Chapter 20

13.6K 357 94
                                    

Napangiti siya dahil alam nyang si Dominic iyong yumakap sa kanya. Hinawakan ni Kathryn ang kamay ng binata na nakayakap sa kanya.

"Akala ko umuwi ka na."

"Nag-aaalala kasi ako."

"Saan?"

"Gabi gabi ka kasi andito para magyosi at umiyak. Hindi ka na nagssmile gaya ng dati. Nag-aalala ako baka maging zombie ka na."

Natawa naman si Kathryn sa sinabi nito. "Okay lang ako. Masasanay din ako."

"Naaalala mo pa ba nung first time tayong nagkita?"

Tumango siya. "Nagkita tayo sa isang rooftop din."

-FLASHBACK-

Kathryn wanted to laugh miserably habang tinitingnan ang kalsada sa ibaba. Kanina lamang ay sigurado na syang tatalon sya mula sa building na iyon. Gusto nyang magpakamatay para tapusin na ang mga paghihirap nya. Tatalon na sana sya nang may bigla syang marealize. Bakit nya hahayaan ang mga taong nanakit sa kanya na mabuhay ng hindi nasstress? Pag namatay sya, magiging masaya sila at hindi pwedeng mangyari yun. Kailangan nyang mabuhay para maging miserable ang buhay ng mga umaapi sa kanya.

Busy sya sa mga pagmumuni-muni nya nang may lalaking biglang pumasok sa pintuan papunta sa rooftop na kinaroroonan nya. Hindi sya napansin ng lalaking iyon dahil naroroon sya sa may madilim na parte ng rooftop. Gwapo ito pero hindi nya type. Napatitig sya dito nang makita nyang mukha rin itong miserable at nakatingin din sa kalsada sa ibaba. Naisip nya agad na baka balak din nitong magpakamatay.

Naisip nya na baka binigyan sya ng Diyos ng makakasama sa impyerno.

"Tatalon ka?" malakas na tanong nya sa lalaki.

Nagulat ito at muntik ng mahulog sa building. Buti na lang at nabalanse agad nito ang sarili.

"Who the hell are you?" Inis na tanong sa kanya nung lalaki.

Naglakad si Kathryn papalapit dito. "Kathryn." Inilahad nya ang kanang kamay nya.

"Dominic." Tinanggap naman ng binata at nakipagkamay sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?"

"Same lang sayo."

"Tatalon ka rin?"

"Oo, kaso nagbago ang isip ko. Magiging kadiri yung pagkamatay ko tapos hindi na ko magiging fabulous. Gusto kong mamatay ng maganda. Ayokong kumalat yung dugo ko sa kalsada." Tinuro pa ni Kathryn ang busy na kalsada sa ibaba.

Tinitigan sya ng binata mula ulo hanggang paa. "Mukha kang mayamang brat. Anong problema mo? Kulang sa love at attention?"

Tinitigan din nya ito mula ulo hanggang paa. "Mukha kang gwapong mahirap. Anong problema mo? Pera?"

Ngumiti sa kanya si Dominic. "Tama. Pag mahirap ka, laging problema ang pera. Hindi ka rerespetuhin ng mga tao pag wala kang pera. Two years na kong walang trabaho. Hindi ko alam bakit di ako makahanap ng trabaho kahit anong gawin ko. Nagsisimula nang isampal sa kin ng mga mas bata kong kapatid kung gaano ako kawalang kwenta. Nagagalit ako sa sarili ko. Wala akong magawang tama. Kahit respeto ko sa sarili ko unti unti nang nawawala. Kaya ikaw, brat, tigilan mo na yang pagrereklamo mo sa kung anong kulang sayo. Maswerte ka pa rin dahil may pera ka."

"Gaano ba kaimportante sayo ang pera?"

"It's the only thing that makes the world go round. Pwede mong mabili ang lahat kapag may pera ka. Respect, pride, and diginity."

If You Don't Know Me By NowWhere stories live. Discover now