CHAPTER 3

9 0 0
                                    


BLACK'S POV:

"Woooohhh! Let's party!" sigaw ng kaibigan kong si Nick

"Nick umayos ka nga, hahaha. Baka mabundol tayo nyan!" sigaw ko naman habang naglalakad nagmamaneho

Nasa gitna kami ng madilim na kalsada, habang malakas naming pinapatugtog ang ni-record naming kanta.

"You know what, Black. Let's just enjoy the night dahil finally! Nakagawa na tayo ng kanta." sabi ni Tye

"Oo nga at kapag naging sikat na tayong apat! Makukuha ko na ang lahat ng gusto kong babae!" masayang wika ni Warren, sya ang pinaka-mataba at medyo, alanganin sa grupo.

"Alam mo Warren, kahit maging sikat na tayo. WALA PA RING MAGKAKAGUSTO SAYO!!!" Sa sinabing iyon ni Nick ay nagtawanan ang lahat

"Kapag ako talaga pumogi at pumayat. WHO YOU KAYO SAKIN!"

"Ah, Who you pala ha!"

Kiniliti habang sinusuntok-suntok ni Nick si Warren mula sa likuran at since katabi ko sya habang nagmamaneho.

Nawawalan ako ng focus sa pagbunggo nya sa akin.

"Guys, stop it. Nagmamaneho ako baka mabangga tayo!" I shouted pero makangiti pa rin sa kanila

"Sandali lang Black, gagantihan ko lang si taba. Hahahahah!!!" sabi ni Nick sabay suntok ulit kay Warren

Hindi pa sila nakuntento sa pang-aasar kay Warren dahil maging si Tye ay kiniliti na rin sya,

dahil doon ay napilitan si Warren na pumunta sa harapan.

Nagulo ako sa pagmamaneho at napatingin sa kanila kaya't hindi ko namalayan na may babae palang naglalakad sa harapan.

"Guys!!!!!" sigaw ko

Sinubukan kong iliko ang manibela pero natulak ito ni Warren.

BBBBBBAAAAAAGGGGGGGG!!!!!







"HINDI!!!!!" Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang dibdib kong napakalakas ng pagtibok.

"Gabi pa ba?" tanong ko sa sarili ko.

Napahawak na lang ako sa ulo ko at sinabunutan ko ang sarili ko.

"What do you expect? A sunlight? A color?"

Dahan-dahan akong bumaba sa kama at habang inililugpit ko ito ay napatigil na lang ako.

"Until now, I still can't believe na isang kulay na lang ang nakikita ko sa mundo."

Napailing ako at pinikit ko ang mga mata ko.

"Ikaw pa."

Naidilat ko na lang bigla ang mga mata ko sa gulat ng pumasok si Calvin,

malakas ang boses nito na tila ba nakakatulig sa katahimikan ko kanina.

"Tara Jogging tayo!" malakas na sabi nito, narinig kong tumakbo ito papunta sa akin at umupo sa kama

"Ano bang trip mo, Cal?" naiinis kong sabi habang pupungas-pungas pa

"Come on dude, gusto ko lang ma-exercise yung katawan ko. Tagal ko na rin kasing hindi nakakapag work-out eh."

"Ede go for it, huwag mo na lang akong isama dyan."

"Pero dude naman, kailangan mo rin to."

"Magjo-jogging?" naiinis kong wika

"Yes!" mabilis nitong sagot sa akin

"Bulag na magjo-jogging?"

Natahimik ito at bumuntong-hininga. Tinapik nito ang balikat ko at napatingin ako sa kanya.

"That's why I'm here, Black, as a guide pero kailangan mo ring mabuhay. Trust yourself like you did before. You can still breathe right?" wika nito

Napakamot na lang ako ng ulo at bumangon sa pagkakaupo mula sa kama ko.

"Fine, pero you have to guide me ok?"

"Of course, paano naman makakapagjo-jogging ang bula......"

Natahimik sya at maging ako.

"B---Bulaga!!! BULAGA! Tara na, sunod ka na lang maligo ka na." wika nito sa akin

Napailing na lang ako habang natatawa, papasok na sana ko sa cr alalay ang saklay na hawak ko,

ngunit biglang may iniabot sa akin si Calvin.

Kakapain ko sana ito para malaman kung ano iyon ng pigilan nya ako.

"What's this?" wika ko

"Magshave ka na, mahaba na yang bigote at balbas mo, sige ka. Hindi ka makakakuha ng chixxxcckkzzz dito. Hahahaha!"

Natawa na lang ako at tumango-tango sa kanya.






AFTER AN HOUR......  Kasalukuyan na kaming nagjo-jogging ngayon. Hingal na hingal na ako at of course naiinip na.

"Cal, c-an we pl-ease r-est for a m-inute. I'm tired." putol-putol kong sabi sa kanya

"N-o, come on. Kaya mo yan." he said

"I can't." huminto ako at gayondin sya

"Magpapahinga na lang muna ako." sabi ko pa sa kanya

"You sure?"

"Yeah."

Hinawakan nya ako sa kamay at dinala sa may puno, iainandal nya ako don mag-isa.

"Stay here dude."

"Bakit di mo pa ako iuwi? Ano namang gagawin ko dito mag-isa?" naiinis kong sabi sa kanya

"Saglit na lang, mga 10 mins." He said

"But-----" hindi ko na naituloy ang sasabihin sa kanya ng lumakad na sya at muling nag-jogging.

"Great, what an idiot." pabulong kong sabi sa sarili

Dahan-dahan akong umupo at nang magawa ko iyon ay pumikit ako.

Nagulat na lang ako ng may kung anong dumila sa mukha ko!

"Shet!!! GET AWAY FROM ME!!" sigaw ko sa gulat

"Shalily come here!" narinig kong wika ng babae, I don't know pero familiar ang boses nya sa pandinig ko.

"Iniwan mo na naman ako ha." masayang saad nito sa aso nya.

"Rawwwrr, RRRRWWWAAARRR!" tahol pa nito

Nagulat na lang ako ng may kamay na kumapa mula sa ibaba ko, dahil doon ay napasigaw sya ng madakma nya ang hindi dapat dakmain. Gayondin ako.

"AAAAAARRRHHHH!!!My virgin hands, ano yon?!" sigaw nito

"Hey, what are you doing?!" sigaw ko sa kanya

"ARE YOU BLIND??!!" Sabay naming sabi sa isat-isa.

Stars In The DarkΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα