Chapter 35: Labelled

526 24 16
                                    

Daniela's POV

Napakasaya ng puso ko habang kayakap si Steven. We decided to go back to bed matapos magligpit ng mga pinagkainan namin kanina.

"May lakad ka today?" Tanong nito sa akin.

"Oo eh. Kailangan kong umuwi ng bahay and imeet si Mother Lou mamaya."

"Dahil dun sa issue?"

"Oo."

"Sama ako."

Nagulat ako sa huling sagot nito kaya ako napaharap sa kanya.

"Sure ka?"

"I think we have to formally announce our relationship...in public. Just in case may magtanong. Di ba?" He looked at me before speaking again. "Pwede na nating sabihin in public na tayo kapag may mga nagtanong, di ba? I think it's the best we can do para tigilan ka na din ng mga issues na yan. Saka, I want to claim that you're mine, My Love. What do you say?" He's looking at me with hopeful eyes.

Bakit nga ba hindi pa namin gawin yon? Wala na din naman akong alinlangan sa taong to.

"Sige. Para na din matigil na si Charlie." Bigla namang sumimangot ang mukha nito sa pangalang binanggit ko.

"O, bat ganyan mukha mo. Parang sinabi lang yung pangalang Char--"

"Hep! Don't say his name. Ayokong naririnig. Naaalala ko lang yung inis ko." At mukhang bumalik nga ang inis nito dahil doon.

"Wow. Selos ka?" Pang-aasar ko rito.

"Oo!" Malakas na bulalas nya na ikinatawa ko.

"Ay sus, ang cute naman ng My Love ko magselos." nilapitan ko nalang ito at binigyan ng halik sa pisngi para mabawasan ang selos.

"Ano yon?"

"Kiss. Para mabawasan na yang init ng ulo mo."

"Kulang yon. Dapat dito." Sabay turo nito sa nakangusong labi nya.

"Pag kiniss kita dyan tama na yung selos ha?" at tumango naman ito kaya ginawaran ko na sya ng halik para matigil na sya.

"Okay na?"

"Hmm... Isa pa!" At doo'y natampal ko na nga ito.

"Aw..." Hawak nito sa kanyang pisngi na kunwari'y nasaktan sya.

"OA! Tama na! Nakakarami ka na mula kagabi."

"O sige na. Ganito nalang." At ikinulong na ako nito sa kanyang mga bisig saka niyakap ng mahigpit. I felt his tensed body relaxed in our embrace.

"I love you, My Love." Masuyong bulong nito.

"I love you too, My Love."


Later that day ay sinamahan na nga ako ni Steven sa mga lakad ko. Sya na din ang naging personal driver ko for the day.

Umuwi muna kami sa aking condo para makapagpalit ako ng damit. Tinawagan ko si ate Neri to tell her na sa bahay ako maglalunch at may kasama ako. Kinulit pa ko nito para sabihin ko kung sinong isasama ko ngunit hindi ko muna sinabi. Gusto kong masurprise sila pag nakita nilang si Steven ang bitbit ko.




"Hello, ate. Malapit na kami ng kasama ko."

"Sino ba talagang kasama mo, Dani?" Ramdam ko yung curiosity sa tono nya.

"Secret muna ate. Makikita mo nalang mamaya." Natatawang sagot ko at napansin kong natatawa din si Steven habang nagdadrive.

"Bye na ate. Nandito na kami sa tapat ng bahay."

Love DeferredWhere stories live. Discover now