06

86 7 0
                                    

Diana's POV

Nasa labas na kaming lahat at ready nang pumunta sa dagat. Malapit lang kasi ang dagat dito sa subdivision namin.

Nung mga bata pa nga kami lagi kaming napunta don kapag sabado.

"Ano ba yan ang tagal naman ni Samuel! Jusmiyo marimar!" reklamo ni Blaire. Itong babaeng 'to napakareklamador.

"Oy Joseph asan na ba yon?" tanong ni Blaire kay Joseph.

"Palabas na yon mag-intay ka kasi." tapos ayun nag-ingay sila sa tapat ng bahay nina Joseph at Samuel.

"Hoy Samuel bilis-bilis naman!"

"Sumuko kana! Napapaligiran kana namin!"

"Ingay niyo!" sita sa kanila ni Aling Tesa. Nag-peace sign lang sila tapos nag-ingay na naman.

Mga hindi nadadala sa sita.

Napalingon ako kay Vixen na tahimik sa likod at nakikitawa lang.

Himala tahimik to? Eh pasimuno din to ng kaingayan noon pag pinupuntahan namin ang bahay ng mahuhuli.

"Ang aatat niyo!" reklamo ni Samuel.

"Ang bagal mo kasi!" sagot naman ni Blaire.

Pumagitna si Lana sa kanila kasi mukhang magsasapakan na yung dalawa eh. "Tama na yan, tara na."

Sobrang ingay ng grupo namin habang naglalakad. Si Samuel, Joseph at Red nagjo-jogging. Di nga malaman kung jogging ba talaga tawag sa ginagawa nila eh, para silang mga engot.

Si Lana naman may sariling mundo at naka-earphone samantalang si Jay nasa gilid niya tapos patingin-tingin sa kanya.

Si Blaire, Giselle at Mina naman, isa pang mga engot. Si Giselle at Mina nagmomodel tapos pipicturan sila ni Blaire.

Natawa nalang ako sa kanila. Hays, namiss ko to eh.

Napaligon na naman ako kay Vixen na tahimik na naglalakad sa gilid ko.

Siniko ko siya. Napalingon siya sa'kin. "Tahimik mo ah."

Umiling siya at ngumiti. "Inaantok pa kasi ako eh."

"Sus, bakit dati sobrang ingay mo." sabi ko sa kanya. Pinat niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko. "Dati yon." sagot niya at inakbayan ako.

Bigla akong nalungkot habang pinapanood ko ang mga kababata kong mag-walanghiya sa kalsada. Ilang taon ko rin silang hindi nakasama.

"Ikaw naman yata ang tumahimik ngayon." napalingon ako kay Vixen.

"Sobra ko kayong namiss. Kaya nga nung pwedeng na akong makauwi dito tuwang-tuwa ako." sabi ko sa kanya.

"Wag kang madrama diyan, basta ang mahalaga magkakasama na tayo ulit." sagot niya at ngumiti sa'kin. Napaiwas nalang ako ng tingin.

Ang gwapo eh.

May mahabang daan pa bago kami makarating sa dagat. Kaya nagdesisyon kaming mag-jogging.

"Oy okay! Ang mahuli manlilibre! Ready set go!" naiwan akong nakatulala dahil nagpo-process pa sa utak ko yung sinabi ni Samuel.

Hindi naman ako na-inform na running pala ang gagawin namin at hindi jogging.

Hindi talaga ako na-inform. HINDI!

Bago pa ako mahuli at manlibre, tumakbo na ako. Mahirap na, mawawalan ako ng pera sa dami nila.

Ang nahuli, si Lana at Jay. Bakit kamo?

Si Lana na hanggang ngayon ay naka-earphone pa din, hindi narinig yung usapan kanina kaya ayun nahuli. Si Jay naman nagpahuli talaga para may kasama si Lana na manlilibre sa'min.

Childhood LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon