Chapter 11

9.9K 328 38
                                    

Hindi makatingin ng diretso sa mata ng nobya nya si Daniel nang sinundo nya ito sa airport.

"How're you?" Tanong ni Jasmine.

"Okay naman. Ikaw? Kamusta ang seminar?"

"Okay lang din. Boring pero marami naman akong natutunan. Sana hindi ka ginulo ni Kathryn habang wala ako."

Isang pilit na tawa ang pinakawalan nya. "Ano pa bang inexpect mo?"

Tinitigan sya nitong mabuti. "May tinatago ka sa kin."

"Wala noh. Ano namang itatago ko sayo? At bakit ko gagawin yun?"

"Parang may iba kasi sayo. At isa pa, hindi mo pa ko hinahalikan."

Walang salitang hinalikan nya ang nobya sa labi. Pero parang may kulang. Pakiramdam nya ay isa itong obligatory kiss. Na para bang nagdikit lang ang dalawang labi. Walang meaning, walang feelings. Malayo sa mga halik na pinagsaluhan nila ni Kathryn. Napapasaya sya tuwing hinahalikan nya ang dalaga.

Ano bang nangyayari sa kanya?

What was happening to him? He had always been sure about his love for Jasmine. Ito ang babaeng gusto nyang makasama habangbuhay. Hindi sya dapat makaramdam ng panlalamig kapag hinahalikan nya ito. Kissing the woman you love the most should feel right.

Anong ginawa ni Kathryn sa kanya?

__________

Naiinis si Kathryn sa sarili nya. Kasalukuyan syang nasa kuwarto nya at wala syang ganang lumabas. Alas tres na ng hapon at naka-pajamas pa din sya. Nakabukas pa din ang laptop nya. Gusto nya magsulat pero wala syang maisip na isulat. Naghihintay pa rin sya ng tawag ni Daniel.

Dalawang araw na magmula noong huli silang magkita. Pakiramdam nya ay isa syang cheap na kabit. Lagi nyang naririnig ang mga taong tinatawag syang whore pero never nya yung naramdaman until now. Ang tanga nya dahil noong wala naman si Jasmine ay hindi nya yun naramdaman. Anong pinagkaiba ngayon? Dahil ba nakabalik na si Jasmine?

Gusto na nyang mag-let go pero hindi nya magawa.

Muntik syang mapatalon ng biglang nagring ang phone nya. Agad nya iyong sinagot. Wala syang pakialam kung halatang excited sya.

"I miss you." Sabi ng lalaki sa kabilang linya.

Napangiti sya at parang tumalon ang puso nya sa saya. "I miss you too." Sagot nya dito. "Pwede ba tayong magkita ngayon?"

Narinig nyang napabuntong hininga ang kausap. "Gusto kitang makita pero hindi pwede. Pupunta dito si Jasmine mamaya. Magdidinner kami tonight."

"Oh." Sabi nya na lang dahil di nya mailabas ang disappointment at selos na nararamdaman nya.

"Dont worry. Maghahanap ako ng oras. Siguradong makikipagkita ako sayo bago matapos ang linggong ito."

"Alright." Pagsuko nya.

"Sige. Tawagan uli kita mamaya."

Pero hindi na ito tumawag uli. Sa tingin nya ay naging abala ito kay Jasmine. Hula nya ay masyado itong nagenjoy kasama ang girlfriend at nakalimutan na sya. Nakatulog na lang sya kakaiyak ng gabing iyon.

__________

Isang linggo ang nakalipas at wala pa ring tawag o kahit ano mula kay Daniel. Parang mababaliw na si Kathryn anumang oras. Hindi na nya anong nangyayari sa kanya. Wala na syang alam sa nangyayari sa paligid nya nitong mga nakaraang araw. Namimiss na nya si Daniel at mababaliw sya kapag hindi nya ito nakita.

Agad syang nagbihis. Sinigurado nyang maganda sya. Dadalawin nya ang binata sa opisina. Wala na syang pakialam kay Jasmine. Kahit mabulok pa ang babaeng yun sa impyerno ay wala na syang pakialam. Sa kanya si Daniel. Sa kanya na ito sa umpisa pa lang, inagaw lang ito ni Jasmine.

Dumiretso sya sa loob ng opisina na hindi man lang nagabalang kumatok. Binalewala din nya ang secretary nito. Abala sa trabaho si Daniel nang datnan nya. Agad itong tumayo at lumapit nang makita sya. Hinalikan nya ang binata pero tinulak sya nito nang marahan palayo. Mukhang kabado din ito.

"What's wrong? Namiss kita. Hindi ka ba masaya na andito ako?" Malambing na sabi ni Kathryn habang hinahaplos ang pisngi ni Daniel. Mukha itong hindi nakakatulog ng ayos. Dalawa lang ang ibig sabihin noon. Iniisip sya ng binata o abala ito sa kung ano ano kasama si Jasmine kapag gabi.

Hinawakan sya ni Daniel sa braso at halos hilahin sya palabas. "Papunta dito si Jasmine. Tangina. Ayoko ng magkagulo uli kayo. Tatawagan na lang kita, okay?"

Nagpumiglas sya sa hawak nito sa kanya bago pa sila makarating sa pintuan. Nagtangis ang bagang nya sa pagpipigil ng galit na nararamdaman. Tinatrato sya ng binata na parang kabit talaga. Tiningnan nya ito sa mata. "Wala akong pakialam kay Jasmine. Hindi ka naman tumatawag. If Moses wont come to the mountain, the mountain will come to Moses!"

"Stop acting na para bang girlfriend kita. Alam dapat kung san ka lulugar, Kathryn."

Isang malakas na sampal ang isinagot nya sa binata. "Gago ka! Ang kapal ng mukha mong pagsalitaan ako ng ganyan!"

Napangiwi si Daniel sa sakit. "Wala kang karapatan, Kathryn. Ikaw ang nagpropose ng set up na to. Ginusto mo to. Nangako ka na hindi ka magdedemand."

Ilang malalim na hininga ang pinakawalan nya. Kumurap sya para hindi tumulo ang luha nya. Tama si Daniel. He's so fucking right. Wala syang karapatan dito. No right at all.

Marahas syang tumalikod sa binata nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Jasmine. Nawala ang ngiti nito nang makita silang dalawa.

"Anong ginagawa mo dito, bitch?" Tanong agad ni Jasmine sa kanya.

Isang mapang-asar na ngiti lamang ang pinakita nya dito. Pagkatapos ay hinila nya ang necktie ni Daniel papalapit at hinalikan ito. Isang malalim na halik. Narinig nya ang pagkabigla ni Jasmine. Pinakawalan nya ang labi ni Daniel bago pa sya nito itulak.

"Dumaan lang ako para ibigay yun sa boyfriend mo." Kalmadong sagot ni Kathryn.

Hindi makagalaw si Daniel. Masyado syang nabigla sa ginawa ni Kathryn.

"Hayop ka!" Sambit ni Jasmine. Parang iiyak na ito anumang oras. Halatang galit na ito at pumapangit dahil sa pagngiwi para pigilan ang pagiyak. Sasabunutan sana ni Jasmine si Kathryn pero agad syang napigilan ni Daniel.

Ngumisi lamang si Kathryn ng makita ang itsura ng karibal nya. "Chill. Friendly kiss lang yun. Walang malisya. Wag kang madumi magisip." At lumabas na sya pagkatapos.

Akala ba nila ay papabayaan nya lang na maging masaya sila? Syempre hindi. Hindi ata nila kilala kung sino si Kathryn Bernardo.

Pero bakit nasasaktan din sya sa nangyayari?

__________

Author's Note: Ganyan talaga, walang karapatang magselos at magdemand dahil hindi naman kayo.😋

Comment. Vote. Enjoy.

If You Don't Know Me By NowWhere stories live. Discover now