Chapter 10: Undeniable Attraction

546 29 11
                                    


Two days went by so quickly at heto si Steven in front of his mirror--nagaahit ng kumapal nyang balbas. Nirequest kasi ng management na neat ang itsura nito para sa pictorial.

After shaving, he wore a blue polo na pinatungan nya ng gray suit with denim jeans and black leather shoes which made him look hot. He opened the first two buttons and he looked even hotter.

Matapos tignan ang sarili sa salamin for the last time, he took his car keys and went out of his unit.

While on his way, he could feel that he is anxious sa muling pagkikita nila ni Daniela. Naghahalo ang kagustuhan nyang masilayan muli ang maganda nitong mukha and at the same time sinusumpong sya ng kanyang pagka-ampalaya. Ngunit mas nananaig ang una kaysa huli.

Meanwhile, Daniela is also on her way together with her manager. She didn't bring her car since sinundo sya ni Mother Lou.

"Hija, okay ka lang? Kanina ka pa tahimik. Naninibago ako sayo." ani Mother Lou.

"Okay lang po ako, Mother. Medyo inaantok pa po. Can we grab a coffee along the way?" suyo nito.

"Sure. Parang gusto ko nga din. Kuya Ted, daan tayo sa may Starbucks. Magtatakeout lang kami ng kape." utos nito.

"Sige po ma'am Lou." sabay liko naman ni kuya Ted.

"Si Ted na ang magoorder, baka dumugin ka pa sa labas."

"Sige po." nakangiting sagot nito.

Napakaswerte talaga ni Daniela sa kanyang manager. Kahit strikta ay napaka-maalaga naman nito sa mga talent nya lalo na sa kanya. Kung alagaan sya ay parang nanay nya na ito. Baka nga dahil sa pagmamahal at oras na nilalaan nito sa kanyang mga alaga kaya hindi na ito nakapag-asawa. Sa edad na 50 ay maganda pa rin ito kahit medyo chubby. Mukhang masungit dahil nasa aura nito ang pagiging strikta at professional pero mabait naman talaga at may puso sa mga kasama. Sa katunayan ay napakaraming artista ang gustong lumipat under her management ngunit pihikan ito at talaga namang she makes sure na may "K" ang kung sino mang ihahandle nya. Kaya laking pasalamat ni Daniela when Mother Lou, herself, offered her to be under her care. Simula nuon ay gumanda ang career ng dalaga hanggang ngayon.

When they got their coffee, Daniela relished on the taste of it and she felt the instant kick of caffein in her system.

Makalipas ang ilan pang minuto ay narating na nila ang studio. She went out of the car and a staff assisted them kung nasaan ang photo shoot.

Habang naglalakad sila papunta sa venue ay bigla syang kinabahan. It's not like it's her first time to do this but the thought that she's going to do this with Steven makes her nervous. Hindi naman bago sa kanya ito. In fact, madami na rin silang pinagsamahang trabaho ni Steven. However, this is different. Ito ang unang pagkakataon makalipas ang tatlong taon na makakasama nyang muli si Steven sa trabaho. And Steven being aloof during their previous encounter makes it hard for her. Hindi nya alam ang gagawin nya dahil sa pagbabago ni Steven sa kanya.

When they were finally in front of the entrance mas lalong kumabog ang kanyang dibdib. Pagpasok palang nya ay unang bumungad sa kanya ang lalaking nakatalikod wearing a gray suit and denim pants. Likod palang ay may dating na agad sa kanya ang lalaki. Pakiramdam nya'y kilala nya ito pero hindi sya sigurado kung sya nga ito. Also, it seems that this guy has a better physique compared to the one she knows.

The person in front of the guy waved his hand saying hello sa kanila.

Since kumaway ang kausap ng lalaki ay humarap ito upang tingnan kung sino ang kinakawayan ng kausap.

When he faced them, biglang nagtama ang mga mata nila ni Daniela at parang tumigil ang mundo.

His outfit added more to his charming good looks. She thought. But when Daniela noticed that his first two buttons were open, naguluhan sya kung charming pa ba ang correct description sa nakikita nya or sinfully hot na.

Love DeferredWhere stories live. Discover now