Chapter 40: Testing

484 21 8
                                    

Steven's POV



Isang linggo na ang nakaraan mula ng matapos ang taping. That was our last. Dani and I had more time together out of work since then. Nakadalaw na din sya sa bahay noong Biyernes at tuwang tuwa ang mga magulang ko.


Sa Sunday naman magdidinner kami sa bahay nina Dani. Pinainvite ng mama nya ang family ko. Naexcite ako bigla. Feeling ko parang gusto ko ng mamanhikan. Kaya nga eto ako ngayon, nasa isang jewelry store. Ha ha

Walang kaalam alam si Dani. Wala din kahit isa ang may alam sa balak ko. Actually, I've been thinking about asking her to marry me bago sya pumuntang New York.



No, we haven't talked about it. I'm just being prepared. Kung ano man ang maging desisyon nya, I will still support her all the way. Noon pa man, we always support each other sa mga pangarap namin at alam kong dream role ni Dani ang inooffer sa kanya. Namention na nya ito sa akin ng tumawag sa kanya yung casting director. Good thing she didn't hide it from me. Yung desisyon nga lang nya ang hindi ko pa alam.



Noong una syang umalis, I thought I was prepared. Hindi pala. Ang nahanda ko lang pala ay ang utak ko at akala ko kakayanin ng puso ko. Pero hindi naging sapat yon kaya hindi naging maganda ang outcome. But this time, I'm going to make sure na hindi na magiging hadlang ang kahit ano pa man.




Malaking parte ng nakaraan ko si Dani hanggang ngayon at determinado akong isama sya sa hinaharap ko. Kaya lahat kakayanin ko para sa kanya and I want to show her that she can trust me no matter what.





Daniela's POV

"Ma, okay na ba to?" Kinuha ko ang santok para ipa-taste test kay mama ang aking specialty na Caldereta.


"Mmmm...Parang mas masarap na to sa luto ko anak ah. May hinalo ka bang ibang pampalasa?" Tanong ni mama habang ninanamnam yung sauce ng niluto ko.


"Meron Ma...pagmamahal!" Masiglang sagot ko at natawa naman si mama sa sinabi ko.

"Naku bunso, inlavey yan?" Tukso ni ate Neri na kakapasok lang sa kusina.


"Of course ate!"



"Ikaw na talaga! O sya, may maitutulong pa ba ako dyan, Ma?"



"Ay, eto nak. Hiwain mo yung mga gulay para sa Seafood Salpicao." Utos ni Mama na kaagad namang hinarap ni ate.






Dito magdidinner ang family ni Steven mamaya. Si mama ang nag-invite. Matagal na daw kase mula noong nakapagbonding kami with his family. Naging close talaga si Mommy V at Mama na kahit nagkahiwalay kami ni Steven noon, hindi naputol ang communication nila.





Maswerte din ako sa family ni Steven dahil ramdam kong anak na rin ang turing nila sa akin kahit noon pa man. Ganoon din si Mama kay Steven.








Matapos magluto ay pinagmasdan ko ang mga nakahain sa lamesa. Parang napadami nga yata e iilan lang kaming kakain. Parang fiesta. Ha ha
















"Para namang mamamanhikan ang Chan family sa dami ng handa. Ano bunso?" Bungad ng kuya ko. Nakarating na pala ito.





"Hindi ah. Pang-mini fiesta lang." Biro ko.



"Iwan muna kita kuya. Magaayos na ako." Saka ako humalik sa pisngi nito. Sweet talaga ako kay kuya. Ganon din sya sa amin. Parang naging tatay na din namin sya mula ng mawala si papa.
















Love DeferredWhere stories live. Discover now