sumabay pa ang hangin na tila isinasayaw ang buhok ko sa ere.

Hindi ako makapagsalita gayondin sya, hindi rin ako makatayo, parang napako kaming dalawa sa isat-isa.

"Ehem, nakakaistorbo ba ko?" narinig kong sabi ni Tasha na para bang natatawa

Dahil doon ay nagmadali akong tumayo at maging sya rin hanggang sa........

NAHAWAKAN KO ANG ANO NYA AT GANON DIN SYA SA AKIN!!!!!!

"Hey, ano ba?!" sigaw nito sa akin

Na shock ako sa nangyari dahilan para tumayo ako agad at gayondin sya.

"Bakit ka ba nanghihipo? sabay naming sabi sa isat-isa. Sandali kaming napahinto BULAG KA BA?" Sabay pa rin naming tugon

"Awwwwiiiieeee. Love timey-timey." kilig na kilig si Tasha

Pumameywang ako sa harap ng lalaking antipatiko na yon.

"Magsorry ka sakin."

"And why would I do that?" pabalang nitong sagot

Sa inis ko ay akmang susuntukin ko na sya ng pigilan ako ng kaibigan ko.

"Tasha, huwag mo akong pigilan suauntukin ko yan!"

"Beshy ano ka ba, hinawakan nito ang likod ko at pilit akong pinapakalma. Huwag masyadong mainit ang ulo!"

"Pano ko kakalma?! Magso-sorry lang yang lalaking yan di pa magawa?!" dire-diretso kong sabi sabay irap sa ere, kahit na bulag ako sanay naman akong umirap noh!

"Teka nga, nahawakan mo din naman yung sakin diba? Sandali akong natigilan. Sabagay may point sya So, dapat ikaw ang magsorry sakin."

At talagang ako pa unang magso-sorry ha.

"Ikaw muna magsorry bago ako." sabi ko sa kanya, napatawa sya dahil don.

"Well kung ayaw mo. Hindi na lang din ako magso-sorry sayo. Bahala ka sa buhay mo."

Nagulat na lang ako sa mga pinagsasabi nya, hahabulin ko pa dapat sya ng pigilan ako ni Tasha.

"Beks nasa kotse na. Awat na." kinikilig nitong sambit

"Nakakainis eh, akala mo kung sino sya. Muli akong humarap sa kung saan man sya naroon Porke di kotse ka lang?!!!" pahabol ko pa bago ko tuluyang marinig ang tunog at pag-alis ng sasakyan.

"Mamshie, mayaman ang lolo mo. Di kotse!" halos mamatay ito sa kilig

"Bakot ba kilig na kilig ka don? Ano bang itsura nya?" naiinis kong sabi kay Tasha, kinalabit nya ang braso ko sabay hampas.

"Aray!" dagdag ko pa

"Ikaw mamsh ha, bakit tinatanong mo huwag mo sabihing, interesado ka sa kanya? Yyyiiieehhhhh!!!!"

Napa-irap na lang ako sa ere at nagdahan-dahang maglakad para puntahan si Shalily.

"Kung sya lang din naman huwag na noh. Antipatiko!" sabi ko sa kay Tasha bago kami tuluyang umalis sa puno ng mangga ni aling Julia.

Stars In The DarkWhere stories live. Discover now