44

49 7 0
                                    

Diana's POV

Apat na araw na ang nakakaraan mula nang lagnatin ako. Bumubuti na ako ngayon. Nagpapahinga nalang ako.

Nakakatuwa nga eh, yung co-members ni Kuya Daniel pumunta dito at binisita ako. Pati na din ang tropang khuletz.

Pero sa mga nagdaang araw, hindi ko nakita si Vixen. Hindi niya ako dinalaw.

Ganon ba talaga siya kagalit sakin para hindi ako bisitahin kahit isang beses lang? O baka hindi niya alam?

"Iniisip mo na naman ang damuhong yon?" napalingon ako kay Lana at natawa.

"Maka-damuho naman to." suway ko sa kanya pero inirapan niya lang ako.

"Damuho talaga siya. Dahil hindi naman gawain ng isang lalaki na iwan ang babaeng kasama niya sa gitna ng gabi!" imbes na mainis din sa kanya ay natawa nalang ako.

"Diana." napatingin ako kay Lana. "Nagalit kaba sa kanya sa ginawa niya?"

Napaisip naman ako. "Oo, pero mas lamang yung sakit. Hindi ko alam, mas nasasaktan ako kaysa magalit."

"Bakit ka naman masasaktan?" tanong niya. Napatingin ako sa kanya at lumingon sa bintana.

Nadako ang tingin ko sa katapat kong bahay. Nakita ko si Vixen sa may bintana ng kwarto niya, bumabahing. Kaso sa isa pang pagbahing niya, nalaglag siya sa upuan niya. Hindi ko naiwasang matawa.

Napatigil lang ako nang tumikhim si Lana. "Tatawa-tawa ka diyan hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

Sinilip ko ulit si Vixen na nandidiri naman sa sipon niya.

"Gusto ko siya Lana. Pero hindi ko na alam kung may patutunguhan pa 'to."

Childhood LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon