CHAPTER 4

4 0 0
                                    

CASSIE'S POV:

"ARE YOU BLIND??!!" Aba, ginagaya pa ko nreto ha.

"Teka nga-teka nga, bakit ba kasi hindi ka pa umalis dyan? Kita mong kinakapa ko yung aso ko diba?" pagmamataray na sabi ko sa kanya

"Ako pa talaga mag-a-adjust para sayo? Tsaka, can't you see na nandito ako?"

At talagang antipatiko ang lalaking ito ha.

"Teka nga, bakit ba ako ang sinisisi mo?"

"Bakit ako rin yung sinisisi mo?"

Sa inis ko ay sinampal ko sya ng malakas.

Pero unti-unti akong nakaramdam ng hapdi ng malaman kong sanga pala ng puno ang nasampal ko at hindi sya.

"Ouch..." daing ko sa sarili

"What are you doing? Baliw ka ba?" Natatawang wika nito

"I'm not crazy, baka ikaw." matapang kong saad sa kanya

"Pwede ba, aalis na nga lang ako dito."  saad ng lalaki

Aba, at talagang iiwanan pa ko nitong hindi sya humihingi ng tawad sa akin ha.

"Hoy mag-sorry ka!"

Hinawakan ko ang braso nya, piniga iyon at pilit ko syang pinaharap sa akin,

nagulat na lang ako ng hawakan nya ang kamay ko at hinila nya ako papunta sa kanya.

"I..... " hindi ako makapagsalita sa nangyari.

Napakalapit namin sa isa't-isa, nadadama ko ang bawat hinga ng dibdib nya....

Hindi ako makahinga....

Hindi ako makagalaw......

Hindi ako makapaniwalang sa pagkakataong ito, naging mahina ako.

Sa isang taong hindi ko naman kilala.

ANU BA YAN! Hindi pwede ito, labanan mo Cassie, labanan mo sya!

"Bastos ka!!!" tinulak ko sya dahilan para matumba sya at mawalan ng balanse.

"What's your problem ba?!" sigaw nito sa akin

"Insan!" narinig ko na lang na sabi ng lalaki sa di kalayuan,

Narinig kong tumakbo ito at pumunta sa amin upang tulungang tumayo ang antipatiko na yon.

"What's happening here?" tanong nito sa amin

"Cal, pwede ba pagsabihan mo yung neighbor mo. Nanghihipo!" wika nito

"At ako pa talaga ang nanghihipo ha?! Ikaw bastos!" sabi ko naman sa kanya

"Insan, wait listen to me..."

Hindi na nya pinakinggan ang sasabibihin ng pinsan nya ng magsalitang muli ang antipatiko na yon.

"You bitch, kunwari ka pang hindi nakita ang mga pangyayari kanina pero alam kong ginusto mo naman."

Ang kapal talaga ng mukha ng lalaki na ito, magsasalita pa sana ko ng unahan nya muli ako.

"Malandi ka, kaya maraming babae na katulad mo ang nabubuntis ngayon ng maaga eh. Dahil Malalande!" sigaw nito

Natahimik na lang ako at namugto ang mga luha sa mula sa mga mata ko. Magsasalita na sana ko ng narinig ko ang sigaw ni Tasha na patungo sa akin.

"Ok ka lang ba beks?" pag-aalala nito sa akin

"Teka ikaw na naman Mr. Gwapong masungit na nakasagutan din ni beks kahapon lang?"

Sya pala yung antipatiko na yon. Kaya pala ganon na lang ang ugali nya, sya rin pala yung bwisit na.lalaki kahapon na akala mo kung sino.

"So, ikaw pala yung babae kahapon. No doubt, kaya pala mahilig mang hipo." natatawang parinig pa nito sa akin

"Insan, sandali. Pakinggan mo muna ako." pag-aawat ng pinsan nya sa kanya

Magsasalita na sana ako ng unahan muli ako ng antipatiko na yon.

"Pagsabihan mo yang kaibigan mo, masyadong malande."

Humarap ang kaibigan ko mula sa kanila at itinago ako sa likuran nya.

"Grabe ka naman sa kaibigan ko. Hindi mo sya kilala kaya huwag kang magsasalita ng ganyan!"

"Totoo ba? Eh, bakit sya nanghihipo?" sarkastikong sabi pa nito kay Tasha

"For sure, napogian sya sakin kaya ganyan sya."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na ako sa gigil sa kanya.

"Hindi mo ko pwedeng husgahan!"

"Talaga ba? Bakit kasi hindi mo na lang sinabi kaagad sa akin at nang magawa natin ng maayos."

Nagtaka ako sa sinabi nya.

"An-ong gu-sto mo-ng sabihin?" tanong ko sa kanya habang umiiyak

"If you want, pwede naman kitang pagbigyan sa gusto mo diba. Madali naman akong kausap." wika pa nito

"Bwisit ka!!!" iyon na lang ang nasabi ko sa kanya.

"Insan, tigilan mo na to, hindi mo alam yung sinasabi dahil bul----" Hindi na naituloy pa ng pinsan nya ang sasabihin nito.

"You know what, we better go. Baka mamaya pati ikaw hipuan nyan."

Narinig ko na lang ang mga paa nila na palayo sa amin, hindi ko napigilan ang sarili ko at napasigaw ako ng malakas.

"BULAG AKO!!! Bulag ako kaya wala kang karapatan na sabihan ako ng ganyan lalo na't hindi mo ako kilala!!!"

Napatigil sila sa paglalakad, mabilis na tumngo sa akin ang antipatikong lalaki na yon at maging ang pinsan nya.

"What did you just say?"

Hindi ako umimik sa kanya at patuloy lang sa pagpatak ng luha ang aking mga mata.

"Bulag ka?" wika pa nito

Sa inis ko ay hindi ko napigilan ang sarili at nasabi ko sa kanya ang bagay na iyon.

"MAMATAY KA NA!"

Pagkasabi ko non ay naglakad na ako paalis at sumunod si Tasha sa akin upang alalayan ako.

Sumigaw sya sa akin para lang daw kausapin ako pero, hindi na ako pumunta pa.

Ano pang rason ng pag-uusap namin kung binastos na nya ako at hinusgahan pa ang pagkatao ko.

"Beks, ma-y sasabihin sana ko. Tu-tungkol sa lalaking yon."

"Kung sya lang ang pag-uusapan ayoko ng makinig pa dyan."

"No, makinig ka. Kasi Bula-----"

Hindi ko napigilan ang sarili kong sigawan si Tasha dahil sa init ng ulo.

"PWEDE BA! Ayoko ng marinig pa ang tungkol sa kanya laya please, uuwi na lang ako." saad ko sa kanya

Pupunta sana kami ni Tasha ngayon sa Park na malapit sa amin kung saan kami naglalaro ng mga bata pa kami.

Pero sa inis at bwisit na naramdaman ko ngayong araw, mas gusto ko na lang magpahinga at tumulong sa bahay kasama si mama.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stars In The DarkWhere stories live. Discover now