Chapter 7

5K 121 2
                                    

PAGKATAPOS nilang maghapunan ay nagkayayaan ang grupo na mag-inuman at mag-swimming. Nagulat sila nang malaman na ang isang malaking kahon na dala ni Kara ay alak ang laman. Iyon daw ang reward nito sa buong team nila dahil sa pagsusumikap nila. Dahil hindi sila puwedeng gumawa ng bonfire, mga sulo lang ang ginamit nilang pang-ilaw. Maliwanag din naman ang buwan na tumatanglaw sa kanila.

“Okay ka lang ba dito, Sam?” tanong sa kanya ni Ivan na naupo sa tabi niya.

Nakangiting tiningnan niya ito. Nakaupo siya sa trapal na inilatag nila sa buhanginan. Pinapanood niya ang mga kasama nilang naghaharutan sa dagat.

“Bakit hindi ka mag-swimming? Tara.”

“Okay lang ako rito. Nagsawa na ako sa kakalublob kanina sa dagat.”

Ngumiti ito. “Gusto mo ng beer?”

Muli siyang umiling.

Namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Sinikap niyang pigilin ang sarili na sulyapan ito kahit nararamdaman niyang nakatutok sa kanya ang mga mata nito.

“Ang lalim ng iniisip mo,” puna nito.

Matipid na ngiti lang ang itinugon niya.

“Siguro may nami-miss ka, 'no? Boyfriend mo?”

Saglit niya itong sinulyapan. “Wala naman akong boyfriend. Member nga ako ng NBSB.”

“Hindi ko alam na bulag pala ang mga lalaki sa Del Pilar.”

Napangiti siya. “Sobra ka naman. Sino ba naman kasi ang papansin sa ayos ko dati?”

“Pero tiyak na pagkakaguluhan ka na ng kalalakihan doon kapag nakita ka nila ngayon.”

Nagkibit-balikat siya. “Kumusta si Atasha? Nagkausap na ba kayo?” pag-iiba niya sa usapan.

Nawalan ng kibo si Ivan. Mayamaya ay huminga ito nang malalim bago sumagot. “Hindi pa siya tumatawag. Hindi ko rin naman alam ang contact number niya kaya hindi ko siya matawagan. Hindi rin niya sinasagot ang mga e-mail ko.”

Hindi siya nagsalita.

“Ang laki ng pinagbago niya mula nang maging modelo siya.”

“Siguro, gusto lang niyang mag-focus muna sa career niya. Intindihin mo na lang siya. Anyway, wala ka namang dapat ipag-alala dahil matatag naman ang relasyon ninyo. Bakit nga ba hindi mo pa siya yayaing magpakasal? You’ve been together for more or less ten years na rin, 'di ba?” kunwari ay kaswal na tanong niya. Pero ang totoo ay parang may tumadyak sa dibdib niya pagkatapos niyang sabihin iyon.

Umiling si Ivan. “Six years pa lang kami,” pagtatama nito.

Kumunot ang noo niya. “Hindi ba high school pa lang, eh, kayo na?”

“Nagkasundo kami ni Atasha na pagka-graduate namin ng college kami magkakaroon ng pormal na relasyon. Pero high school pa lang ay gusto na namin ang isa’t isa. Pinapadalhan pa nga niya ako noon ng love letters, eh.”

“Love letters?”

Tumango ito. “At first, hindi niya ipinaalam sa akin na siya ang nagpapadala ng mga iyon. Nahihiya raw siyang aminin kasi mag-best friend kami. Pero ilang buwan bago ang graduation, inamin na niya.”

Hindi niya maalis ang tingin dito.

Dinukot ni Ivan ang wallet nito at may kinuha roon. “Ito ang huling ibinigay niya sa akin noon. She composed a poem for me.” Iniabot nito sa kanya ang isang kapirasong papel. Kinuha niya iyon at tahimik na binasa. “Pagkatapos kong mabasa 'yan, I realized how much she loves me. Doon ko rin naisip na matagal ko na palang minahal ang babaeng nagpapadala ng mga letter sa akin. Matagal ko na palang mahal si Atasha.”

❤Finding Samara (COMPLETED; Published under PHR)Where stories live. Discover now