Chapter 18

10.9K 404 42
                                    

Amused na amused si Kathryn habang tinitingnan si Sam na nakaupo sa tapat nya. Gusto nyang tumawa ng malakas. The guy was obviously into her. Nasa Japanese restaurant sila ngayon dahil inimbitahan sya ng binata para kumain ng lunch. Nacucurious sya kay Sam pero wala naman syang balak na seryosohin ito.

"I like you." Diretsong sabi ni Sam.

Ngumisi sya dito. "Really?"

Tinitigan sya nito. "Really."

"Pero ayaw ko ng may ka-share."

"Nakipaghiwalay na ko kay Jasmine. Hindi nya tayo guguluhin. Pakasalan nya na si Daniel for all I care."

Tumango si Kathryn. Nakuha na nya ang pakay nya. "I'm sorry pero meron na kong fiancé. Ikakasal na ko."

Natigilan si Sam at dumilim ang mukha nito. "Pinaglalaruan mo ba ko?"

"No." Inosenteng sagot nya. "Nagsasabi ako ng totoo. You can ask around."

"You did this on purpose. Sinadya mong i-seduce ako."

"Nagsisimula na kong mabore sa usapan natin." Tumayo si Kathryn, kinuha ang purse nya at iniwan ang binata. Tuwang tuwa sya sa sarili nya. Sigurado syang galit na galit si Jasmine sa mga oras na iyon. Sigurado din syang may pinaplano na ito para makaganti sa kanya. At malamang ay gagamitin nito si Daniel para gumanti. Her business in Manila is almost over. Aalis na sya sa lugar na ito at di na sya babalik.

Pasakay na sana sya sa kotse nang may biglang humaltak ng braso nya.

"What?" Inis na sabi nya nang makitang si Sam iyon.

"I always get what I want at hindi ka exemption doon." Sabi ng binata bago sya marahas na hinatak papunta sa ibang sasakyan.

"Bitawan mo ko!" Reklamo nya habang sinusubukang kumawala sa pagkakawak ni Sam pero lalo lamang humihigpit ang hawak nito.

"Not until I'm done with you." Tinulak sya nito papasok sa kotse.

Kinabahan sya. Galit na galit ang mga mata ni Sam at mabilis din ang pagpapatakbo nito sa sasakyan.

"Saan mo ko dadalhin?"

"Sa lugar kung saan pwede tayong magka-alone time."

Ngayon alam na ni Kathryn kung anong gusto nito sa kanya. She was nervous as hell. Hindi pa sya nakakaranas ng ganito dati. Wala pang lalaking trumato sa kanya ng ganito. Inaamin naman nyang sumobra sya sa ginawa nya sa binata pero hindi pa rin nya deserve ang ganitong klaseng treatment mula sa kahit sinong lalaki.

Mga kalahating oras din silang nagdrive hanggang makarating sa isang condo. Sinubukan ni Kathyrn na pakalmahin ang sarili nya. She had to think straight. She had to think of something. Kailangan nyang makatakas. Pumasok sila sa isang private elevator. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak ni Sam sa kanya kaya't di sya makawala.

"Sa akin tong building na to kaya't di mo ko matatakasan." Banta sa kanya ng binata na para bang nababasa kung anoa ng nasa isip nya.

Napalunok sya. Gusto nyang umiyak pero hindi nya pwedeng hayaan na makita nito ang kahinaan nya. Hindi nya ito pwedeng hayaan na may gawin sa kanya. Over her dead body. Lalaban sya until her last breath. Pero sigurado syang di sya mananalo kung physical strength ang paguusapan. Kailangan nyang magisip ng ibang paraan.

Pumasok sila sa loob ng penthouse at agad syang hinila ni Sam papalapit.

"I don't know what spell you casted on me noong isang gabi sa party, pero hindi ka nawala sa isip ko. I want you so much. I never wanted a woman this much before. Nakakaadik ka."

If You Don't Know Me By NowWhere stories live. Discover now