Chapter 1

14.7K 166 3
                                    

HUMINGA ng malalim si Ivan habang hinihintay niyang huminto ang elevator sa fourteenth floor ng Corona Tower kung saan naroon ang opisina ng Manrique Publishing. Tiningnan niya ang oras sa suot na relos; late na siya. Natitiyak niyang mainit na naman ang ulo sa kanya ni Wynona, ang editor in chief ng bagong magazine na ilo-launch nila sa susunod na buwan. Pagbukas ng elevator ay kulang na lang takbuhin niya ang maliit na conference room nila.

“Sorry, I’m late,” aniya pagpasok na pagpasok sa pinto.

Napatingin sa kanya ang mga taong naroon. Nabaling ang tingin niya kay Andy na kasalukuyang pinupulot ang mga papel na nagkalat sa sahig. Pinigilan niya ang sariling mapailing. Mukhang nagwawala na ang publisher nilang si Kara Manrique at ipinagtatapon na naman nito ang mga draft na ipinrisinta ng mga kasamahan niya.

“Where the hell have you been?” nakataas ang isang kilay na tanong sa kanya ni Kara.

Kung hindi niya alam na thirty-three years old lang ito ay iisipin niyang nasa menopausal stage na ang babae. Maganda ito pero wala yatang araw na nagdaan na hindi niya ito nakitang nakabusangot. Mabibilang lang ang pagkakataon na nakita niya itong nakangiti o tumatawa.

“Ivan!” sigaw nito nang hindi siya sumagot.

“Na-traffic kasi—”

“And the pictures?” putol nito sa sinasabi niya.

“I have it.” Lumapit siya rito at iniabot ang dalang envelope. Siya ang in-charge sa overall presentation ng magazine, mula sa design ng cover niyon hanggang sa design ng bawat page. Sa kanya rin iniasa nina Kara at Wynona ang paghahanap sa unang magiging mukha ng magazine nila.

Inilabas ni Kara ang laman ng envelope at isa-isa iyong tiningnan. Katulad ng dati, ang hindi nito nagustuhan ay sa sahig ang punta. Mabuti na lang at sanay na silang lahat dito, kung hindi ay nag-walk out na siguro silang lahat dahil sa ugali nito.

“Wala ba talaga sa inyo ang makaka-meet sa expectation ko?” mayamaya ay tanong nito. Nasa sahig na ang lahat ng litratong laman ng envelope.

“Wala ka bang nagustuhan?” tanong niya. “Ma’am?” agad na dagdag niya nang makita ang pandidilat ni Wynona.

Lalong tumaas ang isang kilay ni Kara. “Well, obviously, I didn’t like any! Hindi n’yo ba makuha ang point?!” Tumayo ito at nagparoo’t parito. “'Andoon na mismo sa name ng magazine, 'di ba, Fresh! Everything should be new!” Kulang na lang ay mag-hysteria ito. “'Yong mga article, sa tingin ninyo fresh? Iyang mga nasa litrato na plano ninyong gawing unang mukha ng Fresh, fresh ba?!”

Wala pa ring umiimik sa kanila. Sino nga ba ang mangangahas na magsalita sa kanila? Iyon sigurong gustong mawalan ng trabaho. At hindi siya iyon. He worked hard for this. Besides, sa kanya nanggaling ang idea ng bagong magazine nila. Kaya hindi siya makapapayag na mawala ang lahat ng pinaghirapan niya.

“Gagawan namin ito ng paraan,” sa wakas ay sabi ni Wynona.

“How?” naghahamong sabi ni Kara. “Magagawa n’yo ba iyon in three weeks?”

“Yes,” sagot ni Ivan.

Nabaling ang tingin sa kanya ni Kara. “Really? Hindi mo nga ako mabigyan ng bagong mukha na ilalagay diyan, eh!”

Hindi siya nakakibo.

“We assure you that everything is going to be fine, Kara,” sabi ni Wynona. “Magiging successful ang launching ng Fresh magazine.”

Umiling ito. “Itigil na natin ang kalokohang ito. Hindi mag-aaksaya ng pera ang kompanya para diyan.”

“No!” malakas at matigas na pagtutol ni Ivan. “You can’t just do that. Ang laki na ng hirap namin dito.”

❤Finding Samara (COMPLETED; Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon