Chapter 16: Who Are You?

393 22 4
                                    

The press con was like a dream. Hindi lang dahil overwhelming ang reception ng press sa buong cast but the way Steven treated her felt different.

Dani stared blankly sa ceiling ng kanyang condo. Ito yung isa sa mga properties na naipundar nya for the past years ng pagtatrabaho nya. Dito sya dumeretso after the presscon. She told her mom na dito muna sya uuwi since mas malapit ito sa location nila for tomorrow's shoot.

As she drifted off to sleep ang tanging laman ng utak nya is the man she wished she still has.

The next day, Dani woke up early para magprepare for the shoot. After maligo, mabilis itong nagbihis and didn't bother to put any makeup. Sa set nalang siya maglalagay ng kolorete sa mukha kaya tanging lipbalm at light powder lang ang nilagay nito.

Pagbaba nya ng building ay nasa labas na ang kanyang driver na may dalang kape.

"Good morning kuya. Salamat sa kape." Masayang bati ng dalaga.

"Mukhang maganda ho ang gising nyo Ms. Dani." Puna ni Manong Albert.

"Oho. Nakatulog ako ng maayos. Gusto ko talaga yung ambiance ng condo ko dito. Napaka-peaceful ho kase." Patuloy ni Dani habang nagdadrive si Manong Albert.

"Hindi po ba kayo natatakot mag-isa?" Tanong ni manong.

"Sanay na po ako. Sa Europe, wala po akong kasama sa apartment ko. Kaya hindi na bago sa akin kuya."

Nang makarating na sila sa set. Napansin ni Dani na nasa set na si Steven at nakangiti ito papasok ng kanilang tent na may dalang kape.

Bigla namang napangiti ang dalaga ng maisip nyang para sa kanya ang dalang kape ng binata. Nakita nya kasing nasa labas naman ng tent si Nay Marya at Sara kaya wala syang ibang maisip na pagbibigyan ng binata kundi sya.

Huy, Daniela! Wag kang ilusyonada! Nagkape ka na. Gusto mo bang atakihin ng hyper acidity mo? Saway nito sa sarili.

Sa di kalayuan ay natanaw nya si Sara na kumakaway sa kanya kasama ni Nay Marya.

"Hello, po!" sagot nito sa kanila.

Ang cute naman nila. Bulong nito sa sarili.

Habang papalapit ito sa tent, hindi pa rin nawala ang tingin ni Dani sa dalawa na kumakaway pa din.

"Nagha-hi pa ba sila or tinatawag nila ako?" Tanong ni Dani sa sarili.

Dahil hindi nya alam kung anong ibig sabihin ng dalawa sa kanilang senyas ay nagbigay nalang ng signal si Dani na ilalagay lang nya sandali ang mga gamit nito sa tent.

Nagpatuloy ito papuntang tent at excited ito dahil alam nyang nasa loob si Steven na baka may pasurprise na kape sa kanya.

"Uy talaga? Sana tinawag mo nalang sa akin. Pupuntahan naman kita."

Dinig ni Dani ang boses sa loob ng tent na may kausap ito.

"Lakas ko talaga sayo, Tebong."

Biglang lumakas ang tibok ng dibdib nito ng marinig ang boses ng isang babae na nagbanggit ng pangalang "Tebong".

"Ano to? Effect ng kape? Nagpapalpitate yata ako." Ani Dani sa sarili.

Nagpatuloy sya sa pakikinig at biglang nandilat ang kanyang singkit na mata ng marinig nya ang mga sumusunod na usapan.

"Ang totoo nyan, namiss kita bigla."

"Ayiiiee, namiss ako ni Tol. Halika nga dito. Hug nalang kita para di ka na magtampo."

Hindi alam ni Dani kung papasok ito o mananatili sa labas ng tent. May kung anong kirot itong naramdaman sa palitan ng salita ng dalawang tao na nasa tent.

Nagulat nalang ito ng may kumalabit dito sa kanyang balikat.

"Oh my God!" gulat na sabi ni Dani sabay bawi sa volume ng boses nya. "Ginulat mo naman ako, Sara."

"Tinatawag ka namin ni Nay Marya eh. Dumeretso ka naman dyan. May narinig ka ba mula sa loob?" Pabulong din na sumagot si Sara.

"H-ha? Wala!"

"Wala daw. E bat pabulong ka pa ring magsalita.?" Nagnormal ng volume si Sara.

"Shh..." Saway naman ni Dani na sinamahan nya ng pandidilat ng mata to warn Sara.

"Come. Sa kabilang tent na tayo." aya ni Sara.

"What? Why? Eto yung tent na nakaassign sa atin eh." Dani complained.

Sara looked at her from head to foot.

"Ay, baks! Mag-ayos ka muna bago ka pumasok dyan."

Napahawak naman sa kanyang mukha si Dani at naalalang wala nga pala itong make up.

"Ano, kaya mo? Kung kaya mo sige pasok na." Sabay tulak ni Sara kay Dani sa direksyon ng entrance ng tent.

Hindi napaghandaan ni Dani ang ginawa ni Sara kaya na-out of balance ito. Akmang babagsak na si Dani ng biglang iniluwa ng tent si Steven at mabilis niya itong nasalo.

"What's going on?" Kunot noong tanong ni Steven sabay tingin kay Sara.

"Ah, eh--" hindi malaman ni Sara ang sasabihin.

"Are you okay, miss-- Oh! Is that you Daniela de Guzman?" Tanong ng babaeng kasama ni Steven.

Inayos naman ni Dani ang tayo nito sa tulong ni Steven.

"Sorry, Dani. Napalakas, baks." Sara apologized.

"Nag-aaway ba kayo?" Tanong ulit ni Steven na nakakunot parin ang kilay since he doesn't understand what's happening. Actually napalabas ito dahil may naririnig sila sa labas kanina pa ng kasama nya sa tent.

"May kinukwento lang ako kay Dani. E, masyado yata akong natuwa kaya ayon natulak ko sya kilig sa sobrang kilig ko." Sara explained not convincing Steven though.

"Ahh..." Sabay tango ni Steven at ng kasama nya.

"By the way girls, you must've heard of her. This is Tanya Mendoza--my special friend." Pagkasabi nito ay inakbayan ni Steven si Tanya and excused themselves.

"Excuse us. Hatid ko lang sya."

Pagkasabi nito ay hinawakan ni Steven ang kamay ni Tanya and they held hands while walking towards Tanya's car.

Hindi naman makapaniwala sina Sara and Daniela sa actions ni Steven. Matagal ng alam ni Sara na friends sina Steven at Tanya pero hindi nya inexpect na "special friend" pala ito ni Steven.

"Baks? Okay ka lang?" Worried na tanong ni Sara.

"Hmm? Yah. Why won't I be?" Sabay pasok ni Dani sa tent para mag-lagay na ng make-up.

Ganon man ang sagot ni Dani ay bakas naman sa mukha nito na hindi sya okay.

Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Parang sasabog ang puso ko sa nakita at narinig ko. Sya ba ang dahilan bakit nagbago sya at bigla nalang nawala noon? At ano yung sa press con? Yung titig? Yung pagiging nice nya. Ano, ginugood-time nya ko? Landi lang, ganon? Alam ko he can flirt but not when he's committed to someone. Kasi sa akin lang sya ganon. I've never seen nor heard him flirt with another girl nung "kami" pa. Pero ngayon, what the hell? Sino yung Steven na yon? Akala ko he's still the guy I've known before. Pero mali yata ako. Ang tanga mo Daniela!

This internal dialogue run through her head while she's doing her make-up just to be ruined ng hindi nya na mapigilan ang pag-agos ng kanyang emosyon.

************************************
Hi dear beautiful readers,

Finally nakasulat din! Sorry guys. I intended to write more kaso work and mood got in the way. Walang mapiga sa utak ko mga bakla! 😅 Kaya ayan, ngayon lang.

Thank you sa mga matyagang naghihintay ng story na to. Please let me know what you think. I appreciate your comments. 😊

Hanggang sa muli!

💙,

Erza Mavis



Love DeferredWhere stories live. Discover now