Forewords

27.3K 381 35
                                    

Umirap ang batang Kathryn nang makita nyang tumakbo si Jasmine papalapit kay Daniel. Nahuhulaan na nya ang susunod na mangyayari. Naghintay sya ng ilang minuto bago lumapit sa kanya si Daniel. She raised her chin defiantly para maghanda sa mangyayari.

"Magsorry ka kay Jasmine," utos sa kanya ni Daniel.

Tiningnan nya lang ito. Hindi sya magsosorry kay Jasmine kahit anong mangyari. Bigla na lamang humagulhol si Jasmine nang hindi sya magsalita.

"Sabi ko, magsorry ka sa kanya!"

Parang gusto nyang maiyak sa tono ng pananalita ni Daniel. Narinig lamang nitong umiyak si Jasmine ay agad na itong nagalit sa kanya.

"Bakit ako magsosorry sa kanya?" she stubbornly asked.

"Sinira mo yung Barbie nya."

"Sinira din naman nya yung akin nung isang araw." Sagot nya dito.

"I did not!" Sabat naman ni Jasmine.

Napabuntong hininga si Daniel. "Paano ka nakasiguradong si Jasmine nga ang sumira sa Barbie mo?" Kalmadong tanong nito sa kanya pero alam nyang sa loob loob nito ay si Jasmine ang papaniwalaan kahit pa anong isagot nya.

"Wala naming ibang gagawa nun kundi sya lang!"

"Wala? Talaga?" Jasmine sneered. "You're a bad girl. Very, very bad girl. Ang dami mong binully sa school. Ang dami mong kaaway. Siguro isa sa kanila ang sumira sa Barbie mo. At kaya sinira moa ng Barbie ko dahil akala mo ako sumira nung sayo. You are really bad! Kaya ka walang friends!"

Mist formed on Kathryn's eyes.

'Kaya ka walang friends!"

Sharp pain sliced her heart. Totoo yun. Wala syang friends.

"Magsorry ka na." Ulit ni Daniel sa kanya.

She shook her head determinedly. Sigurado syang si Jasmine ang sumira ng Barbie nya. Naiinggit ito dahil mas maganda ang Barbie nya. Ito kasi ang pinakamahal na Barbie doon sa toystore. Binigyan sya ng pera ng Mommy nya para bumili noon.

Tiningnan nya si Daniel. Dati ay crush nya ito. Cute naman kasi ang lalaki kahit pa hindi sya nito masyadong nginingitian. But since Jasmine stepped into their lives, she hated him. He adored Jasmine so much. Lahat sila actually gusto si Jasmine. Mabait daw ito, maganda, at sweet. Jasmine is everyone's baby. She was an angel to everyone except to her. Everyone around them protected her, shielded her.

"Ang brat mo, Kathryn." Daniel said disgustedly.

Tumakbo sya papalayo sa kanila. Umuwi sya at nagkulong sa kwarto. Doon ay isinubsob nya ang mukha sa unan at umiyak nang umiyak. Bakit ba hindi nakikita ng ibang tao na Jasmine isn't an angel? Minsan ay nakikita nya ang evil smiles nito. She's not kind, she's not sweet. Si Jasmine ang talagang masama, at hindi sya.

Anak si Jasmine ng business partner ng Mommy nya. Alam nyang mas mayaman sila kesa sa mga ito. Si Daniel naman ay family friend nila. Best friend ng Daddy nya ang ama ni Daniel kaya't kilala na nya ito simula nang ipinanganak sya kahit pa mas matanda sa kanya ang lalaki ng isang taon. She have known him forever, pero hindi sila close. Ayaw sa kanya ni Daniel. In his opinion, she's just a brat and nothing else. Pero gustong gusto nya ito noon. Umayaw lamang sya nang pumasok sa buhay nila si Jasmine. He was always there for Jasmine at inaalagaan ito, samantalang sya ay itinutulak nito palayo, literally. Hindi nya talaga malaman kung ano bang meron kay Jasmine that she easily took everyone's love and attention.

Pinakalma nya ang sarili matapos ang ilang sandaling pag-iyak. Masyado na syang maraming luhang nasayang.

So what kung ayaw sa kanya ni Daniel? So what kung walang may gusto sa kanya? So what kung wala syang friends? Hindi pa naman end of the world.

So what kung walang gusting magturing sa kanya na parang isang prinsesa?

Isa pa rin syang prinsesa kahit anong sabihin nila.

__________

Malapad ang ngiti ni Kathryn nang makita nyang papasok sa mansion ang Mommy nya. Tumakbo sya papalapit dito at niyakap nya ito sa bewang.

"Meron akong star, Mommy!" Excited na kwento nya.

Her mother sighed wearily at tinanggal ang pagkakayap nya. "I'm tired, Kathryn. Bukas pwede mong bilhin ang lahat ng gusto mo. Ibibilin ko na lang sa Yaya mo. Ngayon pabayaan mo muna akong magpahinga, okay?"

Pinanood nya ito habang naglalakad papalayo. Gusto nyang sabihin dito na hindi naman nya kailangan ng pera, she needed warmth. Hinayaan nyang tumulo ang mga luha nya. Simula ng mamatay ang Daddy nya, pinapatay na ng Mommy nya ang sarili nito sa pagtatrabaho. Wala naman kasing ibang magaasikaso sa mga business nila kundi ito. Naiintindihan naman nya ito, but sometimes she longed for a mother. Kailangan nya ng isang inang gagabay sa kanya, isang inang magmamahal sa kanya.

Pinilit nyang ngumiti. "Kailangan mong intindihin ang Mommy mo, Kathryn. Pagod lang sya and kailangan nyang magpahinga. You'll buy all the things you want tomorrow. That's wonderful, hindi ba?" Pag-alo nya sa sarili nya.

Sigurado syang kahit bilhin nya ang lahat ng bagay na gusto nya ay hindi pa rin sya magiging masaya. Money cant buy the things that she wanted the most. Hindi sya mapapasaya ng pera. Hindi nya kailangan ng pera.

If You Don't Know Me By Nowحيث تعيش القصص. اكتشف الآن