09

54 7 0
                                    

Diana's POV

"Wow complete kayo ha." natatawang sabi ko sa kanila.

"Siyempre may mamimigay ng rasyon eh." sagot ni Mina.

"Namo ka." sagot ko at nagtawanan sila.

Siyempre di ko na pinatagal, binigay ko na yung mga RASYON nila. Kay Lana, sweater na pastel. Mahilig kasi sa color pastel yon eh. Si Red, Gitara lang naman hehe. Si Kuya Joseph, cleaning materials. Seryoso yon ang hiningi niya sakin. Kay Giselle, dress na babagay sa height niya jk i love Giselle kayaaaa! Si Blaire binigyan ko ng bluetooth speaker, mahilig kasing sumayaw. Si Mina naman binigyan ko ng jacket na pink. Yun daw gusto niya eh. Si Jay naman, sapatos. Oo sapatos di ko naman kamag-anak yon sadyang kapal lang ng mukha. Kay Samuel denim na jacket. Para daw mukha siyang foreigner. Ano kayang connect non. Kay Vixen, coat na hanggang tuhod. Nung nakita ko yon siya talaga pumasok sa isip ko. Bagay kasi sa kanya.

"Vixen, dito ka muna may itatanong pa ako eh." sabi ko sa kanya habang sinasara ang bagahe ko. Pag-tingin ko sa kanila, lahat sila nakangisi kay Vixen habang lumalabas ng kwarto ko.

Ano meron?

"Ano?" sabi niya habang nagkakamot sa ulo bago umupo sa tabi ko.

"Yung mga requirements." sabi ko sa kanya. Nilabas ko yung mga documents ko.

"Ahh. Magdala ka ng Diploma mo nung nag-grade 10 ka, yung report card mo, apat na 1 by 1 at 2 by 2 na picture. Yun lang. Ilagay mo sa envelope." sagot niya.

"Wala akong 1 by 1." sabi ko

"Sa huwebes nalang bago tayo pumunta. Magsuot ka ng may collar kasi formal dapat yung nasa 1 by 1." tumango-tango ako habang nilalagay sa envelope ang diploma at report card ko.

"Kuyang-kuya ang dating mo ha." pang-aasar ko. "Kuyaaa~ AHAHA!"

"Timang." natatawang sagot niya sakin at ginulo ang buhok ko. Parang namula yata siya. Hala?

"Hala may sakit kaba kuya? Namumula ka." ganyan kasi yan pag may sakit. Namumula ang buong mukha hanggang leeg, mukha siyang inatake ng allergy pero nilalagnat lang.

Pero mukha niya lang ngayon ang namumula eh.

"Tigilan mo nga yang kaka-kuya mo ang jeje. Ge uwi na ako." sabi niya at tumayo at lumabas ng kwarto ko.

Luh! Di naman jeje yon psh!

Childhood LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon