14

54 7 0
                                    

Vixen's POV

Pagkatapos naming magpa-enroll, andito na kami sa labas ng FEU, nag-aabang ng masasakyan.

"Gusto mo na bang umuwi?" tanong ko sa kanya.

"Umm..." nag-iisip pa siya. "Hindi pa."

"Mall tayo?" nagliwanag ang mukha niya-i mean, sumaya yung mukha niya. "Sige sige!" tumango-tango ako at ngumiti.

Nung may dumaan ng jeep papuntang Mall sumakay na kami.

Kamalas-malasan ay may tatlong lalaking nakasakay na di ko gusto ang tingin.

"Bakit kasi nag-short pa." bulong ko at pinatong ang jacket ko sa lap niya.

Napatingin naman siya sa'kin ng nagtataka. Napatingin siya sa jacket. "Ah, thanks."

Kamalas-malasan na naman ay traffic. Medyo malayo pa naman ang Mall mula sa FEU. At etong si Diana eh inaantok na.

"Inaantok ka ba?" tanong ko sa kanya. Napalingon naman siya sakin. Pinatong ko ang braso ko sa may bintana sa likod niya at tinap ang balikat ko. "Matulog kana muna, medyo malayo pa tayo eh."

Hindi na siya sumagot at sumandal na sa balikat ko. Mukhang antok na antok nga. Anong oras kaya to natulog kagabi?

Inayos ko ang pagkakapatong ng jacket sa lap niya.

"Ang sweet ng boyfriend niya."

"Sana all"

"Hindi ganyan sakin si Anthony."

"Inggit ka naman Liah."

Bigla akong napangiti sa narinig ko. Ewan ko ba.

After 30 minutes, sa wakas nakarating na kami. Bago kami bumaba ginising ko na si Diana.

"Andito na tayo." sabi ko sa kanya. Umayos naman siya ng upo. Pinauna ko siya bumaba bago ako.

Kinuha ko na sa kanya ang jacket ko. Tama lang naman ang iksi ng short niya pero pag-uupo na, ayun.

"Kain muna tayo?" tanong ko sa kanya pagkapasok namin sa loob.

"Sige. Mang Inasal tayo para unli rice." tumawa naman ako sa sinabi niya. "Anong nakakatawa don?"

"Ang takaw mo talaga."

Sumimangot niya "Ano?!"

"Ang takaw mo."

"Inulit pa! Inulit pa!" sagot niya habang sinusubukan akong mapalo pero di niya ako mapalo kasi nakakailag ako.

Inakbayan ko na siya para tumigil na. "Tara na nga." sabi ko sa kanya.

Pagdating namin sa Mang Inasal. Pumila na kami.

"Anong sayo?" tanong ko sa kanya.

"Yung 119 pesos." turo niya sa menu.

"Gusto mong maghalo-halo?" tanong ko.

"Di na, kakanta ako mamaya eh." napalingon ako sa kanya. Ano daw?

Inabutan niya ako ng 119 pesos. "Bayad ko. Maghahanap lang ako ng table natin."

"Hindi na. Ako na magbabayad." sabi ko sa kanya.

"Nagyaya ka lang pumunta pero wala kang sinabing manlilibre ka." sabi niya at inilagay pa sa kamay ko ang pera niya bago umalis.

Napa-iling nalang ako at natawa.

Pagkatapos kong umorder, pumunta na ako sa table namin. Nadatnan ko siyang nagce-cellphone.

Binaba niya ang phone niya at tumingin sa'kin habang nilalapag ko ang pagkain namin. "May karaoke ba dito?"

"Oo meron pero hindi ganoong kalaki yung space. Talagang uupo kalang habang nakanta." sagot ko.

"Ayy. Mas gusto ko pa namang kumanta habang naglilikot." natawa ako sa sinabi niya. "Paano kung ballad ang kakantahin mo?"

"Edi kunyari mageenterpretative dance ako." sagot niya habang sinu-sway ang kamay niya. Ginulo ko ang buhok niya at umupo na.

"Kumain na muna tayo." sabi ko.

Pagkatapos naming kumain, pumunta kami sa karaoke hub na sinasabi ko. Kumuha kami ng isang room for two hours.

"Ang liit nga." nakabusangot na komento niya nang makapasok na kami sa loob.

"May videoke naman kina nako, kaya madalas kami sa kanila eh." sabi ko.

"Talaga?" tumango ako sa kanya. "Pag natripan natin, videoke tayo sa kanila."

"Sige!" sagot niya at pumili na ng kanta.

Pinindot ko ang mga number at nag-play yung kakantahin niya.

Napatitig ako sa kanya habang kumakanta siya. After four years, ngayon ko lang siya ulit narinig kumanta.

Napanganga ako ng ma-hit niya yung high note. Wow.

"Speechless ako." komento ko at pumalakpak.

"Thank you haha!" sagot niya at inabot sa'kin ang mic. "Ikaw naman!" Sabi niya at inabot sa'kin ang mic. Nagsimula naman akong kumanta.

"Huwaw! Ang galing mo palang kumanta?!" manghang tanong niya sa'kin.

"Oo naman haha!"

Matapos ang dalawang oras, lumabas na kami sa mall. 5:00pm na din kasi. Sumakay kami ng jeep at bumaba sa tapat ng village namin. Nilakad nalang namin ito papasok.

"Nag-enjoy talaga ako ng sobra!" sabi niya.

"Mabuti naman." nakangiting sagot ko.

"Salamat." napatingin ako sa kanya.

"Para saan?"

"For being my guardian angel. Then and now."

Ngumiti ako at inakbayan siya.

"Then i'm grateful to be your guardian angel."

Childhood LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon